Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Setyembre 8
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magkaroon ng dalawang magkahiwalay at makatotohanang pagtatanghal kung paano ihaharap ang Setyembre 15 ng Bantayan at Setyembre 22 ng Gumising! Sa isang presentasyon, ipakita ang isang estudyante o isang magulang na nagpapatotoo sa isang guro sa paaralan.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Mga Kabataan—Magtayo ng Mainam na Pundasyon Para sa Hinaharap.”a Gagampanan ng isang matanda, na ginagamit ang inilaang mga tanong. Kapag tinatalakay ang parapo 5, itampok ang mga kagalakan at mga pagpapala ng buong-panahong paglilingkod.
Awit 170 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 15
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
10 min: “Pag-aaral sa Aklat na Sambahin ang Diyos.” Pahayag ng isang tagapangasiwa sa pag-aaral sa aklat. Akayin ang pansin sa iskedyul sa pag-aaral. Kapag tinatalakay ang ikaapat na parapo, ilakip ang mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 28, parapo 1, at pahina 70.
25 min: “Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon?” Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ibigay ang tampok na mga bahagi ng ulat ng kongregasyon para sa 2003 taon ng paglilingkod. Papurihan ang lahat para sa mabubuting bagay na naisagawa. Ituon ang pansin sa nagawa ng kongregasyon hinggil sa bilang ng dumadalo sa pulong, sa gawaing pagdalaw-muli at pag-aaral sa Bibliya, at sa pag-o-auxiliary pioneer, anupat nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi para sa pagpapasulong. Magtakda ng mga tunguhin na maaaring abutin para sa dumarating na taon.
Awit 58 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Oktubre 1 ng Bantayan at Oktubre 8 ng Gumising! Ipakita ang isang elder at isang may-kapansanang mamamahayag na nagpapatotoo sa pamamagitan ng telepono.
15 min: Paninindigan sa Katotohanan sa Paaralan. Kapanayamin ang isa o dalawang kabataang mamamahayag na nag-aaral. Paano nila hinaharap ang mga hamon at mga pang-akit na dulot ng makabayang mga seremonya, rally, ekstrakurikular na mga isport, at di-malinis na paggawi? Ilakip ang mga komento kung paano nila nagagawang magpatotoo sa paaralan.
20 min: Ang Lahat ba ng mga Relihiyon ay Sinasang-ayunan ng Diyos? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa aklat na Nangangatuwiran. Talakayin kung paano mangangatuwiran sa iba hinggil sa puntong ito. (rs p. 360) Itampok ang ilan sa mga paraan na maaaring makilala ang tamang relihiyon. (rs p. 365-7) Ang ating ministeryo ay tumutulong sa iba na piliin ang anyo ng pagsamba na sinasang-ayunan ng Diyos.—Col. 1:9, 10.
Awit 39 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 29
10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa buwan ng Setyembre. Banggitin ang alok na literatura para sa Oktubre. Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung paano magpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa brosyur na Hinihiling.
15 min: “Tiyaking Unahin ang mga Bagay na Dapat Unahin!” Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa artikulo sa Setyembre 1, 1998, Bantayan, pahina 19-21. Banggitin ang mga petsa ng mga teokratikong okasyon na nakaiskedyul para sa susunod na ilang buwan, at himukin ang lahat na markahan ang mga petsang ito sa kanilang kalendaryo. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung ano ang kanilang ginagawa upang hindi nila mapalampas ang mga kapakinabangan ng espirituwal na mga paglalaan.
20 min: “Damtan Ninyo ang Inyong Sarili ng Kapakumbabaan.”b Pagkomentuhin ang mga tagapakinig kung paano kumakapit ang mga kasulatan.
Awit 224 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 6
10 min: Lokal na mga patalastas. Sa buwang ito ay gumagawa tayo ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin sa maikli ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002, pahina 1, parapo 1.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Labanan ang Panggigipit ng mga Kasamahan. Kapanayamin ang isang matanda o ministeryal na lingkod na pinalaki sa sambahayang Kristiyano. Banggitin ang piling mga punto mula sa Pebrero 15, 2003, Bantayan. Anong panggigipit ang napaharap sa kapatid na ito sa paaralan? (p. 24 par. 3; p. 25 par. 4-5) Napaharap ba siya sa anumang masamang impluwensiya ng iba? (p. 26 par. 4-6) Napapaharap pa rin ba siya sa panggigipit ng mga kasamahan bilang isang adulto? Ano ang nakatulong sa kaniya upang labanan ang panggigipit na tumulad sa iba? Sa maikling pangwakas na pahayag salig sa Agosto 1, 1999, Bantayan, pahina 24-5, itampok ang mga kapakinabangan ng paglinang ng mabubuting kasama.
Awit 26 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.