Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hulyo 8
15 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Hulyo 15 ng Bantayan at ang Hulyo 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ipakita ang naiibang paraan ng pagharap sa pagtutol na “Mga Kristiyano na kami dito.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 19.
10 min: Pahayag ng isang matanda sa “Tanong” sa pahina 3, na gumagawa ng lokal na pagkakapit sa materyal.
20 min: Pagiging Organisado sa Pagpapatotoo Nang Di-pormal. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig na ginagamit ang aklat na Ating Ministeryo, pahina 93-4. Ginagamit ang mga mungkahi sa unang pahina ng insert ng Mayo 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, itanghal sa maikli ang dalawa o tatlong paraan ng di-pormal na pagpapatotoo sa isang estranghero, kapitbahay, kamag-anak, o kakilala.
Awit 139 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 15
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Mabubuting Dahilan Upang Gamitin ang Bibliya sa Ating Ministeryo. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Kabisado ni Jesus ang Kasulatan at palaging tinutukoy ito kapag nagtuturo. (Luc. 24:27, 44-47) Ang itinuro niya ay hindi nagmula sa kaniya. (Juan 7:16-18) Mahalaga na gamitin din natin ang Salita ng Diyos. Mas makapangyarihan ito kaysa sa anumang maaari nating sabihin nang personal. (Juan 12:49, 50; Heb. 4:12) Ang taimtim na mga tao ay naaakit dahil sa kaaliwan at pag-asa na ibinibigay ng Kasulatan. Gawin mong tunguhin na bumasa ng kahit man lamang isang teksto sa Bibliya sa iyong mga presentasyon. Banggitin na inilakip ang mga kasulatan sa mungkahing mga presentasyon sa magasin para sa buwang ito. Hilingan ang mga tagapakinig na magbigay ng ilang komento kung paano nila ginagamit ang Bibliya sa ministeryo at kung ano ang epekto nito sa kanila at sa mga pinangaralan nila.
Awit 215 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 22
10 min: Lokal na mga patalastas. Itatanghal ng isang magulang at anak na magkasamang gumagawa sa paglilingkod kung paano gagamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 sa pag-aalok ng Agosto 1 at Agosto 8 na mga magasin. Itatampok ng isa Ang Bantayan, at itatampok naman ng isa pa ang Gumising! Pasiglahin ang mga magulang na pasulong na sanayin ang kanilang mga anak sa ministeryo.
17 min: Ano ang Sasabihin Mo sa Isang Tao na Nagtatanong Tungkol sa Islam? Pahayag at pagtatanghal. Ginagamit ang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, kabanata 12, ipaliwanag sa maikli ang pagkakatulad ng Bibliya at ng Koran. (Tingnan ang kahon sa pahina 285.) Ipakita ang pagkakaiba ng turo ng Islam tungkol sa kaluluwa (pahina 297-300) at ng paliwanag ng Bibliya. (Tingnan ang talababa sa pahina 299.) Ginagamit ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 100-4 (pahina 375-9 sa Ingles), itanghal kung paano ipaliliwanag sa isang baguhang interesado ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaluluwa.
18 min: Paano Ko Maiiwasan ang mga Panganib sa Internet? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Enero 22, 2000, Gumising!, pahina 19-21. Tukuyin ang mga patibong ng walang-limitasyong paggamit ng Internet, at ipaliwanag kung paano maiiwasang masilo. Anyayahan ang tagapakinig na magkomento kung paano sila nakinabang sa pagkakapit ng payong ito.
Awit 61 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 29
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Hulyo.
15 min: “Ang Pinakamaliligayang Tao sa Lupa.” Isang pahayag. Ilakip sa maikli ang “Mga Hakbang Tungo sa Kaligayahan,” sa pahina 6 sa Oktubre 15, 1997, Bantayan.
20 min: “Mabuklod Nang Magkakasuwato.”a Kapag tinatalakay ang parapo 3, ilakip ang mga komento sa Abril 22, 2000, Gumising!, pahina 9-10. Sa parapo 4, ilakip ang mga komento sa Abril 1, 1995, Bantayan, pahina 16-17, parapo 4-6.
Awit 81 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Pagtitipon sa mga Tao Mula sa Lahat ng Wika.”b Ilakip ang mga komento sa Abril 1, 2002, Bantayan, pahina 24. Kung angkop, ipaliwanag sa maikli kung ano ang ginagawa upang matulungan ang mga nasa lokal na teritoryo na nagsasalita ng banyagang mga wika, at itanghal ang presentasyon sa parapo 4.
15 min: Pahayag ng isang matanda sa “Empatiya—Susi sa Kabaitan at Pagkamahabagin,” salig sa artikulo ng Abril 15, 2002, Bantayan, pahina 24-7.
Awit 184 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.