Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Hunyo 26, 2006. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 1 hanggang Hunyo 26, 2006. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang pagbabagu-bago ng tono ng boses, at bakit ito mahalaga? [be p. 111, mga kahon]
2. Paano natin mababago ang ating bilis kapag nagpapahayag? [be p. 112 par. 3-6, kahon]
3. Paano natin malilinang ang sigla para sa paksa ng ating pahayag, at bakit ito mahalaga? [be p. 115 par. 1–p. 116 par. 2, mga kahon]
4. Kapag nagtuturo tayo sa iba, bakit mahalaga ang katangian ng pagiging mainit, at ano ang tutulong sa atin na maipahayag ito? [be p. 118 par. 2–p. 119 par. 5]
5. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkumpas at ekspresyon ng mukha sa pakikipag-usap. (Mat. 12:48, 49) [be p. 121, mga kahon]
ATAS BLG. 1
6. Paano dinadakila ng aklat ng Job si Jehova at idiniriin ang kaniyang matuwid na mga pamantayan para sa buhay? [si p. 100 par. 39, 41]
7. Ano ang nagpapatunay sa pagiging totoo ng Mga Awit? [si p. 102 par. 10-11]
8. Sa pagtukoy sa matalinong tao, inilalarawan ba ng Kawikaan 13:16 ang isa na tuso? Ipaliwanag. [w04 7/15 p. 28 par. 3-4]
9. Paano kumikilos bilang isang katulong ang banal na espiritu, at ang kabatiran natin nito ay dapat magpasigla sa atin na gawin ang ano? (Juan 14:25, 26) [be p. 19 par. 2-3]
10. Sa anong diwa dumarating si Jesus, at ano ang tinutukoy ni Jesus na ‘pagdating’ gaya ng nakaulat sa Mateo 16:28? [w04 3/1 p. 16 kahon]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Ano ang matututuhan natin mula sa sagot ni Job kay Jehova na binabanggit sa Job 42:1-6?
12. Anong “walang-katuturang bagay” ang patuloy na binubulung-bulong ng mga bansa? (Awit 2:1, 2)
13. Anong mga pundasyon ang nagiba? (Awit 11:3)
14. Paano ‘lubos na ginagantihan’ ang taong palalo? (Awit 31:23)
15. Anong kaaliwan ang makukuha natin sa Awit 40 na makatutulong sa atin na mapagtagumpayan ang di-kasakdalan ng makasalanang laman at ang iba’t ibang kasakunaan ng sistemang ito ng mga bagay? (Awit 40:1, 2, 5, 12)