Mga Brosyur Para sa mga Taong ang Relihiyon ay Di-Kristiyano
Lasting Peace and Happiness—How to Find Them
Kapag nagpapatotoo sa isang estudyanteng Tsino, maaari mong sabihin:
“Ang napansin kong karaniwan nang hinahangad ng mga estudyante ay kapayapaan at kaligayahan. Sa palagay mo kaya’y mahalaga ito? [Hayaang sumagot.] Hindi ba magiging kamangha-mangha na makitang matupad ang sinaunang pananalitang ito?” Basahin ang Awit 37:11, at ialok ang brosyur.
“Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay”
Maaari mong sabihin sa isang may-edad nang Budista:
“Marahil ay nababahala po kayong gaya ko sa napakaraming masasamang ideya at sa epekto nito sa ating mga anak. Bakit po kaya palasak ang imoralidad sa mga kabataan? [Hayaang sumagot.] Alam po ba ninyo na inihula ito sa isang aklat na sinimulang isulat bago pa naitatag ang mga relihiyong Muslim, Kristiyano, at Hindu? [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-3.] Pansinin na ang mga kalagayang ito ay umiiral sa kabila ng patuloy na pagkakaroon ng kaalaman. [Basahin ang talata 7.] Natulungan po ako ng publikasyong ito na maunawaan ang katotohanan na hindi kailanman nalaman ng karamihan. Gusto po ba ninyong basahin ito?”—km 8/99 p. 8.
Our Problems—Who Will Help Us Solve Them?
Maaari mong sabihin sa isang kabataang Hindu:
“Walang-alinlangang naniniwala ka sa Diyos. Ano sa palagay mo ang layunin ng Diyos para sa atin? [Hayaang sumagot. Pagkatapos, basahin ang Genesis 1:28.] Sa maraming dako, nagsisiksikan ang mga tao sa lupa at napakaraming mga problema. Sa palagay mo kaya’y handang tumulong ang Maylalang upang lutasin ang ating mga problema?” Hayaang sumagot. Pagkatapos, ialok ang brosyur.—km 9/99 p. 8.
The Guidance of God—Our Way to Paradise
Kapag nakikipag-usap sa isang Muslim, maaari mong sabihin:
“Nagsasagawa ako ng pantanging pagsisikap na makipag-usap sa mga Muslim. Alam kong naniniwala ang mga Muslim sa isang tunay na Diyos at sa lahat ng mga propeta. Hindi ba’t totoo iyan? [Hayaang sumagot.] Nais kong ipakipag-usap sa iyo ang tungkol sa isang sinaunang hula na nagsasabing gagawing paraiso ang lupa. Maaari ko bang basahin sa iyo kung ano ang isinulat ng propeta? [Hayaang sumagot. Pagkatapos, basahin ang Isaias 11:6-9.] Pinag-isip ako ng hulang ito tungkol sa isang pagsipi mula sa Koran na narito sa brosyur na ito.” Buklatin sa pahina 9, at basahin ang pagsipi sa makakapal na letra. Kung nagpakita ng interes, patuloy na makipag-usap sa pamamagitan ng pagtalakay sa parapo 7-9 na nasa pahina 8.—km 11/99 p. 8.
Why Should We Worship God in Love and Truth?
Ang presentasyong ito ay maaaring kaakit-akit sa isang Hindu na may pamilya:
“Dumadalaw ako sa mga taong nababahala hinggil sa kalagayan ng buhay pampamilya sa maraming lupain sa ngayon. Ano sa palagay mo ang makatutulong upang mapagkaisa ang pamilya? [Hayaang sumagot.] Nalalaman ng ilang tao ang sinasabi ng mga kasulatang Hindu tungkol sa pamilya, subalit hindi sila kailanman nagkaroon ng pagkakataong ihambing ito sa sinasabi ng Bibliya hinggil sa paksang ito. Nais kong ibahagi sa iyo ang puntong ito. [Basahin ang Colosas 3:12-14.] Sinusuri ng brosyur na ito ang sagradong mga kasulatan ng India at gayundin ang Bibliya.” Ialok ang brosyur, at itampok ang pahina 8-9 at 20-1.—km 9/99 p. 8.
Will There Ever Be a World Without War?
Kapag nagpapatotoo sa isang Judio, maaari mong sabihin:
“Karamihan sa atin ay nagkaroon ng malungkot na karanasang mamatayan ng isang minamahal. Ano sa palagay mo ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay?” Hayaang sumagot. Pagkatapos ay itampok ang kahon na “Death and the Soul—What Are They?” sa pahina 22 ng brosyur. Basahin ang parapo 17 sa pahina 23 may kinalaman sa pagkabuhay-muli. Banggitin na inasam ng patriyarkang si Job ang pag-asa sa pagkabuhay-muli. Ialok ang brosyur, at isaayos na bumalik upang talakayin ang siniping mga kasulatan sa katapusan ng parapo 17.—km 10/99 p. 8.