Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2007
MGA TAGUBILIN
Sa 2007, ang kaayusan sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ay ang sumusunod.
PINAGKUNANG MATERYAL: Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Ang Bantayan [w], Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo [be], “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (Edisyon ng 1989) [rs].
Ang paaralan ay dapat magsimula nang EKSAKTO SA ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at malugod na pagtanggap at magpatuloy gaya ng nakabalangkas sa ibaba. Pagkatapos ng bawat bahagi, sasabihin ng tagapangasiwa ng paaralan ang susunod na bahagi.
KALIDAD SA PAGSASALITA: 5 minuto. Ang tagapangasiwa ng paaralan, ang katulong na tagapayo, o isa pang kuwalipikadong matanda ang tatalakay sa isang kalidad sa pagsasalita salig sa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. (Sa mga kongregasyong may limitadong bilang ng matatanda, maaaring gamitin ang kuwalipikadong mga ministeryal na lingkod.)
ATAS BLG. 1: 10 minuto. Dapat itong gampanan ng isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod, at ibabatay ito sa Ang Bantayan, Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, o “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Ihaharap ito bilang sampung-minutong pahayag na nagtuturo. Ang tunguhin ay hindi lamang saklawin ang materyal kundi pagtuunan ng pansin ang praktikal na kahalagahan ng impormasyong tinatalakay, anupat itinatampok ang mga puntong lubos na kapaki-pakinabang sa kongregasyon. Dapat gamitin ang nakasaad na tema. Inaasahan na ang mga kapatid na lalaking inatasan sa pahayag na ito ay mag-iingat na huwag lumampas sa itinakdang oras. Maaaring magbigay ng pribadong payo kung kinakailangan.
MGA TAMPOK NA BAHAGI SA PAGBABASA NG BIBLIYA: 10 minuto. Sa unang limang minuto, isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod ang magkakapit ng materyal sa lokal na mga pangangailangan. Maaari siyang magkomento sa anumang bahagi ng nakatakdang materyal para sa pagbabasa ng Bibliya sa linggong iyon. Hindi ito dapat na basta sumaryo lamang ng materyal na nakatakdang basahin. Ang pangunahing tunguhin ay tulungan ang mga tagapakinig na maunawaan kung bakit at kung gaano kahalaga ang impormasyon. Dapat maging maingat ang tagapagsalita na huwag lumampas sa limang minutong inilaan para sa pambungad na bahagi. Dapat niyang tiyakin na maglalaan siya ng limang minuto para sa pakikibahagi ng mga tagapakinig. Ang mga tagapakinig ay aanyayahang magbigay ng maikling komento (30 segundo o mas maikli pa) sa kung ano ang napahalagahan nila sa pagbabasa ng Bibliya at kung ano ang mga pakinabang nito. Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa ng paaralan ang mga estudyanteng naatasan sa ibang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 4 na minuto o mas maikli pa. Ito ay pagbabasa ng isang kapatid na lalaki. Ang iniatas na materyal ay dapat basahin ng estudyante nang walang introduksiyon o konklusyon. Ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay ng pansin lalo na sa pagtulong sa mga estudyante na bumasa nang natural, matatas, may unawa, may wastong pagdiriin ng mga susing salita, may pagbabagu-bago ng tono ng boses, at angkop na sandaling paghinto.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Iaatas ito sa isang kapatid na babae. Ang mga estudyanteng tatanggap ng atas na ito ay aatasan ng isang tagpo o kaya’y pipili nito mula sa talaan na makikita sa pahina 82 ng aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. Dapat gamitin ng estudyante ang iniatas na tema at ikapit ito sa isang pitak ng paglilingkod sa larangan na makatotohanan at praktikal sa lokal na teritoryo. Kapag walang ibinigay na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, ang estudyante ay kailangang magsaliksik sa ating mga publikasyon upang makakuha ng materyal para sa bahaging ito. Ang mga baguhang estudyante ay bibigyan ng mga atas na may inilaang reperensiya. Ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay-pansin lalo na kung paano binuo ng estudyante ang materyal at kung paano niya tinulungan ang may-bahay na mangatuwiran sa Kasulatan at maunawaan ang susing mga punto sa pagtatanghal. Mag-aatas ng isang kasama ang tagapangasiwa ng paaralan.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Dapat buuin ng estudyante ang iniatas na tema. Kapag walang ibinigay na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, ang estudyante ay kailangang magsaliksik sa ating mga publikasyon upang makakuha ng materyal para sa bahaging ito. Kapag iniatas sa isang kapatid na lalaki, ang bahaging ito ay dapat iharap bilang pahayag sa mga tagapakinig sa Kingdom Hall. Kapag sa isang kapatid na babae ibinigay ang atas na ito, dapat itong iharap lagi gaya ng nakabalangkas sa Atas Blg. 3. Maaaring ibigay ng tagapangasiwa ng paaralan ang Atas Blg. 4 sa isang kapatid na lalaki kapag nakikita niyang angkop ito. Pakisuyong pansinin na ang mga paksang may asterisk ay dapat iatas lagi sa mga kapatid na lalaki upang iharap bilang pahayag.
