Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ang mga aralin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa mga linggo ng Mayo 6 hanggang Agosto 19, 2002. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming tanong na masasagot mo sa panahong itinakda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang mga numero ng pahina at ng parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Ang Jeremias 18:1-6 ay nagpapakita na pinangyayari ni Jehova na gawin ng mga tao ang mga bagay na labag sa kanilang kalooban. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99 4/1 p. 22 par. 3-4.]
2. Ang mga bulaang propeta ay nagnakaw sa puwersa at epekto ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng paghimok sa mga tao na makinig sa mga kasinungalingan sa halip na sa tunay na babala buhat sa Diyos. (Jer. 23:30) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w92 2/1 p. 4 par. 3.]
3. Sa Jeremias 25:15, 16, “ang kopang ito ng alak ng pagngangalit” na nagpapangyaring ang ‘lahat ng mga bansa . . . ay kumilos na gaya ng mga taong baliw’ ay tumutukoy sa nakatutulirong epekto ng huwad na relihiyon. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w94 3/1 p. 20 par. 13.]
4. Ayon sa paraan ng pagkakapit ni Mateo sa hula ni Jeremias, ang “lupain ng kaaway” ay tumutukoy sa lupain ng kamatayan, na mula roon ay magbabalik sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ang mga biktimang bata na pinatay ni Herodes na Dakila. (Jer. 31:15, 16; Mat. 2:17, 18) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w79-E 6/15 p. 19 par. 13.]
5. Ang Jeremias 37:21 ay nagbibigay ng katiyakan na kayang palakasin ni Jehova ang kaniyang tapat na mga lingkod sa mga panahong mahirap ang pamumuhay. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97 9/15 p. 3 par. 4–p. 4 par. 2.]
6. Ang aklat ng Mga Panaghoy ay nagpapahayag ng matinding kalungkutan dahil sa pagkawasak ng Jerusalem noong 607 B.C.E. sa pamamagitan ni Nabucodonosor, ang hari ng Babilonya. [si p. 130 par. 1]
7. Ang Mga Panaghoy 5:7 ay malinaw na nagpapakita na tuwirang pinarurusahan ni Jehova ang mga anak dahil sa mga kasalanan ng kanilang mga magulang. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/1 p. 27 kahon.]
8. Ang marka sa noo na binanggit sa Ezekiel 9:4 ay nangangahulugan na ang kaalaman lamang ang makapagliligtas sa isang tao. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/15 p. 14 par. 18.]
9. Ang “mga kaloob na mga tao” na binabanggit sa Efeso 4:8 ay mga Kristiyanong matatanda, na hinirang ng banal na espiritu at binigyan ng awtoridad upang pangalagaan ang espirituwal na kapakanan ng mga kapananampalataya. (Gawa 20:28) [w00 8/1 p. 6 par. 3]
10. Sa makabagong-panahong pagkakapit ng Ezekiel kabanata 23, ang Protestantismo ay maaaring ihalintulad kay Oholiba at ang Katolisismong Romano ay sa kaniyang nakatatandang kapatid na babae na si Ohola. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/15 p. 21 par. 22.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Sino ang tatlong propeta na namumukod-tangi noong kritikal na mga taon ng 617 hanggang 607 B.C.E., na nagtapos sa pagkawasak ng Jerusalem? [si p. 133 par. 2]
12. Paano naipamamalas ang tunay na pagpapahalaga sa haing pantubos ni Kristo, bilang tugon sa paanyaya sa Lucas 9:23? [w00 3/15 p. 8 par. 1]
13. Sa paanong paraan “nilinlang” ni Jehova si Jeremias? (Jer. 20:7) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 5/1 p. 31 par. 6.]
14. Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang kaniyang sabihin na ang banal na espiritu ay “magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at ibabalik sa inyong mga pag-iisip ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo”? (Juan 14:26) [w00 4/1 p. 8 par. 7-8]
15. Ayon sa Jeremias 35:18, 19, anong pag-asa ang nakalaan sa makabagong-panahong uring Recabita? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang su-E p. 131 par. 7.]
16. Sa anong paraan ang mga Nefilim ay “mga makapangyarihan” at “mga lalaking bantog”? (Gen. 6:4) [w00 4/15 p. 27 par. 9]
17. Paano naiwala ni Baruc ang kaniyang espirituwal na pagkatimbang, at anong aral ang matututuhan natin mula sa kaniyang karanasan? (Jer. 45:1-5) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97 8/15 p. 21 par. 14-16.]
18. Kailan at paano natupad ang hula sa Jeremias 50:38? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang dp p. 150 par. 2-3.]
19. Ano ang ipinahihiwatig ng kinahinatnan ng Jerusalem, ang “anak na dalaga ng Juda,” para sa Sangkakristiyanuhan, ayon sa Mga Panaghoy 1:15? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/1 p. 27 kahon.]
