Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/06 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 6/06 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Hunyo: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur. Setyembre: Iaalok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Gagawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Ang lahat ng napag-iwanan ng literatura ay dapat dalawing muli sa layuning makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

◼ Yamang ang Hulyo ay may limang Sabado at limang Linggo, mainam na buwan ito upang mag-auxiliary pioneer.

◼ Ang programa sa video na Young People Ask—How Can I Make Real Friends? ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa Setyembre. Ang mga nangangailangan ng mga kopya nito ay maaaring umorder sa pamamagitan ng kongregasyon.

◼ Kailanma’t nagpaplano kayong dumalo sa mga pulong ng kongregasyon, asamblea, o pandistritong kombensiyon sa ibang lupain, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa petsa, oras, at lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang mga adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.

◼ Iminumungkahi na ang mga aplikasyon para sa paglilingkod bilang regular pioneer ay ipadala sa tanggapang pansangay nang di-kukulangin sa 30 araw bago ang napiling petsa ng pagpapasimula. Dapat repasuhin ng kalihim ng kongregasyon ang mga form upang matiyak na ang mga ito ay kumpletong napunan. Kung hindi maalaala ng mga aplikante ang eksaktong petsa ng kanilang bautismo, dapat nilang tantiyahin ang petsa at tandaan ito bilang petsa ng kanilang bautismo. Dapat itong itala ng kalihim sa Congregation’s Publisher Record (S-21) card.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share