Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Oktubre 30, 2006. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Setyembre 4 hanggang Oktubre 30, 2006. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong magsaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Bakit mahalaga ang magandang tindig kapag nagsasalita, at paano natin mababawasan ang ating kabalisahan? [be p. 135 par. 5–p. 137 par. 2, mga kahon]
2. Kapag tinatanong tayo hinggil sa ating paniniwala, bakit natin dapat sikaping gamitin ang Bibliya sa pagsagot? [be p. 143 par. 1-3]
3. Paano tayo magiging higit na bihasa sa paggamit ng Bibliya? [be p. 144, kahon]
4. Bakit mahalaga na gamitin natin nang madalas ang Bibliya kapag nagtuturo tayo sa ministeryo, at paano natin hihimukin ang paggamit nito sa mga pulong sa kongregasyon? [be p. 145-6, mga kahon]
5. Ano ang dalawang tunguhin natin kapag nagpapakilala ng kasulatan? [be p. 147 par. 2]
ATAS BLG. 1
6. Anong buháy na mensahe ang nilalaman ng Mga Awit? [si p. 104 par. 23]
7. Kailan isinulat at tinipon ang Mga Kawikaan? [si p. 107 par. 5]
8. Ano ang isang kawikaan, at bakit angkop ang Hebreong pamagat ng aklat na ito? [si p. 107 par. 6]
9. Sa Kawikaan 2:1-5, ano ang ipinahihiwatig ng paghimok na patuloy na magsaliksik ukol sa kaalaman, pagkaunawa, at kaunawaan “gaya ng pilak, at gaya ng nakatagong kayamanan”? [be p. 38 par. 4]
10. Paano ipinababatid ng Mga Kawikaan ang kapaki-pakinabang na layunin nito? [si p. 109 par. 19]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Paano ‘pinayapa at pinatahimik ni David ang kaniyang kaluluwa tulad ng batang kaaawat sa suso sa piling ng kaniyang ina,’ at paano natin siya matutularan? (Awit 131:1-3)
12. Anong kaaliwan ang makukuha sa kinasihang mga salita sa Awit 139:7-12?
13. Ano ang ilang halimbawa ng kadakilaan ni Jehova na binabanggit sa Awit 145 ang nagbibigay ng dahilan sa atin para purihin siya sa ating mga panalangin at sa pangmadlang ministeryo? (Awit 145:3)
14. Sa anong paraan “pasimula ng kaalaman” at “pasimula ng karunungan” ang pagkatakot kay Jehova? (Kaw. 1:7; 9:10)
15. Sa Kawikaan 7:1, 2, ano ang kalakip sa “aking mga pananalita” at “aking mga utos”?