Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hulyo 10
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Bantayan ng Hulyo 15 at ang Gumising! ng Hulyo.
15 min: Kung Paano Inoorganisa at Pinangangasiwaan ang Kongregasyon. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa kabanata 4 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.
20 min: “Linangin ang Pagpapahalaga sa Walang-Kapantay na mga Katangian ni Jehova.”a Itanghal kung paano gagamitin ang mga tanong para tulungan ang estudyante sa Bibliya na magbulay-bulay sa mga puntong nasa kahon para sa repaso na nasa dulo ng kabanata 1 ng aklat na Itinuturo ng Bibliya.
Awit 88 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 17
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin sa maikli ang Agosto 15, 2000, Bantayan, pahina 32. Itampok ang mga pakinabang sa pagkakaroon ng regular na programa ng araw-araw na pagbabasa ng Bibliya, kahit panahon ng bakasyon o iba pang panahon na may pagbabago sa dati nating rutin.
15 min: Pag-ibig at Kapakumbabaan—Mahahalagang Katangian sa Ministeryo. Pahayag batay sa Agosto 15, 2002, Bantayan, pahina 18-20, parapo 13-20.
20 min: “Tularan ang Ating ‘Maligayang Diyos’ na si Jehova.”b Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung ano ang nakatutulong sa kanila na manatiling masayahin at positibo kapag nangangaral sa lokal na teritoryo.
Awit 189 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 24
15 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Bantayan ng Agosto 1 at ang Gumising! ng Agosto.
10 min: “Nagpakita Sila ng Halimbawa ng Katapatan.” Pahayag na naglalakip ng ilang inilathalang karanasan ng mga special pioneer o mga pakikipanayam sa sinumang special pioneer na naglilingkod sa inyong kongregasyon.—Tingnan ang Watch Tower Publications Index sa ilalim ng “Special Pioneers.”
20 min: Maging Matatag, Di-natitinag. (1 Cor. 15:58) Kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag o payunir na maraming taon nang tapat na naglilingkod. Paano nila nalaman ang katotohanan? Paano ginagawa ang pangangaral noong nagsisimula pa lamang silang mangaral? Anu-anong hamon ang nakaharap nila? Anu-anong pagpapala ang tinanggap nila dahil sa pananatiling di-natitinag sa tunay na pagsamba?
Awit 12 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 31
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hulyo. Banggitin ang alok na literatura para sa Agosto.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Maglinang ng Mabubuting Kaugalian, Umani ng Saganang Pagpapala.”c Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa ginawa nilang mga pagsisikap para maitatag at mapanatili ang mainam na espirituwal na rutin at ang mga pagpapalang bunga nito.
Awit 130 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 7
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin sa maikli kung paano maibabagay sa pangangailangan ng lokal na teritoryo ang halimbawang mga presentasyon na nasa Ating Ministeryo sa Kaharian.—Tingnan ang Enero 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, p. 8.
15 min: Mga Pulong na Nag-uudyok ng Pag-ibig at Maiinam na Gawa. Pahayag batay sa Marso 15, 2002, Bantayan, pahina 24-5. Magkaroon ng maikling panayam na nagtatampok sa pagsisikap ng isang mamamahayag na makadalo nang regular sa mga pulong at kung paano siya nakikinabang sa paggawa nito.
20 min: Maging Progresibo at Madaling Makibagay sa Ating Ministeryo. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Disyembre 1, 2005, Bantayan, pahina 28-30. Sa pahayag batay sa parapo 6-11, itampok kung paano naging alisto, madaling makibagay, at mapamaraan si Pablo sa pangangaral at pagtuturo. Saka anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa mga tanong para sa parapo 12-14, habang ikinakapit ito sa lokal na kalagayan. Itanghal kung paano maibabagay ng mga mamamahayag sa ministeryo ang kanilang paraan ng paglapit, habang isinasaalang-alang ang mga pangangailangan, kalagayan, at pinagmulan ng mga tao sa lokal na teritoryo.
Awit 83 at pansarang panalangin.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.