PAYO: 1 minuto. Hindi patiunang sasabihin ng tagapangasiwa ng paaralan kung anong kalidad sa pagsasalita ang ikakapit ng estudyante. Pagkatapos ng Atas Blg. 2, Blg. 3, at Blg. 4, ang tagapangasiwa ng paaralan ay magbibigay ng magagandang obserbasyon tungkol sa isang aspekto ng pahayag na dapat bigyan ng komendasyon. Ang kaniyang tunguhin ay hindi lamang para magsabi ng “mahusay” kundi magtuon ng pansin sa espesipikong mga dahilan kung bakit mabisa ang aspektong iyon ng presentasyon. Depende sa pangangailangan ng bawat estudyante, maaaring magbigay ng karagdagang nakapagpapatibay na payo sa pribadong paraan pagkatapos ng pulong o sa ibang panahon.
ORAS: Hindi dapat lumampas sa oras ang mga pahayag, pati na ang mga komento ng tagapayo. Ang Atas Blg. 2 hanggang Blg. 4 ay dapat na mataktikang patigilin kapag lampas na sa oras. Kapag lumampas sa oras ang mga kapatid na lalaking gaganap sa pambukas na pahayag hinggil sa kalidad sa pagsasalita, Atas Blg. 1, o mga tampok na bahagi sa pagbabasa ng Bibliya, dapat silang bigyan ng pribadong payo. Dapat bantayang mabuti ng lahat ang kanilang oras. Kabuuang programa: 45 minuto, hindi kasali ang awit at panalangin.
TALAAN NG PAYO: Nasa aklat-aralin.
KATULONG NA TAGAPAYO: Maaaring pumili ang lupon ng matatanda ng isang may-kakayahang matanda, kung mayroon bukod sa tagapangasiwa ng paaralan, upang humawak ng atas bilang katulong na tagapayo. Kung maraming matanda sa kongregasyon, maaaring gampanan ng iba’t ibang kuwalipikadong matanda ang atas na ito taun-taon. Ang pananagutan ng katulong na tagapayo ay ang magbigay ng pribadong payo, kung kinakailangan, sa mga kapatid na naghaharap ng Atas Blg. 1 at ng mga tampok na bahagi sa pagbabasa ng Bibliya. Hindi niya kailangang magbigay ng payo sa tuwing matatapos ang bawat pahayag ng kaniyang kapuwa matatanda o ng mga ministeryal na lingkod.
ORAL NA REPASO: 30 minuto. Tuwing ikalawang buwan, magdaraos ng oral na repaso ang tagapangasiwa ng paaralan. Susunod ito matapos talakayin ang kalidad sa pagsasalita at ang mga tampok na bahagi sa pagbabasa ng Bibliya gaya ng nakabalangkas sa itaas. Ang oral na repaso ay isasalig sa materyal na tinalakay sa paaralan sa nakalipas na dalawang buwan, lakip na ang kasalukuyang linggo. Kung ang inyong kongregasyon ay may pansirkitong asamblea sa linggo ng oral na repaso, ang repaso (at ang iba pang nakaiskedyul sa linggong iyon) ay ipagpapaliban nang isang linggo at ang kasunod na iskedyul muna ang gagamitin sa linggo ng pansirkitong asamblea. Kung dadalaw sa inyong kongregasyon ang tagapangasiwa ng sirkito sa linggo ng oral na repaso, ang awit, pahayag sa kalidad sa pagsasalita, at mga tampok na bahagi sa Bibliya ay dapat idaos ayon sa iskedyul. Ang pahayag na nagtuturo (na inihaharap pagkatapos ng pahayag sa kalidad sa pagsasalita) ay dapat kunin sa iskedyul ng susunod na linggo. Ihaharap sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa susunod na linggo ang pahayag sa kalidad sa pagsasalita at mga tampok na bahagi sa Bibliya gaya ng nakaiskedyul sa linggong iyon, at pagkatapos ay susundan ito ng oral na repaso.
