Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Hunyo 27, 2005. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 2 hanggang Hunyo 27, 2005. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Bakit napakabisang paraan ng pagtuturo ang mga paghahalintulad at metapora? (Gen. 22:17; Awit 1:3; Sant. 3:6) [be p. 240 par. 2-3, kahon–be p. 241 par. 1]
2. Saan tayo makasusumpong ng mga halimbawa na nagtuturo ng mahahalagang aral, subalit anong pag-iingat ang kailangan nating gawin hinggil dito? [be p. 242 par. 2-3]
3. Ano ang dapat nating tandaan kapag pumipili kung aling mga ilustrasyon ang magiging pinakamabisa? [be p. 244 par. 1-2]
4. Bakit tayo dapat gumamit ng mga visual aid sa ating pagtuturo, at paano ito ginawa ni Jehova? [be p. 247 par. 1-2, kahon]
5. Paano natin magagamit ang mga visual aid sa ministeryo sa larangan? [be p. 248 par. 1–p. 249 par. 2]
ATAS BLG. 1
6. Anong tagubilin ang isinasaad sa Salita ng Diyos hinggil sa pagtuturo sa mga anak? [w03 3/15 p. 12 par. 2; p. 14 par. 4]
7. Paano nagpakita ng interes si Jehova sa kabataang si David, at paano naman nagpakita ng interes si David kay Jehova? [w03 4/15 p. 29 par. 3; p. 30 par. 3]
8. Bakit nalugod si Jehova sa hain ni Abel, at ano ang tinitiyak nito sa atin? (Gen. 4:4) [w03 5/1 p. 28 par. 4–p. 29 par. 1]
9. Ano “ang disiplina ni Jehova” na ipinapayo sa atin ng Kawikaan 3:11 na huwag itakwil? [w03 10/1 p. 20 par. 2-4]
10. Ano ang kahulugan ng “kasiyahan sa sarili” na binanggit sa 1 Timoteo 6:6-8? [w03 6/1 p. 9 par. 1-2; p. 10 par. 1]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Ano ang inilalarawan ng nagbubuklod na bigkis ng pag-ibig nina Jonatan at David? (2 Sam. 1:26) [w89 1/1 p. 26 par. 13]
12. Ano ang matututuhan mula sa unang pagsisikap ni David na dalhin ang kaban ng tipan sa Jerusalem? (2 Sam. 6:2-9)
13. Nang magkasala sina David at Bat-sheba, bakit kailangang mamatay ang kanilang anak, gayong sinasabi sa Deuteronomio 24:16 at Ezekiel 18:20 na ang isang anak ay hindi mamamatay dahil sa kamalian ng kaniyang ama? (2 Sam. 12:14; 22:31)
14. Paano natin nalaman na nagsinungaling si Ziba hinggil kay Mepiboset? (2 Sam. 16:1-4)
15. Bakit mainam na halimbawa para sa atin ang naging reaksiyon ni Mepiboset sa ginawa ni Ziba? (2 Sam. 19:24-30)