Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 24, 2006. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 6 hanggang Abril 24, 2006. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Kapag nagtuturo, bakit tayo dapat huminto nang sandali sa bawat pagbabago ng diwa, subalit ano ang makahahadlang sa atin sa paggawa nito? [be p. 98 par. 2-3]
2. Bakit mahalagang huminto nang sandali kapag nagpapatotoo sa iba? [be p. 99 par. 5–p. 100 par. 4]
3. Bakit mahalaga ang pagdiriin ng susing mga salita kapag nagpapahayag, at paano natin mahusay na maidiriin ang susing mga salita? [be p. 101 par. 1-4–be p. 102 par. 1, kahon]
4. Kapag nagbabasa sa madla, paano natin matitiyak na naidiriin ang pangunahing mga ideya ng ating materyal? [be p. 105 par. 1-6]
5. Bakit mahalaga ang angkop na lakas ng tinig kapag nagtuturo, at paano natin malalaman kung gaano dapat kalakas ang ating tinig? [be p. 107-8]
ATAS BLG. 1
6. Sa anong paraan katulad ng naging kalagayan nina Esther at Mardokeo ang situwasyon ng mga Kristiyano sa ngayon, at paano natin matutularan ang kanilang halimbawa? [si p. 94 par. 17]
7. Nang sabihin ni Solomon na “ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin,” ano ang inilalarawan niya? (Ecles. 2:11) [w04 10/15 p. 4 par. 3-4]
8. Paano natin malilinang ang pag-ibig sa Diyos? (Mar. 12:30) [w04 3/1 p. 19-21]
9. Anu-ano ang mga pagkakaiba ng espirituwal na mga simulain at ng materyalismo? [w04 10/15 p. 5-7]
10. Ano ang makatutulong sa atin na makinig sa mga asamblea at kombensiyon nang hindi nagagambala? [be p. 15-16]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Bakit tinakpan ang mukha ni Haman? (Esth. 7:8)
12. Anong uri ng espiritung nilalang ang nakaimpluwensiya sa pag-iisip ni Elipaz? (Job 4:15, 16) [w05 9/15 p. 26 par. 2]
13. Ipinahihiwatig ba ng pananalita ni Job sa Job 7:9, 10 at Job 10:21 na hindi siya naniniwala sa pagkabuhay-muli?
14. Ano ang malamang na gustong sabihin ni Job sa pananalitang “Ako ay bahagya nang nakatakas na gabalat ng aking mga ngipin”? (Job 19:20)
15. Ano ang ibig sabihin ni Job nang sabihin niya, “Hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan,” at ano ang matututuhan natin mula rito? (Job 27:5)