ISKEDYUL
Ene. 1 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 24-28 Awit 33
Kalidad sa Pagsasalita: Praktikal na Aplikasyon ng Materyal (be p. 158 ¶2-4)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Atas ng Estudyante sa Paaralan (be p. 43 ¶1–p. 44 ¶3)
Blg. 2: Isaias 26:1-18
Blg. 3: Aborsiyon—Bakit Ipinagbabawal? (rs p. 25-6 ¶4)
Blg. 4: Paano Natin ‘Maibibihis ang Panginoong Jesu-Kristo’? (Roma 13:14)
Ene. 8 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 29-33 Awit 42
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtulong sa Iba na Makuha ang Punto (be p. 159 ¶1-4)
Blg. 1: Paghahanda ng Isang Paksa at Isang Tagpo (be p. 44 ¶4–p. 46 ¶2)
Blg. 2: Isaias 30:1-14
Blg. 3: a Pagsagot sa Nagsasabi: ‘Karapatan Kong Magpasiya sa mga Bagay na May Kinalaman sa Sarili Kong Katawan’ (rs p. 26 ¶5)
Blg. 4: Kung Paano Natin Nalalaman na Iniibig ng Diyos na Jehova ang mga Bata
Ene. 15 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 34-37 Awit 222
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpili ng mga Salita (be p. 160 ¶1-3)
Blg. 1: Linangin ang Pangmalas ni Jesus sa Tama at Mali (w05 1/1 p. 9-10 ¶11-15)
Blg. 2: Isaias 34:1-15
Blg. 3: Kung Paano Lilinangin ang Tunay na Pag-ibig
Blg. 4: Adan at Eva—Totoong mga Tao sa Kasaysayan? (rs p. 27-8)
Ene. 22 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 38-42 Awit 61
Kalidad sa Pagsasalita: Salitang Madaling Maunawaan (be p. 161 ¶1-4)
Blg. 1: Huwag Magpapigil sa Pagsalansang (w05 1/1 p. 15 ¶16-18)
Blg. 2: Isaias 38:9-22
Blg. 3: b Pagsagot sa Nagsasabi: ‘Ang Kasalanan ni Adan ay Kalooban ng Diyos’ (rs p. 29 ¶1-2)
Blg. 4: Kung Bakit Natin Iniiwasang Maghinala sa Motibo ng Iba
Ene. 29 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 43-46 Awit 113
Kalidad sa Pagsasalita: Pagkasari-sari at Katumpakan ng Pananalita (be p. 161 ¶5–p. 162 ¶4)
Blg. 1: Kung Bakit Natin Dapat Tanggapin ang mga Paghatol ni Jehova (w05 2/1 p. 23-4 ¶4-9)
Blg. 2: Isaias 45:1-14
Blg. 3: Bakit Walang Saysay ang Pagsamba sa Ninuno? (rs p. 300 ¶2–p. 301 ¶8)
Blg. 4: c Kung Bakit Iniiwasan ng mga Kristiyano ang Paghahambing na May Pagpapaligsahan
Peb. 5 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 47-51 Awit 79
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Salitang Nagbabadya ng Puwersa, Damdamin, Kulay (be p. 163 ¶1–p. 164 ¶2)
Blg. 1: Pinananatili Tayong Malinis ng Salita ng Diyos at Tulong Ito Upang Maging Tapat (w05 4/15 p. 11-12 ¶5-11)
Blg. 2: Isaias 50:1-11
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Nalulugod ang Diyos na Jehova sa Pagsamba sa Ninuno (rs p. 302 ¶1-6)
Blg. 4: Pinipigilan ba ng Bibliya ang Pagbibigay ng Regalo?
Peb. 12 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 52-57 Awit 139
Kalidad sa Pagsasalita: Pagsasalita Ayon sa mga Alituntunin ng Balarila (be p. 164 ¶3–p. 165 ¶1)
Blg. 1: Ang Salita ni Jehova ay Nagbibigay ng Lakas ng Loob (w05 4/15 p. 12-13 ¶12-14)
Blg. 2: Isaias 55:1-13
Blg. 3: Sulit ang Pamumuhay na May Pagsasakripisyo sa Sarili
Blg. 4: Sino ang mga Antikristo? (rs p. 29 ¶3–p. 31 ¶3)
Peb. 19 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 58-62 Awit 189
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Isang Balangkas (be p. 166 ¶1–p. 167 ¶1)
Blg. 1: Isaias—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 123 ¶34-9)
Blg. 2: Isaias 60:1-14
Blg. 3: Bakit Isang Bagay na Kasiya-siya ang Pagpapaalipin sa Diyos?
