Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Mayo 8
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano iaalok ang Mayo 15 ng Bantayan at ang Mayo ng Gumising!
20 min: “Sundan Ako Nang Patuluyan.”a Kapanayamin nang maikli ang isang huwarang mamamahayag na nagsisikap panatilihing simple ang kaniyang buhay at limitahan ang personal na mga aktibidad upang makagawa nang higit pa sa pagpapasulong ng mga kapakanan ng Kaharian at paglilingkod sa iba. Itampok ang mga pagpapalang natatamo niya sa paggawa nito.
15 min: Lokal na mga karanasan. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga pagpapalang natanggap nila sa pagpapagal sa ministeryo noong Marso at Abril. Itampok ang mga resultang natamo nila sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya at sa pagtulong sa mga baguhan na dumalo sa Memoryal.
Awit 91 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 15
10 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na panoorin ang video na Noah—He Walked With God bilang paghahanda sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Mayo 29.
10 min: Gumagawang Magkakasama sa Pagkakaisa sa Ilalim ng Pangunguna ni Kristo. Pahayag batay sa materyal sa ilalim ng subtitulong “Kung Ano ang Kahulugan ng Pagkilala sa Kaniyang Papel” sa pahina 13-15 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.
25 min: “Pagtatayo ng Kingdom Hall—Isang Mahalagang Bahagi ng Sagradong Paglilingkod.”b Kapag tinatalakay ang parapo 2, ipakita ang isang Application For Kingdom Hall Construction Volunteer Program (A-25) form at ipaliwanag kung paano makakakuha ng mga kopya nito. Kapanayamin ang ilan na nakibahagi na sa pagtatayo o pag-aayos ng mga Kingdom Hall.
Awit 133 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 22
12 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano iaalok ang Hunyo 1 ng Bantayan at ang Hunyo ng Gumising! Bilang tagpo para sa mga pagtatanghal, ipakita ang isang pamilyang nagdaraos ng sesyon sa pagsasanay.
15 min: “Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pagpapakita ng Kagandahang-Loob.”c Magbigay ng espesipikong mga halimbawa sa inyong teritoryo na nagpapakita kung bakit kailangan natin na laging maging makonsiderasyon sa damdamin ng mga tao sa ating ministeryo.
18 min: Maayos na Personal na Hitsura. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 131-3. Isaalang-alang ang nakatalang limang simulain hinggil sa ating pananamit at pag-aayos. Banggitin na mataktika nating magagamit ang materyal na ito upang tulungan ang mga estudyante sa Bibliya na maunawaan kung paano manamit nang angkop para sa mga pagpupulong sa kongregasyon.
Awit 215 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 29
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Mayo.
10 min: Itampok ang aklat na Guro sa Hunyo. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 3-4 ng Enero 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian o ang iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro.
25 min: “Isang Halimbawa Para sa Bata’t Matanda.” Pagkatapos ng pambungad na di-lalampas sa isang minuto, umpisahan ang pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig gamit ang maikling pagsusulit sa video na Noah, na tinatalakay ang lahat ng tanong na nakatala sa ikalawang parapo. Saka ipalahad sa mga pamilya kung paano sila nakinabang sa pakikibahagi sa iminungkahing “Learning Activities” sa edisyong DVD. Pagkatapos, talakayin ang tanong at ang mga kasulatan sa ikatlong parapo. (Pansinin: Kahit walang isa man sa kongregasyon ang nakapanood ng DVD na ito, makikinabang ang lahat sa masiglang pagtalakay sa maikling pagsusulit pati na sa binanggit na mga kasulatan.)
Awit 9 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Kung Paano Magtatagumpay sa mga Pagdalaw-Muli. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa kahon sa pahina 16 ng Nobyembre 15, 2003, ng Bantayan. Isaalang-alang ang bawat isa sa pitong mungkahi, at anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano maikakapit ang mga ito sa inyong teritoryo. Gamit ang isa sa mga mungkahing nasa pahina 6 ng Enero 2006 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, itanghal kung paano iaalok ang isang pag-aaral sa Bibliya kapag dumadalaw-muli.
Awit 57 at pansarang panalangin.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.