Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero at Pebrero: Maaaring ialok ang matatagal nang mga aklat na may 192 pahina, gaya ng Kaligayahan—Papaano Masusumpungan, Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan, o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan? Kung walang makukuhang matatagal nang mga aklat, ang alinman sa Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o ang aklat na Creation ay maaaring gamitin bilang kahaliling alok. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay iaalok taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng kapuwa Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na kanilang ihahatid nang palagian ang mga magasin o ialok ang isang suskrisyon kung malayo ang kanilang tirahan sa isang kongregasyon. Laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang makapagpasimula ng mga pag-aaral sa mga taong interesado.
◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan ang mga kongregasyon upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Huwebes, Marso 28, 2002, pagkatapos lumubog ang araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi lumulubog ang araw. Bagaman kanais-nais na magdaos ang bawat kongregasyon ng sarili nitong pagdiriwang ng Memoryal, maaaring hindi laging posible ito. Kapag maraming kongregasyon ang karaniwang gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring kumuha ng iba pang pasilidad para gamitin sa gabing iyon.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla sa panahon ng Memoryal sa 2002 ay ibibigay sa Linggo, Abril 14, 2002. Ito ay pinamagatang “Laging Isaisip na Malapit Na ‘ang Kakila-kilabot na Araw.’ ” Isang balangkas ng pahayag ang ilalaan para sa mga tagapagsalita sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang dapat na magdaos ng pantanging pahayag bago ang Abril 14, 2002.
◼ Yamang ang Abril at Mayo ay mga pantanging buwan sa pag-aalok ng magasin at marami ang makikibahagi sa gawaing auxiliary pioneer sa panahong iyon, dapat na isaalang-alang na ngayon ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng kapatid na nangangasiwa sa magasin ang pagpidido ng ekstrang mga magasin para magamit ng kongregasyon sa mga buwang iyon. Pakisuyong ipadala ang inyong pantanging mga pidido upang dumating ang mga ito sa sangay sa Pebrero 1, 2002. Ito ang titiyak na matatanggap ninyo ang ekstrang mga magasin kasabay ng inyong regular na pidido.
◼ Mga Bagong Publikasyon na Makukuha:
Watch Tower Publications Index, 1986-2000—Ingles
Tract No. 72, The Greatest Name—Ingles
Tract No. 73, Who Are Jehovah’s Witnesses?—Ingles
(Pansinin: Ang dalawang tract sa itaas ay pantanging dinisenyo para sa mga Muslim. May limitado kaming suplay na maaaring pididuhin.)