Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/05 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 1/05 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Enero: Maaaring ialok ang alinman sa mas matatandang aklat na may 192 pahina. Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso: Ialok ang aklat na Kaalaman na may layuning makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Itampok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw muli sa interesadong mga tao, pati na sa mga dumadalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong kaugnay sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos. Sikaping makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na kung napag-aralan na ng mga indibiduwal ang aklat na Kaalaman at ang brosyur na Hinihiling.

◼ Simula sa Marso 2005, ang bagong pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Pagharap sa Kinabukasan Nang May Pananampalataya at Lakas ng Loob.”

◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan ang mga kongregasyon upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Huwebes, Marso 24, 2005, pagkalubog ng araw. Dapat idaos sa ibang araw ang mga pulong na karaniwang nakaiskedyul sa araw ng Huwebes. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi lumulubog ang araw. Kailangang baguhin ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang iskedyul ng kanilang pulong sa linggong iyon depende sa mga kalagayan sa kanilang lugar. Bagaman kanais-nais para sa bawat kongregasyon na magdaos ng kanilang sariling pagdiriwang ng Memoryal, maaaring hindi ito laging posible. Kapag maraming kongregasyon ang gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay makakakuha ng ibang pasilidad para gamitin sa gabing iyon. Kung posible, iminumungkahi namin na magkaroon ng di-kukulangin sa 40 minutong pagitan ang mga programa upang ang lahat ay makinabang nang lubusan sa okasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share