Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/04 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 2/04 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Iaalok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso: Itatampok ang aklat na Kaalaman, sa tunguhing makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Kung ang mga tao ay may kopya na ng mga publikasyong ito, maaaring ialok ang Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga taong interesado, dalawin din ang mga dumalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong mga okasyon subalit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon. Pagtuunan ng pansin ang pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos at sikaping makapagpasimula ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na sa aklat na Kaalaman at sa brosyur na Hinihiling.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa 2004 ay ibibigay sa Linggo, Abril 18, 2004. Ang paksa ng pahayag ay “Magpakalakas-Loob at Magtiwala kay Jehova.” Isang balangkas ang ilalaan. Para sa mga kongregasyon na dadalawin ng tagapangasiwa ng sirkito, may pansirkitong asamblea, o may pantanging araw ng asamblea sa linggong iyon, ibibigay ang pantanging pahayag sa Abril 25, 2004. Sa mga kongregasyong hindi Linggo ang pulong pangmadla, maaaring iiskedyul ang pantanging pahayag sa pagitan ng Abril 19 hanggang 24, 2004.

◼ Simula sa Marso, ang bagong pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Bakit Dapat Matakot sa Tunay na Diyos?”

◼ Dapat repasuhin ng Kalihim at ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Sa panahong iyon, dapat na mayroon na silang naiulat na mga 420 oras para sa unang anim na buwan ng taon ng paglilingkod. Kung ang sinuman ay hindi nakaaabot sa oras na ito, dapat isaalang-alang ng mga elder kung maaabot kaya nila ang oras sa natitirang anim na buwan ng taon ng paglilingkod. Kung ang kanilang oras ay napakababa anupat imposibleng maabot ang taunang kahilingang oras, maaaring imungkahi ng mga elder na huminto na sila sa pagiging regular pioneer at marahil ay maging regular auxiliary pioneer.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Kapag ito’y naisagawa na, ipatalastas ito sa kongregasyon pagkatapos basahin ang sumunod na ulat ng kuwenta. Basahin ang anumang liham ng pagpapahalaga sa kontribusyon na ibinigay ng kongregasyon sa pambuong-daigdig na gawain at sa anumang iba pang pondo na tinutustusan ng organisasyon.

◼ Sa Linggo, Pebrero 15, 2004, magkakaroon ng pulong na kasama ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong, anupat tinitiyak na may sapat na Application for Auxiliary Pioneer Service upang maipamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.

◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:

Matuto Mula sa Dakilang Guro​—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog, Tsino

‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’​—Cebuano, Iloko, Ingles, Tagalog

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share