Iskedyul ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 2002
Mga Instruksiyon
Ito ang magiging kaayusan sa 2002 kapag pinangangasiwaan ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.
MGA REPERENSIYA: Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Ang Bantayan [w], “Lahat ng Kasulatan Ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan [rs] ang magiging batayan para sa mga atas.
Ang paaralan ay dapat na magsimula SA TAKDANG ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at maikling pagbati. Hindi na kailangang sabihin nang pahapyaw kung ano ang nasa programa. Habang ipinakikilala ng tagapangasiwa sa paaralan ang bawat bahagi, babanggitin niya kung ano ang bubuuing paksa. Magpatuloy ayon sa sumusunod:
ATAS BLG. 1: 15 minuto. Ito’y dapat gampanan ng isang matanda o isang ministeryal na lingkod, at ito’y ibabatay sa Ang Bantayan o sa “Lahat ng Kasulatan Ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Kapag salig sa Ang Bantayan, ang atas na ito’y dapat iharap bilang isang 15-minutong pahayag na nagtuturo nang walang pasalitang repaso; kapag salig sa aklat na “Lahat ng Kasulatan,” ito’y dapat iharap bilang isang 10- hanggang 12-minutong pahayag, na susundan ng 3- hanggang 5-minutong pasalitang repaso na ginagamit ang mga tanong na nasa publikasyon. Ang layunin ay hindi lamang makubrehan ang materyal kundi maituon ang pansin sa praktikal na kahalagahan ng impormasyon na tinatalakay, anupat itinatampok ang pinakakapaki-pakinabang sa kongregasyon. Dapat gamitin ang ipinakitang tema.
Ang mga kapatid na inatasan ng ganitong pahayag ay dapat na maging maingat na manatili sa itinakdang oras. Maaaring magbigay ng pribadong payo kung kinakailangan o kung ito’y hinihiling ng tagapagsalita.
MGA TAMPOK NA BAHAGI MULA SA PAGBASA SA BIBLIYA: 6 na minuto. Ito’y dapat gampanan ng isang matanda o isang ministeryal na lingkod na mabisang magkakapit ng materyal sa lokal na mga pangangailangan. Hindi na kailangan ang tema. Hindi ito dapat na maging isang sumaryo lamang ng iniatas na pagbasa. Maaaring ilakip ang 30- hanggang 60-segundong kabuuang repaso sa iniatas na mga kabanata. Gayunman, ang pangunahing layunin ay ang tulungan ang mga tagapakinig na maunawaan kung bakit at kung gaano kahalaga sa atin ang impormasyon. Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa sa paaralan ang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 5 minuto. Ito’y pagbasa sa Bibliya sa iniatas na materyal na gagampanan ng isang kapatid na lalaki, nasa main hall man ang estudyante o nasa karagdagang mga klase ng paaralan. Ang mga atas sa pagbasa ay karaniwan nang maikli upang ang mga estudyante ay makapagbigay ng maikling paliwanag sa pambungad at sa konklusyon. Maaaring ilakip ang mga pangyayari sa kasaysayan, kahalagahan ng hula o doktrina, at pagkakapit sa mga simulain. Lahat ng iniatas na talata ay dapat basahin nang tuluy-tuloy. Mangyari pa, kung ang mga talatang babasahin ay hindi sunud-sunod, maaaring sabihin ng estudyante ang talata kung saan itutuloy ang pagbasa.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Ito’y iaatas sa isang kapatid na babae. Ang paksa ng presentasyong ito ay ibabatay sa Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Maaaring gamitin ang anumang tagpo na angkop sa inyong teritoryo, at maaaring nakatayo o nakaupo ang mga may bahagi. Partikular na titingnan ng tagapangasiwa sa paaralan ang paraan ng estudyante sa pagbuo ng iniatas na tema at kung paano tinutulungan ng estudyante ang may-bahay na mangatuwiran salig sa mga kasulatan. Ang estudyanteng inatasan sa bahaging ito ay dapat na marunong bumasa. Mag-iiskedyul ng isang kasama ang tagapangasiwa sa paaralan, ngunit maaaring kumuha ng isa pang kasama. Hindi ang tagpo kundi ang mabisang paggamit ng Bibliya ang dapat na pangunahing isaalang-alang.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Ang paksa para sa atas na ito ay ibabatay sa Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Isang kapatid na lalaki o babae ang maaaring bigyan ng Atas Blg. 4. Kapag iniatas sa isang kapatid na lalaki, ito ay dapat na laging isang pahayag. Kapag iniatas sa isang kapatid na babae, ito ay dapat na iharap gaya ng binalangkas para sa Atas Blg. 3.
