Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Agosto 14
  • Linggo ng Agosto 21
  • Linggo ng Agosto 28
  • Linggo ng Setyembre 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 8/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod

Linggo ng Agosto 14

Awit 163

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Agosto 15 ng Bantayan at ang Agosto ng Gumising! Sa isa sa mga pagtatanghal, ipakita kung paano sasagutin ang pagtutol na “Hindi ako interesado sa mga Saksi ni Jehova.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 17.

15 min: “Pantanging Isyu ng Gumising! na Itatampok sa Setyembre.”a Kapag nasa parapo 4 na, itatanghal sa maikli ng isang tin-edyer ang pag-aalok ng isyu ng Setyembre ng Gumising! sa kaniyang guro.

20 min: Pagkakaibigan sa Paaralan—Hanggang Saan ang Limitasyon? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa pahina 17-19 ng Abril 2006 ng Gumising! Anyayahan ang mga tagapakinig na pinalaki sa sambahayang Kristiyano na magkomento kung paano sila inihanda ng kanilang mga magulang na harapin ang mga hamon at ikapit ang mga simulain ng Bibliya sa paaralan. Patiunang maghanda ng isa o dalawang komento.

Awit 164 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 21

Awit 62

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Makinabang sa Pag-aaral sa Bantayan at Pahayag Pangmadla. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 59 hanggang sa subtitulo sa pahina 64.

20 min: “Ipakipaglaban Mo ang Mainam na Pakikipaglaban ng Pananampalataya.” Pahayag na ibibigay ng isang elder batay sa artikulo ng Bantayan, isyu ng Pebrero 15, 2004, pahina 26-30.

Awit 216 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 28

Awit 17

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay na ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Agosto. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang mga presentasyong bagay sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Setyembre 1 ng Bantayan o ang Setyembre ng Gumising! habang dumadalaw-muli sa isang ruta ng magasin.

15 min: Maaari Kang Maging Pampatibay-Loob. (Roma 1:11, 12) Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Banggitin kung ilan ang regular pioneer sa kongregasyon. Isa-isahin ang mga paraan kung paano natin sila mapatitibay, gaya ng pagbibigay ng komendasyon, pagbanggit sa mga pakinabang ng pagpapayunir, paglilingkod na kasama nila, pag-aanyayang kumain, at pagtulong sa pamasahe. Anyayahan ang mga regular pioneer na sabihin kung paano sila napatibay ng iba. Kung walang regular pioneer sa kongregasyon, talakayin kung paano natin mapatitibay ang mga auxiliary pioneer.

20 min: “Makapagpapasimula Ka ba ng Pag-aaral sa Bibliya sa Setyembre?”b Magkaroon ng dalawang pagtatanghal gamit ang mga mungkahi sa parapo 2 at 3. Sa bawat pagtatanghal, pumili ng paksang babagay sa lokal na teritoryo.

Awit 37 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 4

Awit 90

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pangangaral Nang Walang Pagtatangi.”c Kapag tinatalakay na ang Roma 1:14, na sinipi sa dulo ng parapo 2, maglakip ng maikling komento mula sa Insight, Tomo 1, pahina 255, unang parapo sa ilalim ng paksang “Barbarian.” Matapos talakayin ang parapo 3, repasuhin ang tatlong hakbang na inisa-isa sa pahina 2 ng buklet na Good News for People of All Nations, at itanghal kung paano gagamitin ang buklet sa mga taong nagsasalita ng ibang wika sa inyong teritoryo.

Awit 225 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share