Blg. 4: d Pagkilala sa mga Apostata (rs p. 31 ¶4–p.33 ¶2)
Peb. 26 Pagbabasa ng Bibliya: Isaias 63-66 Awit 141
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-organisa ng Iyong mga Ideya (be p. 167 ¶2–p. 168 ¶2)
Oral na Repaso
Mar. 5 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 1-4 Awit 70
Kalidad sa Pagsasalita: Panatilihing Simple ang Iyong Balangkas sa Pahayag (be p. 168 ¶3–p. 169 ¶5)
Blg. 1: Introduksiyon sa Jeremias (si p. 124 ¶1-5)
Blg. 2: Jeremias 3:1-13
Blg. 3: Sa Ano Nakasalig ang Tunay na Kaligayahan?
Blg. 4: e Ano ang Dapat Nating Maging Saloobin sa mga Apostata? (rs p. 33 ¶3–p. 34 ¶5)
Mar. 12 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 5-7 Awit 159
Kalidad sa Pagsasalita: Lohikal na Pagbuo ng Materyal (be p. 170 ¶1–p. 171 ¶2)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Pahayag sa Kongregasyon (be p. 47 ¶1–p. 49 ¶1)
Blg. 2: Jeremias 5:1-14
Blg. 3: Hindi kay Pedro Itinayo ni Kristo ang Simbahan (rs p. 34 ¶6–p. 36 ¶4)
Blg. 4: Pagkakapit ng Aral sa Exodo 14:11 sa Ating Panahon
Mar. 19 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 8-11 Awit 182
Kalidad sa Pagsasalita: Paghaharap ng Impormasyon sa Lohikal na Paraan (be p. 171 ¶3–p. 172 ¶6)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Bahagi sa Pulong sa Paglilingkod at Iba Pang Pahayag (be p. 49 ¶2–p. 51 ¶1)
Blg. 2: Jeremias 10:1-16
Blg. 3: Paano Natin Nalalamang Naniniwala Sina Abraham, Job, at Daniel sa Pagkabuhay-Muli?
Blg. 4: Ano ang mga Susi na Ginamit ni Pedro? (rs p. 36 ¶5–p. 39 ¶2)
Mar. 26 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 12-16 Awit 205
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit Lamang ng Kaugnay na Materyal (be p. 173 ¶1-4)
Blg. 1: Dinadakila ng Pantubos ang Katuwiran ng Diyos (w05 11/1 p. 13-14)
Blg. 2: Jeremias 12:1-13
Blg. 3: Hindi Tunay na mga Kristiyano ang “Kahalili ng mga Apostol” (rs p. 39 ¶3–p. 41 ¶6)
Blg. 4: Sa Anong Paraan Dapat Magmalaki ang mga Kristiyano?
Abr. 2 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 17-21 Awit 30
Kalidad sa Pagsasalita: Ekstemporanyong Pagpapahayag (be p. 174 ¶1–p. 175 ¶5)
Blg. 1: Paghahanda ng mga Pahayag sa Madla (be p. 52 ¶1–p. 54 ¶1)
Blg. 2: Jeremias 20:1-13
Blg. 3: Saan Mangyayari ang Labanan sa Armagedon? (rs p. 41 ¶7–p. 43 ¶6)
Blg. 4: f Paano Natin Dapat Malasin ang Payo?
Abr. 9 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 22-24 Awit 184
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-iwas sa mga Panganib ng Ekstemporanyong Pagpapahayag (be p. 175 ¶6–p. 177 ¶1)
Blg. 1: Ang mga Kapasiyahan ng Tagapagsalita (be p. 54 ¶2-4; p. 55, kahon)
Blg. 2: Jeremias 23:1-14
Blg. 3: Kung Bakit Nagdudulot sa Atin ng Kagalakan ang Pakikibahagi sa Ministeryo
Blg. 4: Sino at Ano ang Malilipol sa Armagedon? (rs p. 43 ¶7–p. 44 ¶4)
Abr. 16 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 25-28 Awit 27
Kalidad sa Pagsasalita: Kapag ang Iba ay Humihingi ng Paliwanag (be p. 177 ¶2–p. 178 ¶2)
Blg. 1: Pasulungin ang Kakayahan Bilang Isang Guro (be p. 56 ¶1–p. 57 ¶2)
Blg. 2: Jeremias 26:1-15
Blg. 3: Sino ang Makaliligtas sa Armagedon? (rs p. 44 ¶5–p. 45 ¶2)
Blg. 4: Sa Anong Paraan Isinumpa ang Lupa? (Gen. 3:17)
Abr. 23 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 29-31 Awit 148
Kalidad sa Pagsasalita: Paraan na Parang Nakikipag-usap (be p. 179-80)
Blg. 1: ‘Kilalanin ang Pagkakaiba’ (be p. 57 ¶3–p. 58 ¶2)
Blg. 2: Jeremias 31:1-14
Blg. 3: Bakit Walang Hangganan ang Kadakilaan ni Jehova?