ISKEDYUL NG PAGBASA SA BIBLIYA: Ang bawat isa sa kongregasyon ay pinasisigla na sundin ang lingguhang iskedyul ng pagbasa sa Bibliya, na katumbas sa pagbasa nang halos isang pahina sa isang araw.
PANSININ: Para sa karagdagang impormasyon at instruksiyon hinggil sa payo, oras, nasusulat na mga repaso, at sa paghahanda ng mga atas, pakisuyong tingnan ang pahina 3 ng Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
ISKEDYUL
Ene. 7 Pagbasa sa Bibliya: Eclesiastes 1-6
Blg. 1: Introduksiyon sa Eclesiastes (si p. 112-13 par. 1-8)
Blg. 2: Eclesiastes 4:1-16
Blg. 3: a ‘Sumasampalataya ba Kayo sa Pagpapagaling?’ (rs p. 299 par. 6–p. 300 par. 1)
Blg. 4: Tayo Bang Lahat ay Dati Nang Umiiral sa Dako ng mga Espiritu Bago Pa Tayo Isilang Bilang Tao? (rs p. 220 par.1–5)
Ene. 14 Pagbasa sa Bibliya: Eclesiastes 7-12
Blg. 1: Eclesiastes—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 114 par. 15-19)
Blg. 2: Eclesiastes 8:1-17
Blg. 3: Kung si Adan Sana ay Hindi Nagkasala, sa Langit Kaya ang Kaniyang Magiging Hantungan? (rs p. 220 par. 6–p. 221 par. 1)
Blg. 4: Kailangan Pa Bang Pumunta ang Tao sa Langit Upang Tamasahin ang Isang Tunay na Maligayang Kinabukasan? (rs p. 221 par. 2-4)
Ene. 21 Pagbasa sa Bibliya: Awit ni Solomon 1-8
Blg. 1: Introduksiyon sa Awit ni Solomon at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 115-17 par. 1-4, 16-18)
Blg. 2: Awit ni Solomon 5:1-16
Blg. 3: Ano ang Kahulugan ng 1 Pedro 3:19, 20? (rs p. 221 par. 5)
Blg. 4: Ano ang Kahulugan ng 1 Pedro 4:6? (rs p. 222 par. 1)
Ene. 28 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 1-6
Blg. 1: Introduksiyon sa Isaias (si p. 118-19 par. 1-8)
Blg. 2: Isaias 2:1-17
Blg. 3: Makalangit na Buhay ba ang Pag-asa Para sa Lahat ng mga Kristiyano? (rs p. 222 par. 2–p. 223 par. 2)
Blg. 4: Ano ba ang Sinasabi ng “Bagong Tipan” Hinggil sa Buhay na Walang Hanggan sa Lupa? (rs p. 223 par. 3–p. 224 par. 4)
Peb. 4 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 7-11
Blg. 1: Kailangan Natin ang Organisasyon ni Jehova (w00 1/1 p. 30-1)
Blg. 2: Isaias 8:1-22
Blg. 3: Ukol sa Ilan ang Pag-asa sa Makalangit na Buhay na Binabanggit ng Bibliya? (rs p. 225 par. 1-2)
Blg. 4: Ang 144,000 ba ay Pawang mga Likas na Judio? (rs p. 225 par. 3-6)
Peb. 11 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 12-19
Blg. 1: Paano Mo Minamalas ang Iyong Sarili? (w00 1/15 p. 20-2)
Blg. 2: Isaias 17:1-14
Blg. 3: Ano ang Maka-Kasulatang Pag-asa ng “Malaking Pulutong”? (rs p. 226 par. 1-3)
Blg. 4: Ano ang Gagawin sa Langit Niyaong mga Magtutungo Roon? (rs p. 226 par. 4–p. 227 par. 1)
Peb. 18 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 20-26
Blg. 1: Paunlarin ang Matalik na Kaugnayan kay Jehova (w00 1/15 p. 23-6)
Blg. 2: Isaias 22:1-19
Blg. 3: Sinasabi ba ng Bibliya na Nakaliligtas ang Kaluluwa Pagkamatay ng Katawan? (rs p. 183 par. 1–p. 184 par. 2)
