Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/05 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 6/05 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Hunyo: Iaalok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Kung hindi tanggapin ng may-bahay ang alok na aklat, iharap ang brosyur na Patuloy na Magbantay!

◼ Kung nagpaplano kayong dumalo sa mga pulong ng kongregasyon, asamblea, o pandistritong kombensiyon sa ibang lupain, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa petsa, oras, at mga lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang mga adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.

◼ Ang mga kalihim ng kongregasyon ay dapat mag-ingat ng isang taóng suplay ng mga form na Application for Regular Pioneer Service (S-205) at Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b). Maaaring umorder ng mga ito sa Literature Request form (S-14).

◼ Dapat ilakip sa aklatan ng Kingdom Hall ang isang kopya ng aklat na Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova. Ang karagdagang impormasyon hinggil sa aklatan ng mga Kingdom Hall ay masusumpungan sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2003, pahina 5, at sa “Tanong” sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Hulyo 1997.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share