Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nakasumpong ng interesado sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang mapasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya kapag posible. Nobyembre: Iaalok ang aklat na Kaalaman o brosyur na Hinihiling. Kung mayroon na nito ang mga may-bahay, maaaring gamitin Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o ang iba pang mas matandang publikasyon. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o, kung mayroon, Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero at Pebrero: Ang mas matatandang 192-pahinang aklat ay maaaring ialok, tulad ng Kaligayahan—Papaano Masusumpungan, Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan, o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan? Kung walang matatandang aklat, maaaring gamitin ang alinman sa Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o ang aklat na Creation bilang kahaliling alok.
◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 2002” at dapat na ingatan ito bilang reperensiya sa buong taon. Kagaya noong 2001, ang aklat na Nangangatuwiran ay gagamitin para sa ika-3 at ika-4 na mga pahayag ng estudyante. Yamang hindi makukuha ang aklat na ito sa wikang Bicol, Hiligaynon, Pangasinan, at Samar-Leyte, ang mga reperensiya na nasa edisyon ng mga wikang ito ay makukuha sa Ingles ng aklat na Nangangatuwiran, bagaman isasalin ang mga tema.
◼ Sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, maraming tao ang nag-iisip tungkol sa namatay nilang mga minamahal, kaya magiging angkop na magdala tayo ng tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? at ang mga brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal o Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa mga araw na iyon. Bukod dito, ang Oktubre 8 ng Gumising! ay may materyal na angkop ngayong taóng ito.
◼ Makukuhang Bagong Videocassette:
Isang bagong kalahating oras na video na pinamagatang No Blood—Medicine Meets the Challenge ang maaari na ngayong pididuhin. Inihaharap nito ang mga komento ng mga awtoridad sa medisina na sumusuporta sa ating paninindigan hinggil sa dugo. Ang video na ito ay inihanda lalo na sa mga di-Saksi, kaya ito ay maaaring ipalabas sa mga estudyante sa Bibliya, di-sumasampalatayang asawa o kamag-anak, guro, kamanggagawa, o mga kamag-aral na baka magbangon ng mga katanungan hinggil sa ating paninindigan sa dugo.
◼ Makukuhang Bagong Brosyur:
Mga Saksi ni Jehova—Sino Sila? Ano ang Pinaniniwalaan Nila?—Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Samar-Leyte, Tagalog (Ang brosyur na ito ay maaaring gamitin sa mga pag-aaral sa Bibliya upang maipabatid sa mga estudyante ang organisasyon ni Jehova.)