Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/02 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 8
  • Linggo ng Abril 15
  • Linggo ng Abril 22
  • Linggo ng Abril 29
  • Linggo ng Mayo 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 4/02 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Abril 8

Awit 39

13 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang bawat isa na panoorin ang Young People Ask​—How Can I Make Real Friends? bilang paghahanda sa talakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Abril 22. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Abril 15 ng Bantayan at ang Abril 22 ng Gumising!

12 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Gumawa ng Mabuti sa Lahat.”a Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na maglalahad kung paano nila pinalalawak ang kanilang ministeryo.

Awit 157 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 15

Awit 101

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Ang mga Payunir ay Patuloy na Tumutulong sa Iba. Nakipagtalakayan ang tagapangasiwa sa paglilingkod sa isang tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa isang payunir, at sa isang mamamahayag. Rerepasuhin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang programa ng Pagtulong ng mga Payunir sa Iba gaya ng binalangkas sa Setyembre 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Pagkatapos ay tatalakayin niya sa bawat isang nasa lupon ang kani-kanilang papel sa programa at kung paano ito nagsisilbi sa layunin nito. Ano na ang naisagawa upang maging matagumpay ito? Mag-aanyaya ang tagapangasiwa sa paglilingkod sa lahat ng mamamahayag na ipabatid sa kaniya kung nais nilang tumanggap ng tulong sa ministeryo. Yaong mga natulungan noong una ay maaaring isamang muli upang tumanggap ng karagdagang tulong sa iba namang bahagi ng ministeryo.

20 min: “Ang mga Kagalakan sa Buong-Panahong Paglilingkod.”b Pasiglahin ang mga kabataan na mag-aplay upang mag-auxiliary pioneer sa panahon ng bakasyon sa paaralan.

Awit 199 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 22

Awit 90

10 min: Lokal na mga patalastas. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga mungkahi sa pahina 8, ipatanghal sa isang ministeryal na lingkod kung paano ihaharap ang Mayo 1 ng Bantayan at ipatanghal sa isang kapatid na babae kung paano ihaharap ang Mayo 8 ng Gumising!

10 min: Maging Nasa Oras! Isang pahayag. Ang mga gawain na kaugnay ng ating pagsamba at paglilingkod ay mahahalagang gawain, na humihiling ng isang “takdang panahon.” (Ecles. 3:1) Ang mga pulong ng kongregasyon at ang mga pagtitipon bago maglingkod ay dapat na magsimula kaagad sa mga itinakdang oras. Si Jehova ay hindi kailanman nahuli sa pagsasakatuparan ng kaniyang mga gawain. (Hab. 2:3) Kailangan ba nating gumawa ng pagsulong sa bagay na ito? Manaka-naka, maaaring hindi maiwasan ng mga indibiduwal na mahuli. Subalit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting kaayusan, hindi tayo kailangang maging laging huli, na dumarating sa pulong pagkatapos ng pambungad na awit at panalangin o pagkatapos maisagawa ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan. Talakayin ang praktikal na mga paraan upang malinang ang mas mabubuting kaugalian na magpapangyari sa atin na maging maagap sa lahat ng espirituwal na gawain.​—Tingnan ang Hunyo 15, 1990, Bantayan, pahina 29.

25 min: “Isang Masiglang Pagtugon!”c Sa parapo 1, hayaang gumawa ang kongregasyon ng karagdagang maiikling kapahayagan tungkol sa video na Young People Ask​—How Can I Make Real Friends? Pagkatapos ay karaka-rakang magtungo sa pakikipagtalakayan sa tagapakinig hinggil sa bawat tanong na iniharap sa parapo 2-7. Sa Hunyo ating rerepasuhin ang video na Our Whole Association of Brothers. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na walang isa man ang may video na ito, maaaring ibigay ang pahayag na “Pagiging Magkarelihiyon ng Mag-asawa​—Kung Bakit Mahalaga” bilang kahalili, salig sa Agosto 8, 1999 ng Gumising!, pahina 18-20.)

Awit 191 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 29

Awit 162

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Abril.

15 min: “Ang Pangangaral ng Kaharian ay Tumutulong sa Pagliligtas ng Buhay!”d Kumuha ng mga komento mula sa tagapakinig kung paano ikakapit ang mga kasulatan.

20 min: Pagsasaliksik sa Pamamagitan ng Paggamit ng Aklat na Nangangatuwiran. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Ang mga tanong ay kadalasang bumabangon sa ministeryo hinggil sa mga paksang hindi naman nakatala sa ilalim ng “Pangunahing mga Paksa” (rs pahina 5-6) sa aklat na Nangangatuwiran. Ang “Indise” (rs pahina 439-45) ay lubhang kapaki-pakinabang sa paghahanap ng maka-Kasulatang patotoo sa ating mga paniniwala. Anyayahan ang tagapakinig na hanapin ang mga sagot sa sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng pagkonsulta sa indise sa ilalim ng bawat salitang italiko: Ano ang pangmalas ng isang Kristiyano sa mga pambansang awit at bandila? Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad? Paano mo ipaliliwanag ang pangmalas ng Bibliya sa diborsiyo? Bakit at kailan kailangang maglagay ang mga kapatid na babae ng lambong sa ulo? Ano ang pinagmulan ng Araw ng mga Ina? Paano natin nalalaman na ang 144,000 ay isang literal na bilang sa Bibliya? Ano ang kahulugan ng talinghaga ng taong mayaman at si Lazaro? Pasiglahin ang bawat isa na gamitin ang aklat na Nangangatuwiran sa ministeryo.

Awit 28 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 6

Awit 141

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Patuloy na Makinabang Mula sa Ang Bantayan at Gumising!” Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod na may pakikibahagi ng tagapakinig. Ilakip ang komento sa Mga Patalastas sa pahina 7 na may kinalaman sa mga regalong suskrisyon.

25 min: “Mga Pamilyang Malakas ang Espirituwalidad​—Paano?”e Pagkatapos talakayin ang artikulo, maglahad ng ilang praktikal na karanasan mula sa Pebrero 15, 1999, Bantayan, pahina 10-12.

Awit 17 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share