Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hulyo 12
12 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Hulyo 15 ng Bantayan at ang Hulyo 22 ng Gumising! Sa isang presentasyon, itanghal ang pag-aalok ng magasin sa isang tao sa lansangan na hindi gaanong marunong magsalita ng inyong wika.
18 min: “Tularan ang Katarungan ni Jehova.”a Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga kasulatan.
15 min: Ang Bibliya—Isang Aklat ng Mapananaligang mga Prediksiyon. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, pahina 27-9. Sa ating ministeryo, madalas nating makausap ang mga tao na interesado sa kinabukasan. Ang Bibliya ay naglalaan ng mapananaligang impormasyon na nagpapaliwanag hinggil sa maaliwalas na kinabukasan para sa masunuring sangkatauhan. Isaalang-alang ang ilang hula sa Bibliya na nagpapatibay ng pagtitiwala sa mga prediksiyon ng Bibliya sa kinabukasan. Ipatanghal sa maikli sa isang mamamahayag kung paanong ang mga pangyayaring nakasaad sa Bibliya ay magagamit upang tulungan ang isang interesadong tao na patibayin ang kaniyang pagtitiwala sa Bibliya.
Awit 16 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 19
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng isang regular na programa ng pagbasa sa Bibliya araw-araw. Ilakip ang mga komento sa Agosto 15, 2000, Bantayan, pahina 32.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 1.” Isang pahayag na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Pagkomentuhin ang mga tagapakinig hinggil sa materyal na nasa aklat na Tagapaghayag, pahina 572-4, na naglalarawan sa kasaysayan ng pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa makabagong panahon. Pukawin ang pananabik para sa susunod na serye ng mga artikulo. Kabilang sa mga paksang tatalakayin ay kung paano maghahanda sa pagdaraos ng pag-aaral, kung paano tutulungan ang estudyante na maghanda, kung gaano karaming materyal ang dapat saklawin, kung paano mabisang gagamitin ang mga kasulatan, kung paano haharapin ang mga tanong na ibinangon ng estudyante, kung paano ipaliliwanag ang kaayusan sa panalangin, at kung paano aakayin ang estudyante tungo sa organisasyon. Pasiglahin ang lahat na ikapit ang mga mungkahing iniharap at ingatan ang mga artikulong ito upang magamit sa hinaharap.
Awit 10 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 26
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hulyo. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Agosto 1 ng Bantayan at ang Agosto 8 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ipakita ang magkaibang paraan ng pagharap sa pagtutol na “Bakit ba napakadalas ninyong dumalaw?”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 20.
8 min: “Tanong.” Gagampanan ng isang elder. Basahin at talakayin ang buong artikulo.
25 min: “Kung Paano Mangangaral sa Lugar ng Negosyo.”b Banggitin ang lokal na mga kaayusan sa pangangaral sa lugar ng negosyo. Itanghal sa maikli ang dalawang presentasyon sa parapo 4-5 o ang iba pang paraan ng paglapit na naging mabisa sa inyong lugar. Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng positibong mga karanasan nila sa pangangaral sa lugar ng negosyo.
Awit 173 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 2
8 min: Lokal na mga patalastas.
22 min: Nangangatuwiran Ka Ba? Pahayag at pakikipagtalakayan salig sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 254, parapo 1-2. Kapag ipinaliliwanag at ikinakapit natin ang mga kasulatan sa ministeryo sa larangan at sa plataporma, higit na magiging mabisa ang ating pagtuturo kung nangangatuwiran tayo hinggil sa ating sinasabi sa halip na basta igiit ito. Ginagamit ang mga halimbawa sa aklat na Nangangatuwiran o iba pang publikasyon na angkop sa lokal na teritoryo, ipakita kung paano (1) pipili at magpapaliwanag ng susing mga pananalita mula sa isang teksto sa kasulatan, (2) ihaharap ang sumusuportang mga katibayan mula sa konteksto o mula sa iba pang kasulatan na tumatalakay sa paksang iyon, (3) gagamit ng ilustrasyon upang ipakita na makatuwiran ang iyong sinabi, at (4) gagamit ng mga tanong upang tulungan ang mga tagapakinig na mangatuwiran hinggil sa paksa. Idiin ang mga kapakinabangan ng paggamit ng may-pangangatuwirang pamamaraan.
15 min: Pahayag ng isang elder salig sa artikulong “Itinutuon Mo ba ang Iyong Paningin sa Gantimpala?” sa Abril 1, 2004, isyu ng Ang Bantayan, pahina 20-3.
Awit 32 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.