Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 27, 2006. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 2 hanggang Pebrero 27, 2006. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Sa anu-anong paraan nakatutulong sa atin ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo upang ‘maghandog sa Diyos ng hain ng papuri at gumawa ng pangmadlang pagpapahayag ukol sa kaniyang pangalan’? (Heb. 13:15) [be p. 5 par. 3–p. 6 par. 1]
2. Bakit tayo dapat puspusang magsikap upang tumpak na makapagbasa? [be p. 83 par. 1–p. 84 par. 1]
3. Kapag nagsasalita tayo at nagtuturo, bakit napakahalaga na magsalita nang malinaw? [be p. 86 par. 1-6]
4. Bakit mahalaga ang wastong pagbigkas, at anong mga salik ang kailangan nating isaalang-alang? [be p. 89 par. 1–p. 90 par. 3, kahon]
5. Ano ang ilang mungkahi na makatutulong sa atin na maging mas matatas sa pakikipag-usap? [be p. 94 par. 4-5, kahon]
ATAS BLG. 1
6. Paano pinatutunayan ng 2 Cronica 36:17-23 ang pagkamaaasahan ng hula ng Bibliya? [si p. 84 par. 35]
7. Anong sunud-sunod na mga pangyayari ang naging dahilan upang makabalik ang mga Judio sa kanilang sariling lupain noong 537 B.C.E. at muling maitayo ang bahay ni Jehova? [si p. 85 par. 1-3]
8. Paano ipinagbangong-puri ng aklat ng Ezra si Jehova bilang tunay na Diyos at pinatibay ang pagtitiwala sa Kaniya? [si p. 87 par. 14, 18]
9. Bakit mahalaga sa kronolohiya ng Bibliya ang “ikadalawampung taon ni Artajerjes na hari”? (Neh. 2:1, 5, 6, 11, 17, 18) [si p. 88 par. 2, 5]
10. Paano naging isang mabuting halimbawa si Nehemias para sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon? [si p. 90 par. 16-17]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Nagamit ba ng nagsibalik na mga tapon ang Urim at Tumim, na siyang ginagamit noon kapag kailangan nilang malaman ang sagot ni Jehova? (Ezra 2:61-63)
12. Bakit atubili ang maraming Judio noon sa Babilonya na pumunta sa Jerusalem kasama ni Ezra? (Ezra 7:28–8:20)
13. Paano muling maitatayo ang pader sa pamamagitan ng isang kamay lamang? (Neh. 4:17, 18)
14. Yamang karaniwan nang isinisilid noon ang kompidensiyal na mga liham sa isang selyadong supot, bakit nagpadala si Sanbalat ng “isang bukás na liham” kay Nehemias? (Neh. 6:5)
15. Bukod sa ‘nakita niya ang pagkakamali’ ng mga Judiong bumalik sa kanilang dating mga gawi, gaya ng ginawa niya noon sa mga prinsipe at mga maharlika, anong iba pang hakbang ang ginawa ni Nehemias upang ituwid sila? (Neh. 13:25, 28)