Blg. 4: Armagedon—Hindi Paglabag sa Pag-ibig ng Diyos (rs p. 45 ¶3-5)
Abr. 30 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 32-34 Awit 100
Kalidad sa Pagsasalita: Kalidad ng Tinig (be p. 181 ¶1-4)
Oral na Repaso
Mayo 7 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 35-38 Awit 165
Kalidad sa Pagsasalita: Pagkontrol Nang Wasto sa Iyong Suplay ng Hangin (be p. 181 ¶5–p. 184 ¶1; p. 182, kahon)
Blg. 1: Pasiglahin ang mga Tagapakinig na Mag-isip (be p. 58 ¶3–p. 59 ¶3)
Blg. 2: Jeremias 36:1-13
Blg. 3: Hindi Posible ang Neutral na Paninindigan sa Armagedon (rs p. 45 ¶6–p. 46 ¶3)
Blg. 4: Paano Mapagtatagumpayan ng mga Kristiyano ang Kawalang-Katiyakan?
Mayo 14 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 39-43 Awit 56
Kalidad sa Pagsasalita: Pagrerelaks sa Maiigting na Kalamnan (be p. 184 ¶2–p. 185 ¶3; p. 184, kahon)
Blg. 1: Gumawa ng Aplikasyon, at Magbigay ng Isang Mabuting Halimbawa (be p. 60 ¶1–p. 61 ¶2)
Blg. 2: Jeremias 39:1-14
Blg. 3: Kaninong Impluwensiya ang Nagtutulak sa mga Bansa sa Kalagayang Hahantong sa Armagedon? (rs p. 46 ¶4-5)
Blg. 4: g Kung Bakit Nagsisikap ang Tunay na mga Kristiyano na Magkaroon ng Malinis na Pagliligawan
Mayo 21 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 44-48 Awit 122
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapakita ng Interes sa Kausap (be p. 186 ¶1-4)
Blg. 1: Kung Paano Mapasusulong ang Kakayahang Makipag-usap (be p. 62 ¶1–p. 64 ¶1)
Blg. 2: Jeremias 46:1-17
Blg. 3: Ano ang Panlilinlang sa Sarili, at Paano Tayo Makapag-iingat Laban Dito?
Blg. 4: Pagkilala sa Babilonya ng Apocalipsis (rs p. 51 ¶2-3)
Mayo 28 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 49-50 Awit 95
Kalidad sa Pagsasalita: Matamang Pakikinig (be p. 187 ¶1-5)
Blg. 1: Kung Paano Ipagpapatuloy ang Pag-uusap (be p. 64 ¶2–p. 65 ¶4)
Blg. 2: Jeremias 49:14-27
Blg. 3: Sa Ano Napabantog ang Sinaunang Babilonya? (rs p. 52 ¶1–p. 53 ¶5)
Blg. 4: Kung Bakit Dapat Basahan ng mga Magulang ang Kanilang mga Anak
Hun. 4 Pagbabasa ng Bibliya: Jeremias 51-52 Awit 166
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtulong sa Iba na Sumulong (be p. 187 ¶6–p. 188 ¶3)
Blg. 1: Jeremias—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 129 ¶36-9)
Blg. 2: Jeremias 52:1-16
Blg. 3: Kamangmangan ang Paghahangad na Humiwalay sa Diyos
Blg. 4: Kung Bakit ang mga Relihiyong Nag-aangking Kristiyano ay Bahagi ng Babilonyang Dakila (rs p. 54 ¶1–p. 55 ¶1)
Hun. 11 Pagbabasa ng Bibliya: Panaghoy 1-2 Awit 129
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbibigay ng Praktikal na Tulong (be p. 188 ¶4–p. 189 ¶4)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Panaghoy (si p. 130-1 ¶1-7)
Blg. 2: Panaghoy 2:1-10
Blg. 3: Kung Bakit Kailangang-kailangang Lumabas sa Babilonyang Dakila (rs p. 55 ¶2-7)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Kahinaan ang Tunay na Kabaitan
Hun. 18 Pagbabasa ng Bibliya: Panaghoy 3-5 Awit 140
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapakita ng Paggalang sa Iba (be p. 190 ¶1–p. 191 ¶1)
Blg. 1: Mga Panaghoy—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 132 ¶13-15)
Blg. 2: Panaghoy 4:1-13
Blg. 3: Kung Ano ang Bautismo, at Kung Bakit Nagpapabautismo ang mga Mananampalataya (rs p. 56 ¶1-4)
Blg. 4: h Kung Bakit Hindi Sumasali sa Pulitika ang Tunay na mga Kristiyano
Hun. 25 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 1-5 Awit 1
Kalidad sa Pagsasalita: Magalang na Pagkilala (be p. 191 ¶2–p. 192 ¶1)
Oral na Repaso
Hul. 2 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 6-10 Awit 26
Kalidad sa Pagsasalita: Magalang na Pagpapahayag (be p. 192 ¶2–p. 193 ¶2)
Blg. 1: Introduksiyon sa Ezekiel (si p. 132-3 ¶1-6)
Blg. 2: Ezekiel 7:1-13
Blg. 3: Kung Ano ang Kailangan Para Mapalapít kay Jehova (Sant. 4:8)
Blg. 4: Kristiyanong Bautismo, Hindi Pagwiwisik, Hindi Para sa mga Sanggol (rs p. 56 ¶5–p. 57 ¶3)
Hul. 9 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 11-14 Awit 112
Kalidad sa Pagsasalita: Ipinahayag Nang May Pananalig (be p. 194 ¶1–p. 195 ¶2)
Blg. 1: Huwag Manghimagod sa Paggawa ng Kung Ano ang Mainam (w05 6/1 p. 29-30)
Blg. 2: Ezekiel 11:1-13
Blg. 3: Nakapaglilinis ba ng Kasalanan ang Bautismo sa Tubig? (rs p. 57 ¶4-7)
Blg. 4: Paano Natin Uunawain ang Apocalipsis 17:9-11?
