Babawasan ang mga Suskrisyon
Malugod na ipinababatid sa inyo ng tanggapang pansangay na inaprobahan ng Lupong Tagapamahala ang pagbabawas ng mga suskrisyong inaasikaso ng mga sangay sa buong daigdig. Gaya ng naipaliwanag na sa aming liham sa lahat ng kongregasyon ng Enero 1, 2002, mula ngayon, limitadong bilang na lamang ng mga suskrisyon ang aasikasuhin ng tanggapang pansangay dahil sa mataas na halaga ng pagpapadala sa koreo ng indibiduwal na mga kopya ng mga magasin. Ang mga suskrisyon sa kasalukuyan ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang mga ito.
Ang lahat ng kapatid, pati na ang mga taong interesado na kaugnay sa lokal na kongregasyon, ay dapat kumuha ng kanilang personal na mga kopya ng magasin mula sa suplay ng kongregasyon at hindi sa pamamagitan ng suskrisyon. Dahil dito, dapat tiyakin ng lahat ng kongregasyon na sila ay tumatanggap ng sapat na magasin upang ang lahat ng nagnanais ay makakuha ng mga magasin. Kung tungkol sa publiko, pinasisigla namin ang mga mamamahayag na itala yaong mga nagnanais na regular na tumanggap ng ating magasin at pagkatapos ay ihatid ang mga ito nang personal. Ito’y magpapangyari na mapanatili nila ang personal na kaugnayan sa mga indibiduwal na ito, anupat maaaring magbunga ng higit pang mga pag-aaral sa Bibliya.
Sa ilang di-karaniwang kaso, ang ilang taong interesado ay maaaring nakatira sa isang napakaliblib na lugar na mahirap maabot, o may post office box kung saan inihahatid ang mga sulat. Para sa gayong mga indibiduwal ang tanggapang pansangay ay patuloy na magpapadala ng personal na mga suskrisyon. Dapat na iilan lamang ang mga ito, kaya ito ay magdudulot ng malaking katipiran kapuwa sa halaga ng koreo at sa kinakailangang tauhan sa tanggapan upang mag-asikaso sa dating kaayusan ng suskrisyon.