Binuong mga Bagong Korporasyon
Ang labas ng Ang Bantayan noong Enero 15, 2001 ay nag-ulat hinggil sa organisadong paraan na sa pamamagitan nito’y patuloy na sumusulong ang mga Saksi ni Jehova sa gawaing pang-Kaharian sa buong lupa. Ipinaliwanag din nito kung paanong ang iba’t ibang legal na korporasyon ay ginagamit bilang mga instrumento upang mapadali ang pagpapalaganap ng mabuting balita. Kailangan ang gayong mga kasangkapan o korporasyon upang masunod ang lokal at pambansang mga batas, gaya ng hinihiling ng Salita ng Diyos. (Roma 13:1) Dahil sa pagkasari-sari at lawak ng ating gawain, sinang-ayunan ng Lupong Tagapamahala ang pagbuo ng karagdagang mga korporasyon upang asikasuhin ang ilang pangangailangan ng mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos. Ang mga bagong korporasyon ay ang sumusunod:
Christian Congregation of Jehovah’s Witnesses
Religious Order of Jehovah’s Witnesses
Kingdom Support Services, Inc.
Ang mga ito ay gagawa kasama ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania at ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. Ang iyong pakikipagtulungan sa mga pagbabagong ito na ginawa ng Lupong Tagapamahala sa pagsasakatuparan ng atas nito na asikasuhin ang lahat ng mga pag-aari ng Panginoon ay lubos na pahahalagahan.—Mat. 24:45-47.