Hul. 16 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 15-17 Awit 29
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Nahahayag ang Pananalig (be p. 195 ¶3–p. 196 ¶4)
Blg. 1: Labanan ang Maling Kaisipan! (w05 9/15 p. 26-8)
Blg. 2: Ezekiel 16:1-13
Blg. 3: Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Matalino (Kaw. 13:16)
Blg. 4: Sino ang Binabautismuhan sa Banal na Espiritu? (rs p. 58 ¶1–p. 59 ¶3)
Hul. 23 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 18-20 Awit 193
Kalidad sa Pagsasalita: Mataktika Subalit Matatag (be p. 197 ¶1-3)
Blg. 1: Unawain ang Pananaw ng Nagtatanong (be p. 66 ¶1–p. 68 ¶1)
Blg. 2: Ezekiel 18:19-29
Blg. 3: Magkaiba ang Bautismo sa Apoy at ang Bautismo sa Banal na Espiritu (rs p. 59 ¶4–p. 60 ¶2)
Blg. 4: Katibayan na Totoo ang Kaharian ng Diyos
Hul. 30 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 21-23 Awit 35
Kalidad sa Pagsasalita: Mataktika Kapag Nagpapatotoo (be p. 197 ¶4–p. 198 ¶5)
Blg. 1: Pag-aralan Kung Paano Ka Nararapat Sumagot (be p. 68 ¶2–p. 70 ¶3)
Blg. 2: Ezekiel 23:1-17
Blg. 3: Mga Dahilan Upang Isaalang-alang ang Bibliya (rs p. 60 ¶3–p. 62 ¶2)
Blg. 4: Ano ang Tamang Pananaw Hinggil sa Kadakilaan?
Agos. 6 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 24-27 Awit 37
Kalidad sa Pagsasalita: Tamang Salita sa Tamang Panahon (be p. 199 ¶1-4)
Blg. 1: Pakikipagtalastasan sa Pamamagitan ng mga Liham (be p. 71-3)
Blg. 2: Ezekiel 24:1-14
Blg. 3: Sa Anu-anong Paraan Napakainam na Halimbawa ni Moises Para sa mga Kristiyano?
Blg. 4: Katibayan Mula sa Isaias at Jeremias na Kinasihan ang Bibliya (rs p. 62 ¶3–p. 63 ¶2)
Agos. 13 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 28-31 Awit 123
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Taktika sa Pamilya at sa Iba (be p. 200 ¶1-4)
Blg. 1: Maging Progresibo—Gumawa ng Pagsulong (be p. 74 ¶1–p. 75 ¶3)
Blg. 2: Ezekiel 28:1-16
Blg. 3: Ang Katuparan ng Hula ni Jesus ay Patotoo na Kinasihan ang Bibliya (rs p. 63 ¶3–p. 64 ¶1)
Blg. 4: Ano ang Kahulugan ng “Poot” sa Kasulatan?
Agos. 20 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 32-34 Awit 215
Kalidad sa Pagsasalita: Nakapagpapatibay at Positibo (be p. 202 ¶1–p. 203 ¶2)
Blg. 1: Gamitin ang Iyong Kaloob (be p. 75 ¶4–p. 77 ¶2)
Blg. 2: Ezekiel 34:1-14
Blg. 3: Paano Tayo Tinutulungan ng Espiritu ng Diyos?