Blg. 4: Anong Uri ng mga Tao ang Nagtutungo sa Impiyernong Binabanggit sa Bibliya? (rs p. 184 par. 3-5)
Peb. 25 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 27-31
Blg. 1: Ang Mang-uusig ay Nakakita ng Matinding Liwanag (w00 1/15 p. 27-9)
Blg. 2: Isaias 29:1-14
Blg. 3: Mayroon Bang Sinuman na Nakalalabas Mula sa Impiyernong Binabanggit sa Bibliya? (rs p. 185 par. 1-3)
Blg. 4: May Walang-Hanggang Kaparusahan ba Ukol sa mga Balakyot? (rs p. 185 par. 4–p. 186 par. 2)
Mar. 4 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 32-37
Blg. 1: Tagumpay sa Pamamagitan ng Pagtitiyaga (w00 2/1 p. 4-6)
Blg. 2: Isaias 33:1-16
Blg. 3: Ano ang ‘Walang-Hanggang Pagpapahirap’ na Tinutukoy sa Apocalipsis? (rs p. 186 par. 3–p. 187 par. 1)
Blg. 4: Ano ang ‘Maapoy na Gehenna’ na Tinukoy ni Jesus? (rs p. 187 par. 2–p. 188 par. 2)
Mar. 11 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 38-42
Blg. 1: Matalinong Payo ng Isang Ina (w00 2/1 p. 30-1)
Blg. 2: Isaias 42:1-16
Blg. 3: Ano ang Kabayaran ng Kasalanan? (rs p. 188 par. 3–p. 189 par. 1)
Blg. 4: Itinuro ba ni Jesus na Pahihirapan ang Balakyot Pagkamatay Nila? (rs p. 189 par. 2)
Mar. 18 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 43-47
Blg. 1: Manatili sa Labas ng Mapanganib na Dako (w00 2/15 p. 4-7)
Blg. 2: Isaias 44:6-20
Blg. 3: Ano ang Kahulugan ng Talinghaga Hinggil sa Taong Mayaman at kay Lazaro? (rs p. 189 par. 3–p. 190 par. 1)
Blg. 4: Ang Pasko ba ay Isang Pagdiriwang na Nasasalig sa Bibliya? (rs p. 111 par. 1–p. 112 par. 2)
Mar. 25 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 48-52
Blg. 1: Ang Kapangyarihan ng Panalangin (w00 3/1 p. 3-4)
Blg. 2: Isaias 49:1-13
Blg. 3: Sino ang mga Pantas na Lalaki, o Mago, na Inakay ng Isang Bituin Patungo kay Jesus? (rs p. 112 par. 3–p. 113 par. 1)
Blg. 4: Ano ang Dapat Nating Isaalang-alang Kapag Sinusuri ang mga Tradisyon ng Pasko? (rs p. 113 par. 2-4)
Abr. 1 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 53-59
Blg. 1: Paghahanap kay Jehova Taglay ang Nakahandang Puso (w00 3/1 p. 29-31)
Blg. 2: Isaias 54:1-17
Blg. 3: Anong mga Simulain ang Dapat na Gumabay sa Atin May Kaugnayan sa mga Pagdiriwang? (rs p. 114 par. 1-4)
Blg. 4: Ano ang Dapat Nating Malaman Hinggil sa Pagdiriwang ng Pasko-ng-Pagkabuhay (Easter) at ng Bagong Taon? (rs p. 115 par. 1–p. 116 par. 1)
Abr. 8 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 60-66
Blg. 1: Isaias—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 123 par. 34-9)
Blg. 2: Isaias 61:1-11
Blg. 3: Ano ang Nasa Ugat ng mga Kapistahan na Umaalaala sa “Espiritu ng mga Patay”? (rs p. 116 par. 2–p. 117 par. 1)
Blg. 4: Ano ang Nalalaman Natin Hinggil sa Valentine’s Day, Mother’s Day, at sa Nasyonalistikong mga Seremonya? (rs p. 117 par. 3–p. 118 par. 3)
Abr. 15 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 1-4
Blg. 1: Introduksiyon sa Jeremias (si p. 124 par. 1-5)
