Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre 1-12: Espesyal na kampanya ng Kingdom News Blg. 37. Nobyembre 13-30: Matuto Mula sa Dakilang Guro. Disyembre: Ialok ang alinman sa sumusunod: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Enero: Alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina ay maaaring ialok. Bilang panghalili, ialok ang aklat na Kaalaman o brosyur na Patuloy na Magbantay! Pebrero: Maging Malapít kay Jehova.
◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon sa susunod na ulat ng kuwenta.
◼ Ang video na No Blood—Medicine Meets the Challenge ay tatalakayin sa isang Pulong sa Paglilingkod sa Enero. Maaari na ngayong umorder sa kongregasyon ng DVD o videocasette.
◼ Pagbabago sa mga Pandistritong Kombensiyon: Pakisuyong pansinin na ang kombensiyon sa Masbate City ay nakaiskedyul na ngayon sa Nobyembre 24-26, 2006 sa halip na Disyembre 29-31, 2006. Gayundin, ang kombensiyon sa Buguias, Benguet ay gaganapin na ngayon sa Disyembre 22-24 sa halip na Disyembre 29-31.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index 2001-2005—Ingles