20. Ano ang kahalagahan ng pananalitang “Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona,” gaya ng nakaulat sa Ezekiel 21:26? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/15 p. 19 par. 16.]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Ang isang mahinhing tao ay mananatili sa ․․․․․․․․ ng mabuting ․․․․․․․․ at kikilalaning may mga ․․․․․․․․ kung ano ang dapat niyang gawin at kaya niyang gawin. (Mik. 6:8) [w00 3/15 p. 21 par. 1-2]
22. Bagaman maaaring hindi alisin ng banal na espiritu ang mga ․․․․․․․․ o mga ․․․․․․․․, ito ay makatutulong sa atin na ․․․․․․․․ ang mga ito. (1 Cor. 10:13; 2 Cor. 4:7) [w00 4/1 p. 11 par. 6]
23. Naunawaan ni propeta Daniel mula sa mga sulat ni Jeremias na ang pagkawasak ng Jerusalem ay tatagal nang ․․․․․․․․; ang kamangha-manghang katumpakan nito ay nakapagpapatibay ng pananampalataya sa kapangyarihan ng ․․․․․․․․ ni Jehova. (Jer. 25:12; Dan. 9:2) [si p. 129 par. 37]
24. Ang aklat ng Mga Panaghoy ay dapat magpasigla sa ․․․․․․․․ at ․․․․․․․․ ng tunay na mga mananamba at maging isang ․․․․․․․․ na babala sa mga nagwawalang-bahala sa Diyos na Jehova. [si p. 132 par. 13]
25. Ang halimbawa ni Abraham ng pagiging mapagparaya sa paglutas ng di-pagkakaunawaan ay isang pampatibay-loob sa atin upang huwag pahintulutan ang ․․․․․․․․ o ․․․․․․․․ na makasira sa ating mahalagang kaugnayan sa ating mga kapatid. (Gen. 13:5-12) [w00 8/15 p. 24 par. 3-4]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Pinahalagahan ni Job ang (kaalaman; kaawaan; katarungan) ni Jehova anupat siya’y nakitungo nang may (unawa; awa; katuwiran) sa kaniyang mga alipin. (Job 31:13, 14) [w00 3/15 p. 26 par. 1]
27. Sa Jeremias 16:2-4, pinag-utusan ang propeta na manatiling walang asawa (upang ipakita ang kaniyang espiritu ng pagsasakripisyo sa sarili; upang ilarawan ang landasin ng Mesiyas sa pagiging walang asawa; upang pagtibayin ang katiyakan ng salita ni Jehova hinggil sa pagkawasak ng Jerusalem). [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w78-E 4/15 p. 31 par. 2.]
28. Sa Kawikaan 4:7, ang karunungan ay tumutukoy sa (pagkaalam ng mga katibayan; pagkakita kung paano may kaugnayan ang mga katibayan sa isa’t isa; paggamit ng kaalaman at kaunawaan). [w00 5/15 p. 21 par. 1]
29. Walang sinumang tao ang lubos na makatitiyak sa orihinal na bigkas sa Hebreo ng pangalan ng Diyos sapagkat ang Bibliyang Hebreo ay orihinal na isinulat na may (mga patinig lamang; mga katinig lamang). [rs p. 194 par. 1]
30. Ang karo ng Diyos na inilarawan sa Ezekiel kabanata 1 ay kumakatawan sa (Mesiyanikong Kaharian ng Diyos; organisasyon ng mga espiritung anghel ni Jehova; pakikipagtalastasan ni Jehova sa mga nalabi). [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 9/15 p. 11 par. 5.]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Deut. 7:25, 26; Kaw. 4:18; 5:21; Jer. 46:28; Roma 15:4
31. Ang utos na ito ay naglalaan ng isang parisan kung paano dapat malasin ng bayan ni Jehova ang anumang imahen na maaaring dati nilang pinag-uukulan ng pagsamba. [rs p. 181 par. 4]
32. Ang isang partikular na paraan ng paglalaan ni Jehova ng kaaliwan ay sa pamamagitan ng kaniyang nasusulat na Salita, na naglalaman ng kamangha-manghang pag-asa para sa hinaharap. [w00 4/15 p. 5 par. 4]
33. Ang disiplina ng magulang ay hindi dapat lumabis ni lumampas sa layunin nito na magtuwid at magturo. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang kl p. 148 par. 20.]
34. Yamang pinangyayari ni Jehova na maunawaan ng kaniyang mga lingkod ang kaniyang layunin sa progresibong paraan, ang karagdagang kaalaman ay kadalasang humihiling ng mga pagbabago sa pag-iisip ng isang tao. [rs p. 383 par. 4]
35. Anumang gawa ng seksuwal na karumihan, gaano man kalihim, ay hindi nakukubli sa mga mata ng Diyos. [w00 7/15 p. 31 par. 3]