Blg. 2: Jeremias 2:4 -19
Blg. 3: Ano ang Sinasabi ng Bibliya Hinggil sa mga Imahen Bilang mga Bagay na Sinasamba? (rs p. 178 par. 2–p. 179 par. 2)
Blg. 4: Ang mga Imahen ba ay Maaaring Ituring Bilang mga Tulong Lamang sa Pagsamba sa Tunay na Diyos? (rs p. 179 par. 3-7)
Abr. 22 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 5-8
Blg. 1: Kung Bakit Kailangan ng Sangkatauhan ang Isang Katulong (w00 3/15 p. 3-4)
Blg. 2: Jeremias 7:1-20
Blg. 3: Dapat ba Nating Sambahin ang “mga Santo” Bilang mga Tagapamagitan sa Diyos? (rs p. 179 par. 8–p. 180 par. 4)
Blg. 4: Papaano Minamalas ng Diyos ang mga Imahen Bilang mga Bagay na Sinasamba? (rs p. 180 par. 5–p. 181 par. 3)
Abr. 29 Nasusulat na Repaso. Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 9-13
Mayo 6 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 14-18
Blg. 1: Kung Paano Tayo Matutulungan ni Jesu-Kristo (w00 3/15 p. 5-9)
Blg. 2: Jeremias 17:1-18
Blg. 3: Ano ang Dapat Nating Madama sa Alinmang mga Imahen na Dati Nating Pinag-uukulan ng Pagsamba? (rs p. 181 par. 4–p. 182 par. 2)
Blg. 4: Ano ang Maaaring Maging Epekto sa Ating Kinabukasan Kung Tayo’y Gagamit ng mga Larawan sa Pagsamba? (rs p. 182 par. 3-6)
Mayo 13 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 19-23
Blg. 1: Kahinhinan—Isang Katangian na Nagtataguyod ng Kapayapaan (w00 3/15 p. 21-4)
Blg. 2: Jeremias 19:1-15
Blg. 3: Kapag Iniwawaksi ng Tao ang mga Pamantayan ng Bibliya, Sila ba ay Tunay na Nagiging Malaya? (rs p. 303 par. 1-3)
Blg. 4: Ano ang Payo ng Bibliya Hinggil sa Materyalistikong mga Tunguhin at sa Pagmamalabis sa Alak? (rs p. 303 par. 4 –p. 304 par. 1)
Mayo 20 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 24-28
Blg. 1: Isang Huwarang Lalaki na Tumanggap ng Pagtutuwid (w00 3/15 p. 25-8)
Blg. 2: Jeremias 25:1-14
Blg. 3: Pahalagahan ang Iyong Kaugnayan kay Jehova, at Iwasan ang Masasamang Kasama (rs p. 304 par. 3)
Blg. 4: Sino ang Humikayat sa mga Tao na Ipagwalang-Bahala ang mga Utos ng Diyos? (rs p. 305 par. 1-2)
Mayo 27 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 29-31
Blg. 1: Paano Kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa Ngayon? (w00 4/1 p. 8-11)
Blg. 2: Jeremias 30:1-16
Blg. 3: Anong mga Saloobin ang Dapat Nating Iwasan? (rs p. 305 par. 3–p. 306 par. 4)
Blg. 4: Kapag ang Kasarinlan ay Umakay sa Isa na Tularan ang Sanlibutan, Kaninong Pamumuno Siya Nagpapasakop? (rs p. 306 par. 5-6)
Hunyo 3 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 32-35
Blg. 1: Maaliw sa Lakas ni Jehova (w00 4/15 p. 4-7)
Blg. 2: Jeremias 34:1-16
Blg. 3: Saan Masusumpungan ang Pangalan ng Diyos sa mga Salin ng Bibliya na Karaniwang Ginagamit Ngayon? (rs p. 190 par. 2–p. 192 par. 5)
Blg. 4: Bakit ang Maraming Salin ng Bibliya ay Hindi Gumagamit ng Personal na Pangalan ng Diyos? (rs p. 192 par. 6–p. 193 par. 3)
Hunyo 10 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 36-40
