Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Abril 12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Abril 15 ng Bantayan at ang Abril 22 ng Gumising! Sa bawat tagpo, dapat na magkasamang ialok ang dalawang magasin, kahit na isa lamang ang itatampok. Sa bawat pagtatanghal, ipakita ang magkaibang paraan kung paano haharapin ang pagtutol na “Ako’y abala.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 19-20.
15 min: “Paghahandog kay Jehova ng Ating Pinakamainam.”a Kapag tinatalakay ang parapo 4, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa espesipikong mga paraan na maipakikita natin ang pag-ibig sa mga tao habang nagsasagawa ng ating ministeryo.
20 min: Tinutulungan ng mga Payunir ang Iba. Pahayag at mga panayam na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang programang Pagtulong ng mga Payunir sa Iba gaya ng nakabalangkas sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Setyembre 1998, pahina 4. Ilahad ang positibong mga bagay na naisakatuparan sa lokal. Kapanayamin ang isang payunir na nakatulong sa iba at ang isang mamamahayag na natulungan. Ipakita kung paano sila kapuwa nakinabang sa paggawang magkasama sa ministeryo. Anyayahan ang iba na samantalahin ang paglalaang ito sa dumarating na mga buwan.
Awit 91 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 19
8 min: Lokal na mga patalastas.
17 min: “Tularan ang Pangkaisipang Saloobin ni Jesus.”b Gamitin ang inilaang mga tanong. Kapag tinatalakay ang parapo 4, anyayahan ang mga nag-o-auxiliary pioneer na magkomento tungkol sa mga pagpapalang tinamasa nila dahil sa paggawa nito.
20 min: “Lagi Mo Bang Kailangan ng Utos Mula sa Bibliya?” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo sa Bantayan ng Disyembre 1, 2003, pahina 20-3.
Awit 80 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 26
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Abril. Banggitin ang alok na literatura para sa Mayo. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Mayo 1 ng Bantayan at ang Mayo 8 ng Gumising! Sa bawat tagpo, dapat na magkasamang ialok ang dalawang magasin, kahit na isa lamang ang itatampok. Sa isa sa mga pagtatanghal, ipakita ang pagpapatotoo sa isang katrabaho o kaeskuwela.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
18 min: Mga Kabataan—Magkaroon ng Kaunawaan sa Pagpaplano ng Inyong Edukasyon. Kakausapin ng isang elder ang ilang magulang at ang kanilang tin-edyer na mga anak hinggil sa karagdagang edukasyon. Ipakikipag-usap ng mga elder sa kanila ang Setyembre 1, 1999, Bantayan, pahina 16-17, parapo 11-13, na idiniriin ang mga dahilan kung bakit ang buong-panahong ministeryo ay dapat maging pangunahin nilang priyoridad. (Disyembre 1, 1996, Bantayan, pahina 18-19, parapo 13-15) Pagkatapos ay rerepasuhin ng grupo ang payo sa Marso 8, 1998, Gumising!, pahina 20-1, na idiniriin ang pangangailangang timbangin ang mga kapakinabangan at mga disbentaha ng karagdagang edukasyon at nililimitahan lamang ito sa kinakailangan para masuportahan ng isa ang sarili habang masigasig na itinataguyod ang ministeryo. Sasang-ayon ang lahat na dapat silang paakay sa paalaala ni Jesus na unahin muna ang mga kapakanan ng Kaharian.—Mat. 6:33.
Awit 38 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Kung ang kongregasyon ay may teritoryong bihirang gawin, ipatalastas kung anong kaayusan ang ginawa para lubusan itong makubrehan habang maganda pa ang lagay ng panahon. Kung tayo ay nagbabakasyon o nagbibiyahe, kailangan ang masikap na pagpaplano upang matiyak na hindi nakaliligtaan ang pampamilyang pag-aaral, mga pulong ng kongregasyon, at paglilingkod sa larangan. (Kaw. 21:5) Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan, saanman sila naroroon.
15 min: “Mga Kabataan—Basahin Ninyo ang Salita ng Diyos!”c Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang kabataan tungkol sa kanilang programa ng pagbabasa ng Bibliya at kung paano sila nakikinabang mula rito. Himukin ang mga kabataan na gawin nilang tunguhin na basahin ang buong Bibliya. Ilakip ang mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 10, parapo 4.
20 min: “Ipakipaglaban Mo ang Mainam na Pakikipaglaban ng Pananampalataya.” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo sa Pebrero 15, 2004, Bantayan, pahina 26-30.
Awit 164 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.