Blg. 4: Kaayon ng Siyensiya ang Bibliya (rs p. 64 ¶2–p. 66 ¶2)
Agos. 27 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 35-38 Awit 94
Kalidad sa Pagsasalita: Panatilihing Positibo ang Presentasyon (be p. 203 ¶3–p. 204 ¶1)
Oral na Repaso
Set. 3 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 39-41 Awit 194
Kalidad sa Pagsasalita: Kapag Nakikipag-usap sa mga Kapananampalataya (be p. 204 ¶2–p. 205 ¶4)
Blg. 1: Bakit Dapat Kagiliwan ang Salita ng Diyos? (w05 4/15 p. 15-16 ¶3-6)
Blg. 2: Ezekiel 40:1-15
Blg. 3: Talaga Bang Mapasasaya ng mga Tao ang Diyos?
Blg. 4: i Pagsagot sa mga Pagtutol Tungkol sa Bibliya (rs p. 66 ¶3–p. 70 ¶1)
Set. 10 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 42-45 Awit 77
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-uulit Bilang Pagdiriin (be p. 206 ¶1-4)
Blg. 1: Kapag Naging “Korona ng Kagandahan” ang Katandaan (w05 1/15 p. 8-9)
Blg. 2: Ezekiel 43:1-12
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Nagdiriwang ng Kaarawan ang mga Kristiyano (rs p. 81 ¶1–p. 82 ¶3)
Blg. 4: j Paano Natin Makikilala ang “Tinig ng Ibang mga Tao”? (Juan 10:5)
Set. 17 Pagbabasa ng Bibliya: Ezekiel 46-48 Awit 164
Kalidad sa Pagsasalita: Pag-uulit sa Ministeryo sa Larangan at sa mga Pahayag (be p. 207 ¶1–p. 208 ¶3)
Blg. 1: Ezekiel—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 137 ¶29-33)
Blg. 2: Ezekiel 47:1-14
Blg. 3: Bakit Umiiwas sa Dugo ang mga Kristiyano? (rs p. 139 ¶2–p. 141 ¶1)
Blg. 4: k Kung Bakit ang Mayamang Espirituwal na Pamana ang Pinakamagandang Regalong Maibibigay ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak
Set. 24 Pagbabasa ng Bibliya: Daniel 1-3 Awit 179
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbuo ng Tema (be p. 209 ¶1-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Daniel (si p. 138-9 ¶1-6)
Blg. 2: Daniel 2:1-16
Blg. 3: Kung Bakit Literal na Bilang ang 144,000 (Apoc. 7:4)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Nagpapasalin ng Dugo ang Tunay na mga Kristiyano (rs p. 141 ¶2–p. 142 ¶2)
Okt. 1 Pagbabasa ng Bibliya: Daniel 4-6 Awit 14
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Angkop na Tema (be p. 210 ¶1–p. 211 ¶1; p. 211, kahon)
Blg. 1: Kailan Nagkakaroon ng Batayan Para Magalit? (w05 8/1 p. 13-15)
Blg. 2: Daniel 4:1-17
Blg. 3: Paano Natin Matutularan ang Maiinam na Katangian ni Mepiboset?
Blg. 4: l Pagsagot sa mga Iginigiit Tungkol sa Pagsasalin ng Dugo (rs p. 142 ¶3–p. 144 ¶3)
Okt. 8 Pagbabasa ng Bibliya: Daniel 7-9 Awit 34
Kalidad sa Pagsasalita: Itinampok ang mga Pangunahing Punto (be p. 212 ¶1–p. 213 ¶1)
Blg. 1: Hayaang Ingatan Ka ng “Pananalita” ni Jehova (w05 9/1 p. 28-31)
Blg. 2: Daniel 7:1-12
Blg. 3: Ano ang Ibig Sabihin ng Maipanganak-Muli? (rs p. 280 ¶2–p. 281 ¶4)
Blg. 4: Anu-anong Pantanging Kagalakan ang Naidudulot ng Regular na Pakikibahagi sa Ministeryo sa Larangan?
