Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Setyembre 11
  • Linggo ng Setyembre 18
  • Linggo ng Setyembre 25
  • Linggo ng Oktubre 2
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 9/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod

Linggo ng Setyembre 11

Awit 20

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na Young People Ask—How Can I Make Real Friends? bilang paghahanda sa talakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Setyembre 25. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano iaalok ang Setyembre 15 ng Bantayan at ang Setyembre ng Gumising!

25 min: Makinabang sa Pulong sa Paglilingkod at sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, mula sa subtitulo sa pahina 64 hanggang sa subtitulo sa pahina 69.

10 min: Liham ng Sangay sa pahina 1. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Pasiglahin ang lahat na pahalagahan ang bagong pasilidad sa paglilimbag sa pamamagitan ng lubusang pagsuporta sa pamamahagi ng magasin.

Awit 126 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 18

Awit 213

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon? Rerepasuhin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang nakalipas na taon ng paglilingkod, habang nagtutuon ng pansin sa nakapagpapasiglang mga bagay na nagawa sa ministeryo. Magbigay ng angkop na komendasyon. Bumanggit ng isa o dalawang pitak ng ministeryo na kailangang bigyang-pansin sa darating na taon. Magkomento sa gawain ng mga payunir at purihin ang kanilang mahusay na paggawa. Maglahad ng magagandang resulta ng pagsisikap na tulungan ang mga di-aktibo.

25 min: “Espesyal na Kampanya Oktubre 16–Nobyembre 12!” Masiglang pagtalakay ng isang matanda. Pagkabasa ng patalastas na nasa liham para sa lupon ng matatanda na may petsang Hunyo 6, 2006, bigyan ng tig-iisang kopya ng Kingdom News Blg. 37 ang bawat dumalo. Saka magpatuloy sa tanong-sagot na talakayan sa artikulo. Himukin ang lahat ng mamamahayag na lubusang makibahagi sa kampanyang ito. Magtanghal ng isang maikling presentasyon.

Awit 50 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 25

Awit 94

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano iaalok ang Oktubre 1 ng Bantayan o ang Oktubre ng Gumising!

25 min: “Isang Video na Dapat Pag-isipang Mabuti.”a Habang tinatalakay ang parapo 1, hilingan ang kongregasyon na magkomento sa maikli tungkol sa video na Young People Ask—How Can I Make Real Friends? Saka talakayin agad ang bawat tanong na nasa parapo 2-7.

10 min: Lokal na mga karanasan. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkuwento ng mga karanasan nila habang nagpapasakamay ng espesyal na isyu ng Gumising! o habang nagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Maaaring isadula ang isa o dalawang namumukod-tanging karanasan.

Awit 183 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 2

Awit 36

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Pagpapatotoo sa Bahay-bahay.”b Kung may oras pa, anyayahan ang mga tagapakinig na komentuhan ang binanggit na mga teksto.

Awit 127 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share