Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/05 p. 1
  • Higit na Pagdiriin sa Bibliya!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Higit na Pagdiriin sa Bibliya!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2006
  • Gumising!—Isang Magasin na Malawakang Umaakit sa Madla
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ang Bantayan at ang Gumising!—Napapanahong mga Magasin ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ano ang Gintong Tuntunin?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 3/05 p. 1

Higit na Pagdiriin sa Bibliya!

1. Sa pasimula, para kanino pangunahin nang inilathala Ang Bantayan, at para kanino naman ang The Golden Age?

1 Noong Oktubre 1, 1919, inilathala ang unang isyu ng magasing The Golden Age. Napakahalagang kagamitan ito noon sa gawaing pangangaral. Bakit? Dahil pantangi itong dinisenyo para sa madla. Hindi ganiyan ang kalagayan ng Ang Bantayan, na sa loob ng maraming taon ay itinuring na isang magasing pangunahin na para sa “munting kawan.” (Luc. 12:32) Gayon na lamang ang pananabik ng mga mamamahayag ng Kaharian sa bagong publikasyon anupat sa loob ng maraming taon, ang sirkulasyon ng The Golden Age ay lubhang mas mataas kaysa sa Ang Bantayan.

2. Ano ang pangalan ng The Golden Age sa ngayon, at ano ang layunin nito mula pa sa pasimula?

2 Inilathala ang magasing The Golden Age upang ipakita sa mga tao na ang tunay na solusyon sa mga problema ng sangkatauhan ay ang Milenyong Paghahari ni Kristo, na siyang talagang magdudulot ng golden age o panahon ng kasaganaan at kaligayahan para sa sangkatauhan. Sa sumunod na mga dekada, nagkaroon ng mga pagbabago sa The Golden Age upang matugunan ang nagbabagong mga pangangailangan ng panahon. Noong 1937, binago ang pangalan nito tungo sa Consolation. Noong 1946, ito ay naging Awake! o Gumising!, ang pangalan na kilala natin sa ngayon.

3. Ang Gumising! ay naging isang napakabisang kagamitan sa katuparan ng anong hula?

3 Sa pasimula pa lamang, malaki na ang naitulong ng magasing ito sa dakilang patotoo na ibinibigay mula pa noong 1919. (Mat. 24:14) Gayunman, dahil sa pagkaapurahan ng panahon, waring matalino na gumawa pa ng karagdagang mga pagbabago sa Gumising!

4. (a) Ano ang dapat gawin ng isang tao upang makubli siya sa “araw ng galit ni Jehova”? (b) Ayon sa Apocalipsis 14:6, 7, ano ang ipinagawa sa “anghel na lumilipad sa kalagitnaan ng langit”?

4 Milyun-milyong tao ang nasisiyahan sa pagbabasa ng Gumising! dahil sinasaklaw nito sa kaakit-akit na paraan ang maraming sekular na paksa. Walang alinlangan na karamihan sa mga dumadalo sa Memoryal taun-taon ay regular na mga mambabasa ng Gumising! Gayunpaman, kung umaasa ang sinuman na makubli sa “araw ng galit ni Jehova,” kailangan niya ng tulong upang makagawa siya ng higit pa kaysa sa basta pagiging regular na mambabasa ng ating mga publikasyon.—Zef. 2:3; Apoc. 14:6, 7.

5. (a) Pasimula sa Enero 2006 ng Gumising!, ano ang higit nitong itatampok? (b) Marahil ay mapakikilos ang marami na gawin ang ano, at bilang katuparan ng anong hula?

5 Kaya mula sa Enero 2006, ang Gumising! ay higit na magdiriin hinggil sa Kaharian ng Diyos. Mas tuwiran nitong pasisiglahin ang mga mambabasa na magtuon ng pansin sa Bibliya para sa mga solusyon ng kanilang mga problema at higit nitong itatampok ang paliwanag ng Bibliya hinggil sa kasalukuyang mga pangyayari. Sa ganitong paraan, higit na mauunawaan ng mga mambabasa ang kahulugan ng kasalukuyang mga pangyayari at marahil ay mapakikilos sila ng kanilang nababasa na higit na matuto tungkol kay Jehova.—Zac. 8:23.

6, 7. (a) Paano sisikapin ng Gumising! na tulungan ang marami na ikapit ang 1 Tesalonica 2:13? (b) Gaano kadalas na lamang ilalathala ang Gumising!, at gaano karaming wika ang maaapektuhan ng pagbabagong ito?

6 Patuloy na itatampok ng Gumising! ang mga paksang pumupukaw ng pangkalahatang interes. Subalit higit nitong idiriin ang Bibliya. (1 Tes. 2:13) Yamang Ang Bantayan ay naglalaman ng malalalim na impormasyon hinggil sa Bibliya at ang Gumising! naman ay magtatampok ng higit na materyal salig sa Kasulatan, waring hindi na kinakailangan pang ilathala ang Gumising! nang dalawang beses sa isang buwan. Samakatuwid, pasimula sa isyu ng Enero 2006, ang Gumising! ay ilalathala na bilang isang publikasyong lalabas minsan sa isang buwan. Malaki-laki ang maidudulot nitong pagpapasimple sa paghahanda, pagsasalin, at paghahatid ng ating mga literatura.

7 Ang pagbabagong ito ay makaaapekto sa mga 40 porsiyento ng mga wikang ginagamit sa paglalathala ng Gumising! Sa karamihan ng mga wika, inilalathala na ang Gumising! minsan sa isang buwan o minsan sa tatlong buwan. Walang pagbabago sa paglalathala ng Ang Bantayan.

8. Paano maaaring gamitin ng mga mamamahayag ang Gumising! kasama Ang Bantayan?

8 Maaaring ialok ng mga mamamahayag ang Gumising! ng bawat buwan kasama ng alinman sa mga isyu ng Ang Bantayan sa buwang iyon. Magagamit ng mga nag-aalok ng Gumising! ang isyu ring ito sa buong buwan nang hindi binabago ang kanilang presentasyon sa kalagitnaan ng buwan, na kagaya ng ginagawa sa kasalukuyan.

9. Anong papel ang patuloy na gagampanan ng Gumising!?

9 Mula sa unang isyu nito noong 1919, ang magasin na nakilala bilang The Golden Age, Consolation, at ngayon ay Awake! o Gumising! ay patuloy na gumaganap ng mahalagang papel sa gawaing pangangaral. Dalangin namin na patuloy na pagpapalain ni Jehova ang pamamahagi ng magasing ito sa bagong disenyo nito at na matulungan nito ang marami pang tao mula sa “lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika” na bumaling sa Kaharian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa nila.—Apoc. 7:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share