Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo pasimula Oktubre 31, 2005. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Setyembre 5 hanggang Oktubre 31, 2005. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano natin matitiyak na ang ating itinuturo mula sa Salita ng Diyos ay nakaaabot sa makasagisag na puso ng mga tao? (Mat. 13:19) [be p. 258 par. 1-2, kahon]
2. Ano ang makatutulong sa atin upang maarok ang nasa puso ng isang tao, subalit ano ang dapat nating isaisip? [be p. 259 par. 1-2]
3. Kapag nagtuturo tayo, bakit mahalagang idiin ang kamangha-manghang mga katangian ni Jehova? [be p. 260 par. 1]
4. Paano natin matutulungan ang ating mga estudyante sa Bibliya na maunawaan ang mga bagay na kailangan nilang pasulungin? [be p. 260 par. 4–p. 261 par. 1]
5. Paano natin matutulungan ang ating mga estudyante sa Bibliya o mga tagapakinig na suriin ang kanilang mga motibo sa paggawa ng mga bagay-bagay? [be p. 262 par. 2-3]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang ibig sabihin ng “may-pananabik na humahanap” kay Jehova, at paano natin maipakikita na ginagawa natin ito? (Heb. 11:6) [w03 8/15 p. 25 par. 2; p. 26 par. 2-3; p. 27 par. 2]
7. Ano ang “parisan ng nakapagpapalusog na mga salita,” at paano maipakikita ng matatanda na nanghahawakan sila rito? (2 Tim. 1:13, 14) [w03 1/1 p. 29 par. 3–p. 30 par. 1]
8. Ano ang ibig sabihin ng katagang “kanon ng Bibliya,” at ano ang ilan sa mga salik na tumitiyak sa pagiging kanonikal ng aklat ng Bibliya? [si p. 299 par. 5-6]
9. Bakit partikular na mahalaga ang Muratorian Fragment, na mula sa huling bahagi ng ikalawang siglo C.E., sa pagpapatotoo sa pagiging kanonikal ng Kristiyanong Griegong Kasulatan? [si p. 302 par. 19]
10. Anong karapatan ang ibinibigay ng Kasulatan mismo sa pagsasalin ng Bibliya, at anong layunin ang natupad ng sinaunang mga salin ng Bibliya? [si p. 307 par. 9]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Sinusuhayan ba ng 2 Hari 13:21 ang paniniwala sa pagsamba sa mga relikya?
12. Nakipag-alyansa ba sa Ehipto si Hezekias? (2 Hari 18:19-21, 25)
13. Bagaman hindi espesipikong binabanggit ng mga ulat ng kasaysayan ng Asirya ang nakagigitlang pagtalo ni Jehova kay Senakerib, ano ang nasumpungan mong kawili-wili tungkol sa sinasabi sa mga ulat na iyon? (2 Hari 19:35, 36)
14. Sino ang ama ni Sealtiel? (1 Cro. 3:16-18)
15. Noong panahon ni Haring Saul, paano nagpakita ng mainam na halimbawa ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahating tribo ni Manases para sa lahat ng mga lingkod ng Diyos sa ngayon? (1 Cro. 5:18-22)