Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Abril 1-17: Pantanging kampanya sa pamamahagi ng brosyur na Patuloy na Magbantay! Abril 18—Mayo 31: Itampok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumadalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong kaugnay sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos. Ang tunguhin ay makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at brosyur na Hinihiling. Hunyo: Iaalok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.
◼ Ang mga tomo ng 2004 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari na ngayong umorder nito. Gayunman, tandaan na ang mga ito ay mga special-request item at dapat iorder lamang ito kung may espesipikong kahilingan ang mga mamamahayag para rito. Kapag ang mga tomo ay hindi pa dumating sa panahong natanggap na ang mga order, ang mga ito ay itatala bilang “back-ordered” at ang mga tomo ay ipadadala sa inyo kapag natanggap na ang mga ito mula sa Brooklyn.
◼ Dapat panatilihin ng mga kalihim ng kongregasyon ang sapat na suplay ng mga form na Application for Regular Pioneer Service (S-205) at Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b). Maaaring umorder ng mga ito sa Literature Request Form (S-14). Panatilihin ang di-kukulangin sa isang taóng suplay. Repasuhin ang lahat ng form na isinumite ng mga nag-aplay bilang regular pioneer upang matiyak na kumpleto ang mga ito, lakip na ang petsa ng bautismo ng aplikante.
◼ Maraming mamamahayag ang nagtatanong hinggil sa ilang rekording ng mga awiting pang-Kaharian na inawit sa popular na paraan at sa kasalukuyan ay kumakalat sa mga Saksi ni Jehova. Itinatanong nila kung ang mga rekording na ito ay may pagsang-ayon ng organisasyon. Nababatid namin ang hinggil sa mga rekording na ito at nais naming ipaalam sa inyo na wala kaming pagsang-ayon sa mga ito. Pakisuyong huwag ikalat o i-download ang mga rekording na ito mula sa Internet. Nagtitiwala kaming magiging malinaw ang mga bagay-bagay dahil sa impormasyong ito.