Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre 1-15: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag may nagpakita ng interes, ipakita ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Oktubre 16–Nobyembre 12: Espesyal na kampanya ng Kingdom News Blg. 37. Nobyembre 13-30: Iaalok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina ay maaaring ialok. Kung walang mas matatagal nang aklat ang inyong kongregasyon, maaaring ialok ang aklat na Kaalaman o brosyur na Patuloy na Magbantay!
◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga order para sa 2007 Taunang Aklat. Nagpadala kami ng Yearbook Order Blank kasama ng inyong statement ng Agosto para sa layuning ito. Dapat itong punan ng mga coordinator at lingkod sa literatura at ibalik ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2006.
◼ Isinasaayos na ang kumpletong programa ng pandistritong kombensiyon para sa mga bingi sa Metro Manila Assembly Hall sa Quezon City sa Enero 5-7, 2007. Sinumang bingi na marunong ng wikang pasenyas at gustong makinabang sa programa ay dapat dumalo, yamang wala nang iba pang programang isinaayos sa ibang mga kombensiyon.
◼ Yamang may limang Sabado at limang Linggo ang Disyembre, napakagandang buwan ito para mag-auxiliary pioneer.
◼ Pakisuyong pansinin sa pahina 6 na ang Pandistritong Kombensiyon sa Bacolod City ay gaganapin sa Disyembre 22-24, 2006 sa halip na Disyembre 8-10, 2006.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!—Bicol, Hiligaynon, Pangasinan, Samar-Leyte (Pansinin: Maaari nang ipadala simula Oktubre 1, 2006 ang mga order para sa mga bagong publikasyong ito, gayundin ang mga order para sa karagdagang suplay ng aklat na ito sa wikang Cebuano, Iloko, at Tagalog. Pagdating ng ating suplay mula sa Hapon, ipadadala namin ang inyong order. Sisikapin naming matanggap ninyo ito sa takdang oras upang magamit ninyo sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat simula sa linggo ng Enero 8, 2007.)