Blg. 1: Minamalas Mo Ba ang Mararahas Gaya ng Pangmalas ng Diyos? (w00 4/15 p. 26-9)
Blg. 2: Jeremias 37:1-17
Blg. 3: Aling Anyo ng Banal na Pangalan ang Siyang Wasto, Jehova o Yahweh? (rs p. 194 par. 1–p. 196 par. 5)
Blg. 4: Ang Jehova ba sa “Matandang Tipan” ay Siya Ring Jesu-Kristo sa “Bagong Tipan”? (rs p. 196 par. 6–p. 197 par. 2)
Hunyo 17 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 41-45
Blg. 1: “Ingatan Mo ang Iyong Puso” (w00 5/15 p. 20-4)
Blg. 2: Jeremias 41:1-15
Blg. 3: Papaano Maaaring Ibigin ng Isa si Jehova Kung Siya ay Dapat Ding Katakutan? (rs p. 197 par. 3-4)
Blg. 4: Anong mga Paniniwala ng mga Saksi ni Jehova ang Nagtatangi sa Kanila sa Ibang mga Relihiyon? (rs p. 377 par. 1–p. 379 par. 1)
Hunyo 24 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 46-49
Blg. 1: Ang Sakdal na Buhay ay Hindi Lamang Isang Panaginip! (w00 6/15 p. 5 -7)
Blg. 2: Jeremias 49:1-13
Blg. 3: Ang mga Saksi ni Jehova ba ay Isang Relihiyong Amerikano? (rs p. 379 par. 2–p. 380 par. 1)
Blg. 4: Ang mga Saksi ni Jehova ba ay Isang Sekta? (rs p. 380 par. 2–p. 381 par. 3)
Hulyo 1 Pagbasa sa Bibliya: Jeremias 50-52
Blg. 1: Jeremias—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 129 par. 36-9)
Blg. 2: Jeremias 50:1-16
Blg. 3: Naniniwala ba ang mga Saksi ni Jehova na ang Kanilang Relihiyon Lamang ang Siyang Tama? (rs p. 381 par. 4-5)
Blg. 4: Ang Tunay na Relihiyon ay Sumusunod sa Bibliya (rs p. 382 par. 1)
Hulyo 8 Pagbasa sa Bibliya: Panaghoy 1-2
Blg. 1: Introduksiyon sa Panaghoy (si p. 130-1 par. 1-7)
Blg. 2: Panaghoy 1:1-14
Blg. 3: Ano ang Saligan ng mga Saksi ni Jehova sa Kanilang Pagpapaliwanag sa Bibliya? (rs p. 382 par. 2–p. 383 par. 3)
Blg. 4: Bakit Nagkaroon ng mga Pagbabago sa mga Turo ng mga Saksi ni Jehova? (rs p. 383 par. 4)
Hulyo 15 Pagbasa sa Bibliya: Panaghoy 3-5
Blg. 1: Panaghoy—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 132 par. 13-15)
Blg. 2: Panaghoy 3:1-30
Blg. 3: Bakit Nangangaral ang mga Saksi ni Jehova sa Bahay-Bahay? (rs p. 384 par. 1-4)
Blg. 4: Bakit Inuusig ang mga Saksi ni Jehova? (rs p. 385 par. 1-2)
Hulyo 22 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 1- 6
Blg. 1: Introduksiyon sa Ezekiel (si p. 132-3 par. 1-6)
Blg. 2: Ezekiel 4:1-17
Blg. 3: b ‘Bakit Hindi Kayo Makipagtulungan Upang ang Sanlibutan ay Maging Isang Dakong Mas Kaayaayang Pamuhayan?’ (rs p. 385 par. 3–p. 386 par. 3)
Blg. 4: c ‘Ang mga Kristiyano ay Dapat Maging mga Saksi ni Jesus, Hindi ni Jehova’ (rs p. 386 par. 4)
Hulyo 29 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 7-12
Blg. 1: Makinabang sa Mabubuting Halimbawa (w00 7/1 p. 19-21)
Blg. 2: Ezekiel 10:1-19
Blg. 3: Si Jesu-Kristo ba ay Isang Tunay na Persona? (rs p. 198 par. 1-4)
Blg. 4: Si Jesu-Kristo ba ay Isa Lamang Mabuting Tao? (rs p. 199 par. 1)
Agos. 5 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 13-16
