Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 10
  • Linggo ng Abril 17
  • Linggo ng Abril 24
  • Linggo ng Mayo 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 4/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Abril 10

Awit 49

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o ang iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Abril 15 ng Bantayan at ang Abril ng Gumising! Sa isang pagtatanghal, iaalok din ng mamamahayag ang aklat na Itinuturo ng Bibliya sa isang may-bahay na nagpakita ng natatanging interes sa mensahe ng Bibliya.

20 min: “Maging ‘Masigasig sa Maiinam na Gawa’ sa Abril!” Pahayag ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod nang may pakikibahagi ng mga tagapakinig. Pasiglahin ang kuwalipikadong mga estudyante sa Bibliya na makibahagi sa pantanging buwan na ito ng gawain. Ang mga hindi pa nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan ay dapat tulungan at pasiglahin upang makabahagi ang lahat sa paglilingkod bago matapos ang Abril.

15 min: “Maibabagay Mo ba ang Iyong Iskedyul?”a Gumawa ng lokal na pagkakapit ng materyal. Banggitin ang anumang kaayusan ng kongregasyon para sa pagpapatotoo sa gabi.

Awit 13 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 17

Awit 104

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga punto sa “Tanong.” Idiin ang lokal na mga kaayusan para sa pantanging pahayag pangmadla. Pasiglahin ang lahat na patuloy na gamitin ang pahina 32 sa isyu ng Abril 1 ng Ang Bantayan upang anyayahan ang mga dumadalo sa Memoryal, mga estudyante sa Bibliya, at iba pang interesadong tao. Ilahad sa maikli ang dalawa o tatlong karanasan sa paggamit ng isyung ito ng Ang Bantayan upang anyayahan ang mga tao na dumalo sa pantanging pahayag pangmadla.

12 min: Lokal na mga pangangailangan.

18 min: “Magdaos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa Telepono.”b Ilakip ang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung ano ang maaaring sabihin ng mamamahayag upang ilipat ang pag-aaral mula sa pintuan tungo sa loob ng bahay.

Awit 162 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 24

Awit 66

15 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Patuloy nating itatampok sa Mayo Ang Bantayan at Gumising! Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Mayo 1 ng Bantayan at Mayo ng Gumising! Pagkatapos ng mga pagtatanghal, itawag-pansin ang iba pang artikulo sa mga isyung iyon na maaaring makaakit sa mga tao sa inyong teritoryo.

15 min: “Kung Paano Mapananatili ang Sigasig.”c Magbigay ng mga komento batay sa Hunyo 15, 2002, Bantayan, pahina 14, parapo 13.

15 min: May Mabuti Ka Bang Kaugalian sa Pagbabasa? Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa piniling mga bahagi sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 21-6. Ano ang maaaring ilakip sa ating programa ng pagbabasa? (p. 21, kahon) Bakit mahalagang basahin natin ang mga publikasyong inilalaan? (p. 23, par. 2) Ano ang susi sa pagpapanatili ng mabuting programa sa pagbabasa? (p. 26, par. 3-4) Paano ka naglalaan ng panahon para mabasa ang mga magasing Bantayan at Gumising!? Paano ka nakinabang dito?

Awit 191 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 1

Awit 211

10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Abril. Talakayin ang kahon na “Humihingi Ka ba ng mga Referral?” sa pahina 6. Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa mga pag-aaral sa Bibliya na napasimulan sa ganitong paraan.

15 min: “Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pagtingin sa Mata.”d Ilakip ang isang maikling pagtatanghal kung saan ang mamamahayag ay tumingin sa mata ng tao sa isang pampublikong lugar, nakipag-usap, at pagkatapos ay nagpatotoo.

20 min: Bulay-bulayin ang Gawa ni Jehova. (Awit 77:12) Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig na itinatampok ang 2006 Taunang Aklat. Isaalang-alang ang nakapagpapatibay na mga punto sa liham mula sa Lupong Tagapamahala. (p. 3-5) Talakayin ang materyal sa ilalim ng subtitulong “Pagsasalin ng Bibliya.” (p. 10-11) Ilahad ang ilang tampok na mga pangyayari at mga karanasan noong nakaraang taon. (p. 6-64) Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga puntong nagustuhan nila sa kanilang pagbabasa ng 2006 Taunang Aklat. Pasiglahin ang lahat na gamitin ito upang tulungan ang mga estudyante sa Bibliya na linangin ang pagpapahalaga sa organisasyon ni Jehova.

Awit 82 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share