Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/05 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 10/05 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag may nagpakita ng interes, pakisuyong ipakita ang brosyur na Hinihiling. Nobyembre: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga tao na wala silang maliliit na anak, ialok ang aklat na Kaalaman o ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinmang aklat na inilathala bago ang taóng 1991 na nasa stock ng kongregasyon. Sa mga kongregasyon na walang mas matatagal nang aklat, maaaring ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay!, at puwedeng mag-order nito sa tanggapang pansangay.

◼ Ang mga order para sa 2006 Taunang Aklat ay maaari na ngayong ipadala sa tanggapang pansangay. Nagpadala kami ng Yearbook Order Blank kalakip ng inyong statement ng Agosto para sa layuning ito. Dapat itong punan ng mga coordinator at lingkod sa literatura at ibalik ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2005.

◼ Isasaayos ang isang kumpletong programa ng pandistritong kombensiyon para sa mga bingi sa Quezon City sa Nobyembre 4-6, 2005. Ipaaalam sa kalaunan sa mga kongregasyon at grupo ng wikang pasenyas kung saan eksaktong gaganapin ang programang ito. Ang sinumang bingi na nakauunawa ng wikang pasenyas at nagnanais na makinabang sa programa ay dapat dumalo sa petsang ito, yamang walang ibang isinaayos na programa para sa mga bingi sa iba pang mga kombensiyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share