Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/06 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 4/06 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong pagtitipon ngunit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hunyo: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.

◼ Ang mga tomo ng 2005 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari na ngayong umorder nito. Tandaan na ang mga ito ay mga special-request item at dapat iorder kung may espesipikong kahilingan lamang ang mga mamamahayag para rito. Kapag ang mga tomo ay hindi pa dumating sa panahong natanggap na ang mga order, ang mga ito ay itatala bilang “back-ordered” at ang mga tomo ay ipadadala sa inyo kapag natanggap na ang mga ito mula sa Brooklyn.

◼ Hindi tinutugunan ng tanggapang pansangay ang indibiduwal na mga kahilingan para sa literatura. Dapat tiyakin ng punong tagapangasiwa na ipatalastas ang paghiling ng literatura buwan-buwan bago ipadala ng kongregasyon sa sangay ang buwanang kahilingan nito para sa literatura upang maipagbigay-alam ng lahat ng interesadong kumuha ng literatura ang kanilang order sa brother na nangangasiwa sa literatura. Pakisuyong tandaan kung aling literatura ang special-request item.

◼ Bilang paalaala, ang adres ng tanggapang pansangay ay hinding-hindi dapat gamitin sa anumang personal na pagliham. Kasama rito ang lahat ng liham at literaturang ipinadadala sa koreo bilang patotoo sa interesadong mga tao na nakatira sa mga lugar na mahirap puntahan. Maaaring gamitin ng mamamahayag ang kaniyang personal na adres, yamang ang kaniyang ministeryo ay personal na paglilingkuran sa Diyos. (Mat. 28:19, 20; Roma 10:14, 15) Subalit kung naiisip niyang hindi matalinong gamitin ang kaniyang adres kapag nagpapatotoo sa pamamagitan ng liham, maaari niyang gamitin ang kaniyang pangalan at ang adres ng Kingdom Hall.—Tingnan ang “Tanong” sa Mayo 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share