Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/02 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 3/02 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Marso: Ang aklat na Kaalaman ay iaalok taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng kapuwa Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular nilang ihahatid ang mga magasin, sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kapag mayroon na ang mga may-bahay ng mga publikasyong ito, ialok ang brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!

◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Kung Paano Ginagayakan ng mga Tunay na Kristiyano ang Banal na Pagtuturo” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais na maglingkod bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat na gumawa na ngayon ng kanilang mga plano at ibigay ang kanilang mga aplikasyon nang maaga. Ito ay makatutulong sa matatanda na gumawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at magkaroon ng sapat na mga magasin at iba pang literatura para magamit nila. Ang mga pangalan ng lahat ng inaprobahan bilang mga auxiliary pioneer ay dapat na ipatalastas sa kongregasyon.

◼ Pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal: Ang lahat ay pinasisiglang basahin ang iminungkahing bahagi ng Bibliya na nakaiskedyul sa 2002 Calendar at nasa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw, na magsisimula sa Marso 23 at magtatapos sa araw ng Memoryal, Marso 28.

◼ Makukuhang Bagong Publikasyon: (Pansinin: Ang mga pidido ay maaaring ipadala simula sa Marso 15, 2002; pakisuyong huwag pumidido bago ang petsang iyan.) Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

◼ Makukuhang Bagong Videocassette: Faithful Under Trials—Jehovah’s Witnesses in the Soviet Union—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share