Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/05 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hunyo 13
  • Linggo ng Hunyo 20
  • Linggo ng Hunyo 27
  • Linggo ng Hulyo 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 6/05 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hunyo 13

Awit 198

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo) upang itanghal kung paano iaalok ang Hunyo 15 ng Bantayan at ang Hunyo 22 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang mga presentasyon. Sa isa sa mga presentasyon, itanghal ang pag-aalok ng mga magasin sa di-pormal na tagpo.

15 min: Tulungan ang Iba na Maging Di-bautisadong mga Mamamahayag. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig na gagampanan ng isang matanda salig sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 79-81. Talakayin ang kaayusan sa pag-alam kung ang isang estudyante sa Bibliya ay nakaaabot sa maka-Kasulatang mga kahilingan sa pakikibahagi sa paglilingkod sa larangan kasama ng kongregasyon. Sa susunod na linggo, isasaalang-alang natin kung paano natin sasanaying makibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay ang mga estudyante sa Bibliya na kuwalipikado na bilang di-bautisadong mamamahayag.

20 min: “Tinutulungan Tayo ng Pangangaral na Magbata.”a Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga teksto kung ipinahihintulot ng oras.

Awit 149 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 20

Awit 206

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang pangunahing mga punto mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Hulyo 2003, pahina 4. Ipaliwanag kung paano makakakuha ang mga mamamahayag ng literatura sa banyagang wika. Talakayin kung paano kumakapit ang impormasyong ito sa lokal na teritoryo. Anumang kahilingan para sa literatura sa banyagang wika ay dapat gawin sa pamamagitan ng lingkod sa literatura, kahit na isang piraso lamang ito, upang makuha kaagad ang kinakailangang literatura.

15 min: Ang Salita ng Diyos ay May Lakas. (Heb. 4:12) Pahayag salig sa Bantayan, Nobyembre 15, 2003, pahina 11, parapo 13-17. Ilahad ang mga karanasan na nagpapakita kung paanong ang mga tao ay nauudyukan ng turo sa Bibliya na gumawa ng mga pagbabago sa kanilang buhay. (w00 1/1 p. 3-5) Pasiglahin ang lahat na gamiting mabuti ang Bibliya sa lahat ng pitak ng ministeryo.

20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 9.”b Kapag tinatalakay ang parapo 2, itampok ang isa o dalawang punto mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Disyembre 2004, pahina 8. Magkaroon ng maikling pagtatanghal ng isang pag-aaral sa Bibliya. Pagkatapos talakayin ang aralin 2 sa brosyur na Hinihiling, tatanungin ng konduktor sa pag-aaral ang estudyante: “Paano mo ipaliliwanag sa isang kaibigan kung ano ang pangalan ng Diyos?” Ipaliliwanag ng estudyante kung paano niya gagamitin ang Awit 83:18, pagkatapos ay papupurihan siya ng konduktor sa pag-aaral.

Awit 208 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 27

Awit 113

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hunyo. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang mga pasasalamat sa donasyong natanggap. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Hulyo 1 ng Bantayan o ang Hulyo 8 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang presentasyon. Pagkatapos ng pagtatanghal, banggiting muli ang introduksiyong ginamit ng nagtanghal na nakaantig sa interes ng may-bahay.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: Pag-aalok ng mga Brosyur sa Hulyo at Agosto. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa insert. Ipaliwanag sa maikli kung paano gagamitin ang insert, na itinatampok ang kahon sa pahina 3 pati na ang pangunahing mga punto sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005, pahina 8. Talakayin ang mga mungkahi na angkop sa inyong teritoryo para sa pag-aalok ng mga brosyur sa unang pagdalaw. Ipatanghal ang dalawa o tatlong presentasyon. Gamitin ang isang mas nakababatang mamamahayag sa kahit isang pagtatanghal.

Awit 196 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 4

Awit 70

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Mayroon ba Kayong Pampamilyang Iskedyul? Repasuhin ang mga mungkahi sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2005, at anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga pagsisikap na ginawa nila upang ikapit ang mga mungkahi at sa mga kapakinabangang natamo nila sa paggawa nito.

20 min: “Mabisang Pagpapatotoo sa Pampublikong mga Lugar.”c Ikapit sa lokal na teritoryo. Ipaalaala sa mga mamamahayag na gamitin ang Please Follow Up (S-43) form kung angkop.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2005, p. 6.

Awit 120 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share