Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hunyo 12
  • Linggo ng Hunyo 19
  • Linggo ng Hunyo 26
  • Linggo ng Hulyo 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 6/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hunyo 12

Awit 218

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hunyo 15 ng Bantayan at Hunyo ng Gumising! Sa isa sa mga presentasyon, itanghal ang pag-aalok ng mga magasin sa isang di-pormal na tagpo.

20 min: “Ang Ating Ministeryo—Isang Gawaing Nagpapakita ng Habag.”a Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga kasulatan.

15 min: Pagtitiwala sa “Tapat at Maingat na Alipin.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa kabanata 3 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.

Awit 47 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 19

Awit 21

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

20 min: Ang Salita sa Tamang Panahon, O Anong Buti! Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Enero 1, 2006, ng Bantayan, pahina 16-19. Sa pambungad, itampok ang apat na kapakinabangan ng pagpuri sa iba na tinatalakay sa ilalim ng subtitulong “Mga Kapakinabangan.” Pagkatapos, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa sumusunod na mga tanong: Sino ang pangunahin nang karapat-dapat papurihan? Bakit karapat-dapat bigyan ng angkop na papuri ang mga kapuwa mananamba? Anu-anong pagkakataon mayroon tayo upang magbigay ng komendasyon sa mga nasa kongregasyon? Bakit kapaki-pakinabang na papurihan ang mga miyembro ng pamilya, at paano natin magagawa ito? Paano ka napasigla o napatibay ng tinanggap mong komendasyon?

15 min: “Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Komendasyon.”b Magkaroon ng isang maikling pagtatanghal kung saan isang mamamahayag ang nakikinig nang mabuti sa may-bahay, nagbibigay ng taimtim na komendasyon, at saka bumabasa ng isang angkop na kasulatan batay sa sinabi ng may-bahay.

Awit 96 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 26

Awit 63

15 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hulyo 1 ng Bantayan at ang Hulyo ng Gumising! Sa pagtatapos ng bawat pagtatanghal, magbabangon ang mamamahayag ng pumupukaw-kaisipang tanong na maaaring sagutin sa susunod na pagdalaw gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya.

15 min: Paglilingkod Kasama ng Kongregasyon na Banyaga ang Wika. Pahayag batay sa Marso 15, 2006, ng Bantayan, pahina 17-20. Banggitin ang mga komento sa aklat na Organisado, pahina 112, parapo 3. Ikapit ito sa kalagayan ng inyong kongregasyon. Maaaring isama ang isa o dalawang maiikling panayam sa mga naghahangad na mapalawak ang kanilang ministeryo sa pamamagitan ng pag-aaral ng ibang wika.

15 min: Paghaharap ng Mabuting Balita sa Hulyo. Sa anu-anong paksa interesado ang mga tao sa inyong teritoryo? Kapanayamin sandali ang isa o dalawang mamamahayag na naging mabisa sa paggamit ng aklat na Itinuturo ng Bibliya at marahil ay nakapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Saka itanghal kung paano ihaharap ang alok na literatura sa bahay-bahay, gamit ang isang presentasyong napatunayang mabisa sa inyong teritoryo.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005, p. 8, par. 5.

Awit 208 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 3

Awit 111

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hunyo kung hindi pa nila nagagawa iyon.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Kung Paano Aabutin ang Iyong Espirituwal na mga Tunguhin.”c Anyayahan ang mga kabataan sa kongregasyon na magkomento tungkol sa kanilang espirituwal na mga tunguhin at kung ano ang ginagawa nila upang maabot ang mga ito. Maaaring isaayos nang patiuna ang isa o dalawang komento.

Awit 30 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share