Ingatan
Mga Mungkahing Presentasyon Para sa mga Brosyur
Iba’t ibang mga mungkahi ang inilaan sa insert na ito upang tulungan kang maghanda ng mga presentasyon para sa pag-aalok ng mga brosyur. Maaaring ibagay ang mga ito sa lokal na mga kalagayan. Maaari ring gumamit ng ibang mga presentasyon. Ang mga presentasyon para sa mga brosyur na hindi isinaalang-alang sa insert na ito ay maaaring ihanda gamit ang sumusunod na mga mungkahi bilang modelo.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005, p. 8.
Kalakip sa bawat mungkahing nasa pahinang ito ang (1) isang nakapupukaw-kaisipang tanong para sa pagpapasimula ng pag-uusap, (2) isang reperensiya kung saan makikita sa brosyur ang mga puntong mapag-uusapan, at (3) isang angkop na teksto na maaaring basahin sa panahon ng pag-uusap. Ikaw na ang bahalang magdagdag ng iba pang impormasyon sa iyong sariling pananalita upang mabuo ang presentasyon, depende sa tugon ng indibiduwal.
Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao
“Sa palagay mo kaya’y may praktikal na payo ang Bibliya para sa ating panahon?”—p. 22, kapsiyon; p. 23, par. 3 ng kahon; Kaw. 25:11.
Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo
“Sa buong daigdig, naghahanap ang mga tao ng mas magandang buhay. Sa palagay mo kaya’y posible pang magkaroon ng tunay na kasiya-siyang buhay?”—p. 29, par. 6; 2 Ped. 3:13.
Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!
“Maraming tao ang nag-aakalang kailangan nilang pumunta sa langit upang tamasahin ang buhay na walang hanggan, pero ano kaya ang masasabi mo sa pamumuhay sa lupa magpakailanman?”—Ilustrasyon sa pabalat; Apoc. 21:4.
Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
“Iba-iba ang pangmalas ng mga tao hinggil sa tunay na pagkakakilanlan sa Diyos. Sa palagay mo ba’y mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan natin?”—p. 3, par. 3, 7-8; Juan 17:3.
Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
“Alam ng karamihan sa atin ang panalanging nagsisimula sa mga pananalitang ‘Ama namin na nasa langit, sambahin nawa ang pangalan mo.’ (Mat. 6:9, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Pero alam mo ba na ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa pagkilala sa pangalang iyan?”—p. 28, par. 1; Roma 10:13.
Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso
“Inaasam-asam ng maraming tao ang solusyon sa mga problemang napapaharap sa atin sa ngayon. Sa palagay mo ba’y magkakaroon pa ng isang gobyerno na makalulutas sa lahat ng problemang ito?”—p. 3, par. 1; Mat. 6:9, 10.
Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?
“Kapag namatay ang ating mga mahal sa buhay, likas lamang na isipin kung nasaan na sila at kung makikita pa kaya natin silang muli. Napag-isipan mo na ba ang ganiyang mga tanong?”—Mga tanong sa pabalat sa likod; Job 14:14, 15.
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
“Ibinabahagi namin ngayon ang brosyur na ito na nagdudulot ng kaaliwan at pag-asa sa milyun-milyong tao na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kamatayan. Napag-isip-isip mo na ba kung ano ang pag-asa ng mga namatay?”—p. 27, par. 3; Juan 5:28, 29.
“Napag-isip-isip mo na ba kung paano aaliwin ang isa na namatayan ng mahal sa buhay?”—p. 20, par. 1; Kaw. 17:17.