Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/06 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 2/06 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso: Iaalok natin ang bagong aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng bagong aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Ang tunguhin ay makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa aklat na iyon.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa 2006 ay bibigkasin sa Linggo, Abril 30, 2006. Ang magiging paksa ng pahayag ay “Kontrolado Pa ba ng Diyos ang mga Bagay-bagay?” Ilalaan ang isang balangkas. Sa mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pansirkitong asamblea, o araw ng pantanging asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon, gaganapin ang pantanging pahayag sa Mayo 7, 2006. Ang mga kongregasyong hindi nagdaraos ng pulong pangmadla sa araw ng Linggo ay maaaring mag-iskedyul ng pantanging pahayag alinman sa mga araw mula Mayo 1 hanggang 6, 2006.

◼ Dapat repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Kung nahihirapan ang sinuman na abutin ang kahilingang oras, dapat isaayos ng mga elder na magbigay ng tulong upang maabot nila ang taunang kahilingan pagsapit ng Agosto 31.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito.

◼ Sa Linggo, Pebrero 19, 2006, magkakaroon ng pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong na ito, anupat tinitiyak na may sapat na Application for Auxiliary Pioneer Service na ipamamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.

◼ Ang artikulo sa pahina 6 na pinamagatang “Masiyahan sa Ating Pag-aaral sa Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?” ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Abril 3. Pakisuyong ingatan ang artikulong iyan at ang kasama nitong iskedyul sa pag-aaral.

◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:

Watch Tower Publications Index 2004—⁠Ingles

Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, Malalaking-letrang edisyon—⁠Cebuano, Iloko, Ingles, Tagalog

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share