Blg. 1: Makapananatili Kang Malinis sa Isang Imoral na Daigdig (w00 7/15 p. 28-31)
Blg. 2: Ezekiel 13:1-16
Blg. 3: Si Jesus ba ay Isa Lamang Pinunong Relihiyoso? (rs p. 199 par. 2)
Blg. 4: Bakit ang mga Judio sa Pangkalahatan ay Hindi Tumanggap kay Jesus? (rs p. 200 par. 1-2)
Agos. 12 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 17-20
Blg. 1: Bakit Igagalang ang Awtoridad? (w00 8/1 p. 4-7)
Blg. 2: Ezekiel 17:1-18
Blg. 3: Talaga Bang si Jesu-Kristo ang Diyos? (rs p. 200 par. 3–p. 201 par. 1)
Blg. 4: Pinatutunayan ba ng Juan 1:1 na si Jesus ang Diyos? (rs p. 201 par. 3-5)
Agos. 19 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 21-23
Blg. 1: Paano Mo Pinakikitunguhan ang mga Di-Pagkakaunawaan? (w00 8/15 p. 23-5)
Blg. 2: Ezekiel 22:1-16
Blg. 3: Ang Bulalas ba ni Tomas sa Juan 20:28 ay Nagpapatotoo na si Jesus ay Tunay Ngang ang Diyos? (rs p. 202 par. 1-3)
Blg. 4: Ipinahihiwatig ba ng Mateo 1:23 na si Jesus ay Diyos Nang Siya ay Nasa Lupa? (rs p. 202 par. 4–p. 203 par. 2)
Agos. 26 Nasusulat na Repaso. Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 24-28
Set. 2 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 29-32
Blg. 1: Bakit Dapat na Maging Mapagsakripisyo-sa-Sarili? (w00 9/15 p. 21-4)
Blg. 2: Ezekiel 30:1-19
Blg. 3: Ano ang Kahulugan ng Juan 5:18? (rs p. 203 par. 3-4)
Blg. 4: Dahil ba sa si Jesus ay Sinasamba ay Patotoo na Siya ang Diyos? (rs p. 203 par. 5–p. 204 par. 2)
Set. 9 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 33-36
Blg. 1: Kung Paano Ka Mápapalapít sa Diyos (w00 10/15 p. 4-7)
Blg. 2: Ezekiel 33:1-16
Blg. 3: Ang mga Himala ba na Ginampanan ni Jesus ay Patotoo na Siya ang Diyos? (rs p. 204 par. 3–p. 205 par. 1)
Blg. 4: Ang Pananampalataya ba kay Jesu-Kristo ang Siyang Tanging Hinihiling Upang Maligtas? (rs p. 205 par. 3)
Set. 16 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 37- 40
Blg. 1: Paano Mo Sinusukat ang Tagumpay? (w00 11/1 p. 18-21)
Blg. 2: Ezekiel 39:1-16
Blg. 3: Si Jesus ba ay Umiral na sa Langit Bago Siya Naging Tao? (rs p. 205 par. 4–p. 206 par. 1)
Blg. 4: Taglay ba ni Jesus ang Kaniyang Katawang Laman sa Langit? (rs p. 206 par. 2-5)
Set. 23 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 41-45
Blg. 1: Maglingkod sa Diyos Taglay ang Isang Nagkukusang Espiritu (w00 11/15 p. 21-3)
Blg. 2: Ezekiel 42:1-20
Blg. 3: Si Jesu-Kristo ba ay Siya Ring Miguel Arkanghel? (rs p. 207 par. 1-3)
Blg. 4: d ‘Hindi Kayo Naniniwala kay Jesus’ (rs p. 208 par. 1-3)
Set. 30 Pagbasa sa Bibliya: Ezekiel 46-48
Blg. 1: Ezekiel—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 137 par. 29-33)
Blg. 2: Ezekiel 46:1-15
Blg. 3: e ‘Tinatanggap ba Ninyo si Jesus Bilang Personal na Tagapagligtas?’ (rs p. 208 par. 4 -5)
Blg. 4: f ‘Tinanggap Ko na si Jesus Bilang Personal na Tagapagligtas’ (rs p. 209 par. 1)
Okt. 7 Pagbasa sa Bibliya: Daniel 1-4
