Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 25, 2005. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 7 hanggang Abril 25, 2005. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Kapag naghahanda ng pahayag, paano natin magagamit nang mabisa ang materyal na iniatas sa atin, at bakit ito mahalaga? [be p. 234 par. 1-3, mga kahon]
2. Gaano karami sa iniatas na materyal ang dapat nating sikaping kubrehan sa isang pahayag? [be p. 234 par. 4–p. 235 par. 1]
3. Paano natin magagamit ang mga tanong upang mapasigla ang pag-uusap sa ministeryo sa larangan? (Gawa 8:30) [be p. 236 par. 2-5]
4. Paano natin magagamit ang mga tanong upang tulungan ang mga estudyante sa Bibliya na gamitin ang kanilang “kakayahan sa pangangatuwiran”? (Roma 12:1) [be p. 238 par. 1]
5. Ano ang epekto ng mga tanong na ibinangon sa Roma 8:31, 32 at Isaias 14:27? [be p. 239 par. 1-2]
ATAS BLG. 1
6. Paano natin ‘mailalatag si Kristo bilang pundasyon’ sa ating paggawa ng mga alagad? (1 Cor. 3:11) [be p. 278 par. 1-2]
7. Yamang ibinigay na ni Jehova sa kaniyang Anak ang buong awtoridad na mamahala noong 1914, ano ang ibig nating sabihin kapag ipinananalangin nating “Dumating nawa ang iyong kaharian”? (Mat. 6:9, 10) [be p. 279 par. 4]
8. Bakit dapat maging interesado ang lahat ng mga Kristiyano na matutong bumasa, at paano nagpakita ng halimbawa si Jesus sa bagay na ito? [w03 3/15 p. 10 par. 5; p. 12 par. 2]
9. Paano makatutulong ang mga halimbawa nina Josias at Jesus upang sumulong sa espirituwal ang mga kabataan? [w03 4/1 p. 8 par. 3-4; p. 10 par. 3]
10. Bakit tayo makapagtitiwala sa Diyos? (Kaw. 3:5, 6) [w03 11/1 p. 4 par. 6-7]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Bakit nanalangin si Hana na ‘bigyan ni Jehova ng lakas ang kaniyang hari’ gayong wala pa namang taong hari noon sa Israel? (1 Sam. 2:10)
12. Ano ang itinuturo sa atin ng pagkatalo ng Israel bagaman nasa gitna nila ang kaban ng tipan? (1 Sam. 4:3, 4, 10)
13. Bakit tinutukoy ng 1 Cronica 2:13-15 si David bilang ikapitong anak ni Jesse, samantalang ipinakikita sa 1 Samuel 16:10, 11 na siya ay ikawalo?
14. Anong “masamang espiritu” ang nagpangilabot kay Saul? (1 Sam. 16:14)
15. Tumpak ba ang inihula ni “Samuel” sa pamamagitan ng espiritista sa En-dor? (1 Sam. 28:16-19)