Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/03 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Subtitulo
  • Linggo ng Agosto 11
  • Linggo ng Agosto 18
  • Linggo ng Agosto 25
  • Linggo ng Setyembre 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 8/03 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Agosto 11

Awit 101

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Agosto 15 ng Bantayan at Agosto 22 ng Gumising! Sa isa sa mga presentasyon, itanghal kung paano haharapin ang potensiyal na pagtutol na “Ako’y abala.”​—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 19.

15 min: “Tularan ang Kabutihan ni Jehova.”a Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng maiikling karanasan na nagpapakita kung paano nagbukas ng daan ang mga gawa ng kabaitan para makapagpatotoo.

20 min: “Ang mga Pagpapala ng Pagpapayunir.”b Gamitin ang inilaang mga tanong. Anyayahan ang isa o dalawang payunir na magkomento sa mga pagpapalang tinanggap nila mula sa pagpapayunir. Banggitin na sinumang interesado sa pagpapayunir ay makakakuha ng aplikasyon mula sa kalihim.

Awit 11 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 18

Awit 82

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

17 min: “Gawaing Nakagiginhawa.”c Isaayos nang patiuna na magkomento ang dalawa o tatlong kapatid kung paano nakapagpapaginhawa sa kanila ang ministeryong Kristiyano.

18 min: “Panatilihin Nating Maayos ang Kalagayan ng Ating Dako ng Pagsamba.”d (Parapo 1-5) Gamitin ang inilaang mga tanong. Kapag tinatalakay ang parapo 3 at 4, repasuhin ang lokal na mga kaayusan sa paglilinis ng Kingdom Hall. Bigyang-pansin ang anumang bagay na kailangang asikasuhin. Papurihan ang kongregasyon sa kanilang mga pagsisikap sa pagmamantini ng isang angkop na dako para sa tunay na pagsamba.

Awit 114 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 25

Awit 175

10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Setyembre 1 ng Bantayan at Setyembre 8 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ipakita ang isang magulang at isang anak na tin-edyer na nag-eensayo ng presentasyon bilang paghahanda sa gawaing pagmamagasin. Rerepasuhin nila sa maikli ang bawat mungkahing presentasyon bago nila ito itanghal.

15 min: “Maaari Mo Bang Ipagamit ang Iyong Tahanan?” Pahayag ng isang tagapangasiwa sa pag-aaral sa aklat. Ilakip ang mga komento sa mga “Tanong” ng Abril 2001 at Abril 1990 na isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Banggitin ang bilang ng grupo ng pag-aaral sa aklat sa kongregasyon at ang katamtamang bilang ng dumadalo. Ipalahad sa isa o dalawang mamamahayag kung paanong sila at ang kanilang pamilya ay nakinabang sa pagkakaroon ng pag-aaral sa aklat sa kanilang tahanan. Sinumang nagnanais na ipagamit ang kanilang tahanan ay dapat magsabi sa punong tagapangasiwa.

20 min: Mag-ipon ng Katapangan Upang Mangaral. (1 Tes. 2:2) Isang pahayag na may pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Ipaliwanag kung bakit marami ang nag-aatubili sa paglapit sa iba taglay ang mensahe ng Kaharian. Totoo ito maging sa mga aktibo na sa loob ng maraming taon. Ilahad ang ilan sa mga karanasang masusumpungan sa Disyembre 1, 1999, Bantayan, pahina 25; Disyembre 15, 1999, Bantayan, pahina 25; at sa Abril 1, 1996, Bantayan, pahina 31. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano sila nakapag-iipon ng katapangan upang ibahagi ang mabuting balita sa mga pagkakataong nakadarama sila ng takot. Magtapos sa pamamagitan ng pampatibay-loob na kumuha ng lakas mula kay Jehova, salig sa Disyembre 15, 1999, Bantayan, pahina 23-4.

Awit 125 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 1

Awit 84

10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa buwan ng Agosto. Banggitin ang alok na literatura para sa Setyembre.

15 min: Tinutupad Mo ba ang Iyong Pangako na Bumalik? Isang pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa Setyembre 15, 1999, Bantayan, pahina 10-11, sa ilalim ng uluhang “Iba Pang Paraan ng Pagtupad sa Ating mga Pangako.” Kapag nakasusumpong tayo ng mga tao sa ating ministeryo na nagpapakita ng interes, kadalasan nang isinasaayos natin na ipagpatuloy ang pag-uusap sa ibang pagkakataon. Buong-katapatan ba tayong bumabalik gaya ng ipinangako? Repasuhin ang mga simulain sa Bibliya na makapagpapakilos sa atin na tuparin ang ating pangako. Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng mga karanasan na nagpapakita kung paano sila pinagpala dahil sa pagbalik agad.

20 min: “Panatilihin Nating Maayos ang Kalagayan ng Ating Dako ng Pagsamba.”e (Parapo 6-​12) Gamitin ang inilaang mga tanong. Idiin ang kahalagahan ng angkop na pagmamantini ng Kingdom Hall, anupat itinatampok ang kahon sa pahina 5. Ilakip ang isang maikling ulat hinggil sa kalagayan ng inyong Kingdom Hall, at banggitin ang anumang mga plano sa pagkukumpuni o pagpapaganda.

Awit 41 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share