Pag-aaral sa Brosyur na Patuloy na Magbantay!
Pag-aaralan ng mga kongregasyon sa buong daigdig ang brosyur na Patuloy na Magbantay! sa mga linggo ng Mayo 23 hanggang Hunyo 20, 2005, sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Pakisuyong gamitin ang sumusunod na mga tanong kapag pinaghahandaan at pinangangasiwaan ang pulong na ito. Sa pag-aaral, basahin ang inilimbag na materyal, at basahin ang binanggit na mga kasulatan hangga’t ipinahihintulot ng panahon.
Linggo ng Mayo 23
◼ Pahina 3-4: Alin sa mga kalagayang nakatala rito ang lalo nang nakaaapekto sa iyong buhay? Ano ang nagpapatunay sa iyo na ang mga kalagayang ito ay hindi pailan-ilang pangyayari lamang sa inyong lugar?
◼ Pahina 5: Ano ang nakakakumbinsi sa iyo na talagang nagmamalasakit ang Diyos? Ano ang magpapakita kung gaano kalaki ang ating pagpapahalaga sa Diyos at sa kaniyang ginagawa?
◼ Pahina 6-8: Ano ang sinasabi ng Mateo 24:1-8, 14 hinggil sa kahulugan ng kasalukuyang mga kalagayan sa daigdig? Gaya ng ipinakikita sa 2 Timoteo 3:1-5, sa anong yugto na ng panahon tayo nabubuhay sa ngayon? Mga huling araw ito ng ano? Ano ang nakakakumbinsi sa iyo na ang Bibliya ay talagang Salita ng Diyos? Ano ang Kaharian na ipinangangaral natin?
◼ Pahina 9-10: Bakit natin dapat maingat na isaalang-alang ang ating mga desisyon sa araw-araw at ang ating mga priyoridad sa buhay? (Roma 2:6; Gal. 6:7) Habang nirerepaso mo ang mga tanong sa pahina 10, anu-anong teksto ang pumapasok sa isip mo na dapat makaimpluwensiya sa iyong ginagawa?
Linggo ng Mayo 30
◼ Pahina 11: Bakit natin dapat personal na pag-isipan ang mga tanong sa pahinang ito? (1 Cor. 10:12; Efe. 6:10-18) Ano ang isinisiwalat ng ating mga sagot sa mga tanong na ito hinggil sa kung gaano kaseryoso ang pangmalas natin sa payo ni Jesus sa Mateo 24:44?
◼ Pahina 12-14: Ano “ang oras ng paghatol” na binanggit sa Apocalipsis 14:6, 7? Ano ang kahulugan ng ‘pagkatakot sa Diyos at pagbibigay sa kaniya ng kaluwalhatian’? Ano ang Babilonyang Dakila, at ano ang mangyayari rito? Anong pagkilos may kaugnayan sa Babilonyang Dakila ang kailangan nating gawin ngayon? Ano pa ang saklaw ng inihulang oras ng paghatol? Ano ang dapat na maging epekto sa atin ng hindi natin pagkaalam sa ‘araw ni sa oras’ ng inihulang paghatol ng Diyos? (Mat. 25:13)
◼ Pahina 15: Ano ang isyu ng pagkasoberano, at paano ito nakaaapekto sa atin bilang indibiduwal?
◼ Pahina 16-19: Ano ang “mga bagong langit” at “bagong lupa”? (2 Ped. 3:13) Sino ang nangako ng mga bagay na ito? Anu-anong pagbabago ang idudulot ng mga bagong langit at bagong lupa? Personal ba tayong makikinabang sa mga ito?
Linggo ng Hunyo 6
◼ Pahina 20-1: Anong babala hinggil sa pagtakas ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod noong unang siglo? (Luc. 21:20, 21) Kailan naging posible ang gayong pagtakas? Bakit apurahan na tumakas sila nang walang pagpapaliban? (Mat. 24:16-18, 21) Bakit ipinagwawalang-bahala ng maraming tao ang mga babala? Paano nakinabang ang libu-libong tao sa Tsina at Pilipinas dahil sa pakikinig sa mapananaligang mga babala? Bakit mas apurahan na makinig sa babala ng Bibliya hinggil sa wakas ng kasalukuyang sistema ng mga bagay? Dahil sa labis na pagkaapurahan ng panahon, ano ang pananagutan natin? (Kaw. 24:11, 12)
◼ Pahina 22-3: Sa Australia noong 1974 at sa Colombia noong 1985, bakit hindi binigyang-pansin ng marami ang mga babala hinggil sa kasakunaan, at ano ang naging resulta? Paano ka kaya tutugon sa mga babalang iyon, at bakit? Kung nabubuhay ka noong panahon ni Noe, ano ang magpapahiwatig na nagbibigay-pansin ka sa mga babala noong panahong iyon? Bakit nais ng mga tao na mamuhay sa loob at palibot ng sinaunang Sodoma? Paano tayo makikinabang kung seryoso nating bubulay-bulayin ang nangyari sa Sodoma?
Linggo ng Hunyo 13
◼ Pahina 24-7: Gamitin ang “Mga Tanong sa Pag-aaral” sa pahina 27.
Linggo ng Hunyo 20
◼ Pahina 28-31: Gamitin ang “Mga Tanong sa Pag-aaral” sa pahina 31.
Ang pagtalakay natin sa brosyur ay tutulong sa atin na ‘patuloy na magbantay’ at maging handa. Lagi nawang maaninag sa ating pangmadlang ministeryo ang pagkaapurahan ng kapahayagan ng anghel: “Matakot kayo sa Diyos at magbigay sa kaniya ng kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang oras ng paghatol niya.”—Mat. 24:42, 44; Apoc. 14:7.