Blg. 1: Introduksiyon sa Daniel (si p. 138-9 par. 1-6)
Blg. 2: Daniel 1:1-17
Blg. 3: Ang mga Likas na Judio ba sa Ngayon ang Siyang Piniling Bayan ng Diyos? (rs p. 209 par. 2–p. 210 par. 4)
Blg. 4: Lahat ba ng mga Judio ay Makukumberte Upang Sumampalataya kay Kristo? (rs p. 211 par. 1-2)
Okt. 14 Pagbasa sa Bibliya: Daniel 5-8
Blg. 1: Dapat Mo ba Laging Paniwalaan ang Sinasabi ng “Marurunong” na Tao? (w00 12/1 p. 29-31)
Blg. 2: Daniel 5:1-16
Blg. 3: Kailangan ba ng mga Judio na Manampalataya kay Jesus Upang Maligtas? (rs p. 211 par. 3–p. 212 par. 1)
Blg. 4: Katuparan ba ng Hula ng Bibliya ang mga Pangyayaring Nagaganap Ngayon sa Israel? (rs p. 212 par. 2–p. 213 par. 2)
Okt. 21 Pagbasa sa Bibliya: Daniel 9-12
Blg. 1: Daniel—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 141-2 par. 19-23)
Blg. 2: Daniel 10:1-21
Blg. 3: May Katuparan ba sa Ngayon ang mga Hula Hinggil sa Pagsasauli ng Israel? (rs p. 213 par. 3–p. 214 par. 3)
Blg. 4: Ang Kaharian ba ng Diyos ay Tunay na Pamahalaan? (rs p. 87 par. 2-3)
Okt. 28 Pagbasa sa Bibliya: Oseas 1-14
Blg. 1: Introduksiyon sa Oseas at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 143-5 par. 1-8, 14-17)
Blg. 2: Oseas 4:1-19
Blg. 3: Sino ang mga Tagapamahala sa Kaharian? (rs p. 88 par. 1-3)
Blg. 4: Ano ang Magiging Epekto ng Kaharian ng Diyos sa mga Pamahalaan ng Tao? (rs p. 88 par. 4-5)
Nob. 4 Pagbasa sa Bibliya: Joel 1-3
Blg. 1: Introduksiyon sa Joel at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 146-8 par. 1-5, 12-14)
Blg. 2: Joel 1:1-20
Blg. 3: Pakababanalin ng Kaharian ng Diyos ang Pangalan ni Jehova (rs p. 88 par. 6–p. 89 par. 2)
Blg. 4: Pagkakaisahin ng Kaharian ng Diyos ang Buong Sangnilalang sa Dalisay na Pagsamba (rs p. 89 par. 3–p. 90 par. 1)
Nob. 11 Pagbasa sa Bibliya: Amos 1-9
Blg. 1: Introduksiyon sa Amos at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 148-50 par. 1-6, 13-17)
Blg. 2: Amos 1:1-15
Blg. 3: Aalisin ng Kaharian ng Diyos ang Digmaan at Katiwalian (rs p. 90 par. 2-5)
Blg. 4: Maglalaan ang Kaharian ng Diyos ng Pagkain Para sa Lahat at Aalisin ang Sakit (rs p. 90 par. 6–p. 91 par. 1)
Nob. 18 Pagbasa sa Bibliya: Obadias 1-21–Jonas 1-4
Blg. 1: Introduksiyon sa Obadias at sa Jonas at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 151-3 par. 1-5, 10-14; p. 153-5 par. 1-4, 9-12)
Blg. 2: Obadias 1:1-16
Blg. 3: Maglalaan ang Kaharian ng Diyos ng mga Tahanan, Hanapbuhay, at Katiwasayan Para sa Lahat (rs p. 91 par. 2-5)
Blg. 4: Paiiralin ng Kaharian ng Diyos ang Katuwiran at Katarungan (rs p. 91 par. 6–p. 92 par. 1)
Nob. 25 Pagbasa sa Bibliya: Mikas 1-7
Blg. 1: Introduksiyon sa Mikas at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 155-8 par. 1-8, 16-19)
Blg. 2: Mikas 1:1-16
Blg. 3: Bubuhaying-Muli ng Kaharian ng Diyos ang mga Patay (rs p. 92 par. 2-5)
Blg. 4: Paiiralin ng Kaharian ng Diyos ang Isang Sanlibutan ng Pag-ibig at Pagkakasundo (rs p. 92 par. 6–p. 93 par. 2)
