Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/05 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subtitulo
  • Linggo ng Oktubre 10
  • Linggo ng Oktubre 17
  • Linggo ng Oktubre 24
  • Linggo ng Oktubre 31
  • Linggo ng Nobyembre 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 10/05 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Pansinin: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-iiskedyul ng Pulong sa Paglilingkod para sa bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan upang bigyang-daan ang pagdalo sa “Makadiyos na Pagkamasunurin” na Pandistritong Kombensiyon. Kung angkop, gumugol ng 15 minuto sa huling Pulong sa Paglilingkod bago dumalo sa kombensiyon upang ulitin ang mga payo at paalaala mula sa insert sa buwang ito na kapit sa inyong kongregasyon. Isa o dalawang buwan pagkatapos ng inyong kombensiyon, maglaan ng 15 hanggang 20 minuto sa Pulong sa Paglilingkod (marahil ginagamit ang bahagi ng lokal na mga pangangailangan) upang repasuhin ang tampok na mga bahagi ng kombensiyon. Bilang paghahanda sa repasong ito, tayong lahat ay dapat kumuha ng nota sa espesipikong mga punto na nais nating ikapit sa ating ministeryo sa larangan.

Linggo ng Oktubre 10

Awit 17

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang itanghal kung paano ihaharap ang Oktubre 15 ng Bantayan at Oktubre 22 ng Gumising!

15 min: Iwasan ang mga Panganib ng Internet. Pahayag ng isang matanda salig sa Gumising! ng Disyembre 8, 2004, pahina 18-21.

20 min: “Patuloy na Salitain ang Salita ng Diyos Nang May Katapangan.”a Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga situwasyon kung saan maaaring maging hamon ang mag-ipon ng katapangan na kinakailangan upang magpatotoo. Ano ang nakatulong sa kanila na magawa ito?

Awit 78 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 17

Awit 36

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang bahagi 3 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Setyembre 2005, repasuhin ang isa o dalawang punto kung paano mabisang magagamit ang Kasulatan kapag nagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya.

15 min: “Isang Natatanging Pagpapalitan ng Pampatibay-Loob.” Isang pahayag. Himukin ang lahat na daluhan ang bawat sesyon ng kombensiyon, mula Biyernes ng umaga hanggang Linggo ng hapon.

20 min: “Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pagiging Mabait.”b Tanungin ang mga tagapakinig kung paano tayo makapagpapakita ng kabaitan sa iba kapag nakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Ang iba pang aspekto ng pagpapakita ng personal na interes sa mga pinangangaralan natin ay isasaalang-alang sa mga isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa hinaharap.

Awit 2 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 24

Awit 68

5 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at pasasalamat ng Sangay sa donasyong ipinadala. Gamit ang isa sa mungkahing mga presentasyon sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005, itanghal kung paano ihaharap ang alok na literatura sa Nobyembre.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005, p. 8, par. 5.

30 min: “Dakilain si Jehova sa Malaking Kongregasyon.”c Pangangasiwaan ng kalihim ng kongregasyon. Talakayin ang may-numerong mga parapo gaya ng pagtalakay sa Pag-aaral sa Bantayan. Ipabasa ang mga parapo sa isang inatasang tagabasa. Repasuhin ang kahong “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”

Awit 153 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 31

Awit 209

10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Oktubre. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Bantayan ng Nobyembre 1 at ang Gumising! ng Nobyembre 8.

15 min: Gamitin ang Ruta ng Magasin Upang Linangin ang Interes. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2005, pahina 8. Paano natin mapasisimulan ang isang ruta ng magasin? (par. 1) Paano tayo makapaghahanda ng mga presentasyong gumagamit ng isang teksto? (par. 3) Bakit hindi sapat ang basta basahin ang isang piniling teksto? (par. 4) Paano maaaring maging isang pag-aaral sa Bibliya ang pagdalaw-muli sa ruta ng magasin? (par. 5) Ipatanghal sa isang mamamahayag ang isang presentasyong gumagamit ng isang teksto sa isa sa kaniyang ruta ng magasin.

20 min: Mga Kabataan na Matatag Ngunit Magalang. Pahayag ng isang matanda salig sa Bantayan, Setyembre 15, 2002, pahina 23-4, sa ilalim ng subtitulong “Magalang na Tumanggi.” Isaayos nang patiuna na magkomento ang isa o dalawang kabataan hinggil sa mga hamon na napapaharap sa kanila sa paaralan at kung ano ang nakatulong sa kanila na matagumpay na maharap ang mga ito.

Awit 222 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 7

Awit 39

5 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: Pasulungin ang Inyong Pagtutuon ng Pansin sa mga Pulong. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa Bantayan, Setyembre 15, 2002, pahina 12-14, parapo 11-14.

20 min: “Linangin ang Kakayahang Makipagkatuwiranan sa Iba.”d Anyayahan ang piniling mga mamamahayag na ilahad kung paano sila nakipagkatuwiranan sa mga tao na may iba’t ibang pinagmulan na nasa kanilang teritoryo.

Awit 50 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share