Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/02 p. 1
  • Ang Pinakamaliligayang Tao sa Lupa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamaliligayang Tao sa Lupa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Maligaya ang mga Naglilingkod sa “Maligayang Diyos”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Puwede Kang Maging Tunay na Maligaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Kung Paano Magiging Maligaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Tunay na Kaligayahan sa Paglilingkod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 7/02 p. 1

Ang Pinakamaliligayang Tao sa Lupa

1 “Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!” (Awit 144:15) Inilalarawan ng mga salitang iyan ang mga Saksi ni Jehova bilang ang pinakamaliligayang tao sa lupa. Wala nang kagalakan na hihigit pa kaysa sa naidudulot ng paglilingkod sa tanging tunay at nabubuhay na Diyos, si Jehova. Yamang siya ang “maligayang Diyos,” ipinamamalas ng mga sumasamba sa kaniya ang kaniyang kaluguran. (1 Tim. 1:11) Ano ang ilang aspekto ng ating pagsamba na labis na nakapagpapaligaya sa atin?

2 Mga Dahilan sa Pagiging Maligaya: Tiniyak sa atin ni Jesus na ang kaligayahan ay nagmumula sa pagiging “palaisip sa [ating] espirituwal na pangangailangan.” (Mat. 5:3) Nasasapatan ng patuluyang pag-aaral ng Bibliya at pagdalo sa lahat ng ating Kristiyanong pagpupulong ang pangangailangang iyan. Ang pagkatuto ng katotohanan sa Salita ng Diyos ay nagpalaya sa atin mula sa relihiyosong kasinungalingan at kamalian. (Juan 8:32) Itinuro rin sa atin ng Kasulatan ang pinakamainam na paraan ng pamumuhay. (Isa. 48:17) Dahil diyan, nagtatamasa tayo ng mabuting Kristiyanong pagsasamahan sa loob ng ating maligayang samahan ng mga kapatid.—1 Tes. 2:19, 20; 1 Ped. 2:17.

3 Nagtatamo tayo ng malaking kasiyahan mula sa pagsunod sa matataas na pamantayan ng Diyos hinggil sa moral, sapagkat alam natin na ito ay nagsasanggalang sa atin at nagpapaligaya naman kay Jehova. (Kaw. 27:11) Isang reporter sa diyaryo ang nagsabi: “Sa kabila ng lahat ng istriktong mga pamantayan nila, hindi naman mukhang malungkot ang mga Saksi ni Jehova. Kabaligtaran pa nga. Ang mga kabataan gayundin ang matatanda [sa kanila] ay kakikitaan ng di-pangkaraniwang kagalakan at pagiging timbang.” Paano natin matutulungan ang iba na maging maligaya tulad natin?

4 Tulungan ang Iba na Makasumpong ng Kaligayahan: Ang daigdig ay lipos ng kalungkutan, at ang mga tao ay karaniwan nang may mapanglaw na pangmalas sa kinabukasan. Gayunman, mayroon tayong maaliwalas na pangmalas, sa pagkaalam na darating ang araw at lahat ng kalungkutan ay mawawala na. (Apoc. 21:3, 4) Kaya naman, masigasig tayong nakikibahagi sa ministeryo, anupat naghahanap ng tapat-pusong mga tao na mababahaginan natin ng ating pag-asa at ng ating mga paniniwala tungkol kay Jehova.—Ezek. 9:4.

5 Isang payunir na sister ang nagsabi: “Wala nang mas kasiya-siya pa kaysa sa pagtulong sa mga tao na makilala si Jehova at matutuhan ang kaniyang katotohanan.” Gawin natin ang ating buong makakaya upang mapasigla ang marami pa na tumanggap ng pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya. Ang paglilingkod kay Jehova at paggamit ng ating sarili upang tulungan ang iba na maglingkod sa kaniya ay nagdudulot ng pinakamalaking kaligayahan.—Gawa 20:35.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share