Dis. 2 Pagbasa sa Bibliya: Nahum 1-3–Habakuk 1-3
Blg. 1: Introduksiyon sa Nahum at sa Habakuk at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 158-60 par. 1-7, 11-12; p. 161-3 par. 1-5, 12-14)
Blg. 2: Nahum 3:1-19
Blg. 3: Gagawing Paraiso ng Kaharian ng Diyos ang Lupa (rs p. 93 par. 3-5)
Blg. 4: Nagsimula na Bang Mamahala ang Kaharian ng Diyos Noong Unang Siglo? (rs p. 93 par. 6–p. 94 par. 2)
Dis. 9 Pagbasa sa Bibliya: Zefanias 1-3–Hagai 1-2
Blg. 1: Introduksiyon sa Zefanias at sa Hagai at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 163-6 par. 1-6, 10-12; p. 166-8 par. 1-7, 13-16)
Blg. 2: Zefanias 2:1-15
Blg. 3: Kailangan ba Munang Makumberte ang Sanlibutan Bago Magpuno ang Kaharian ng Diyos? (rs p. 94 par. 3-4)
Blg. 4: g ‘Hindi Darating ang Kaharian ng Diyos sa Panahon Ko’ (rs p. 95 par. 2-3)
Dis. 16 Pagbasa sa Bibliya: Zacarias 1-8
Blg. 1: Introduksiyon sa Zacarias (si p. 168-9 par. 1-7)
Blg. 2: Zacarias 6:1-15
Blg. 3: Ano ang Nagpapatotoo na Tayo ay Nabubuhay sa mga Huling Araw? (rs p. 169 par. 1)
Blg. 4: Paano Naging Bahagi ng “Tanda” ang mga Digmaan at Kakapusan sa Pagkain? (rs p. 169 par. 2–p. 170 par. 4)
Dis. 23 Pagbasa sa Bibliya: Zacarias 9-14
Blg. 1: Zacarias—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 171-2 par. 23-7)
Blg. 2: Zacarias 9:1-17
Blg. 3: Paano Natutupad ang Lucas 21:11 Sapol Noong 1914? (rs p. 171 par. 1-3)
Blg. 4: Ano ang Ipinahihiwatig ng Paglago ng Katampalasanan? (rs p. 171 par. 4–p. 172 par. 1)
Dis. 30 Nasusulat na Repaso. Pagbasa sa Bibliya: Malakias 1-4
[Mga Talababa]
a Habang ipinahihintulot ng panahon, dapat sagutin ng estudyante ang mga pag-aangkin, pagtutol, at iba pang tugon ng may-bahay, upang masapatan ang mga pangangailangan sa teritoryo.
b Habang ipinahihintulot ng panahon, dapat sagutin ng estudyante ang mga pag-aangkin, pagtutol, at iba pang tugon ng may-bahay, upang masapatan ang mga pangangailangan sa teritoryo.
c Habang ipinahihintulot ng panahon, dapat sagutin ng estudyante ang mga pag-aangkin, pagtutol, at iba pang tugon ng may-bahay, upang masapatan ang mga pangangailangan sa teritoryo.
d Habang ipinahihintulot ng panahon, dapat sagutin ng estudyante ang mga pag-aangkin, pagtutol, at iba pang tugon ng may-bahay, upang masapatan ang mga pangangailangan sa teritoryo.
e Habang ipinahihintulot ng panahon, dapat sagutin ng estudyante ang mga pag-aangkin, pagtutol, at iba pang tugon ng may-bahay, upang masapatan ang mga pangangailangan sa teritoryo.
f Habang ipinahihintulot ng panahon, dapat sagutin ng estudyante ang mga pag-aangkin, pagtutol, at iba pang tugon ng may-bahay, upang masapatan ang mga pangangailangan sa teritoryo.
g Habang ipinahihintulot ng panahon, dapat sagutin ng estudyante ang mga pag-aangkin, pagtutol, at iba pang tugon ng may-bahay, upang masapatan ang mga pangangailangan sa teritoryo.