Okt. 15 Pagbabasa ng Bibliya: Daniel 10-12 Awit 210
Kalidad sa Pagsasalita: Huwag Gumamit ng Napakaraming Punto (be p. 213 ¶2–p. 214 ¶4)
Blg. 1: Daniel—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 141-2 ¶19-23)
Blg. 2: Daniel 11:1-14
Blg. 3: Kung Paano Makatutulong sa Atin ang Kapakumbabaan Para Malutas ang mga Di-pagkakaunawaan
Blg. 4: Hindi Nakasalalay ang Kaligtasan sa Pagiging Ipinanganak-Muli (rs p. 281 ¶5–p. 282 ¶6)
Okt. 22 Pagbabasa ng Bibliya: Oseas 1-7 Awit 66
Kalidad sa Pagsasalita: Pumupukaw-Interes na Pambungad (be p. 215 ¶1–p. 216 ¶5)
Blg. 1: Introduksiyon sa Oseas at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 143-5 ¶1-8, 14-17)
Blg. 2: Oseas 5:1-15
Blg. 3: a Pagsagot sa mga Pananaw Tungkol sa Pagiging Ipinanganak-Muli (rs p. 283 ¶1–p. 284 ¶1)
Blg. 4: Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagtitiis ng Tunay na mga Kristiyano
Okt. 29 Pagbabasa ng Bibliya: Oseas 8-14 Awit 59
Kalidad sa Pagsasalita: Pagkuha sa Pansin ng mga Tao sa Paglilingkod sa Larangan (be p. 217 ¶1-4)
Oral na Repaso
Nob. 5 Pagbabasa ng Bibliya: Joel 1-3 Awit 166
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapakilala ng Iyong Paksa sa Pambungad (be p. 217 ¶5–p. 219 ¶3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Joel at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 146-8 ¶1-5, 12-14)
Blg. 2: Joel 2:1-14
Blg. 3: Ang Kahulugan ng Pagkakaroon ng “Sakdal na Pag-ibig” (1 Juan 4:18)
Blg. 4: Pangungumpisal sa Pari—Bakit Di-makakasulatan? (rs p. 330 ¶3–p. 331 ¶8)
Nob. 12 Pagbabasa ng Bibliya: Amos 1-9 Awit 211
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Konklusyon (be p. 220 ¶1-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Amos at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 148-50 ¶1-6, 13-17)
Blg. 2: Amos 2:1-16
Blg. 3: Kung Bakit Hindi ang Karanasan ang Pinakamahusay na Guro
Blg. 4: Pangungumpisal ng mga Kasalanan sa Diyos at sa Tao (rs p. 333 ¶1-7)
Nob. 19 Pagbabasa ng Bibliya: Obadias 1-21–Jonas 1-4 Awit 220
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Puntong Kailangang Tandaan (be p. 221 ¶1-5)
Blg. 1: Introduksiyon sa Obadias at Jonas at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 151-3 ¶1-5, 10-14; p. 153-5 ¶1-4, 9-12)
Blg. 2: Jonas 1:1-17
Blg. 3: Kung Bakit Dapat Mauna ang Espirituwal na Paraiso Bago ang Makalupang Paraiso
Blg. 4: b Bakit Dapat Ipagtapat sa mga Elder ang Malulubhang Kasalanan? (rs p. 333 ¶8–p. 334 ¶4)
Nob. 26 Pagbabasa ng Bibliya: Mikas 1-7 Awit 18
Kalidad sa Pagsasalita: Sa Ministeryo sa Larangan (be p. 221 ¶6–p. 222 ¶6)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mikas at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 155-8 ¶1-8, 16-19)
Blg. 2: Mikas 2:1-13
Blg. 3: Kung Ano ang Kahulugan ng Pagiging Mahinahong-Loob
Blg. 4: Kung Bakit Makatuwiran ang Maniwala sa Paglalang (rs p. 291-2)
Dis. 3 Pagbabasa ng Bibliya: Nahum 1-3–Habakuk 1-3 Awit 137
Kalidad sa Pagsasalita: Katumpakan ng Pananalita (be p. 223 ¶1-5)
Blg. 1: Introduksiyon sa Nahum at Habakuk at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 158-60 ¶1-7, 11-12; p. 161-3 ¶1-5, 12-14)
Blg. 2: Habakuk 1:1-17
Blg. 3: Pag-unawa sa Ulat ng Bibliya Tungkol sa Paglalang (rs p. 293 ¶1–p. 294 ¶6)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Nakababagot ang Buhay na Walang Hanggan
Dis. 10 Pagbabasa ng Bibliya: Zefanias 1-3–Hagai 1-2 Awit 78
Kalidad sa Pagsasalita: “Nanghahawakang Mahigpit sa Tapat na Salita” (be p. 224 ¶1-4)
Blg. 1: Introduksiyon sa Zefanias at Hagai at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 163-6 ¶1-6, 10-12; p. 166-8 ¶1-7, 13-16)
Blg. 2: Zefanias 3:1-17
Blg. 3: Bakit Hindi Makakasulatan ang Pagsamba sa Krus? (rs p. 125 ¶2–p. 126 ¶2)
Blg. 4: c Paano Nakaaapekto sa Pag-aasawa ang Espirituwalidad?
Dis. 17 Pagbabasa ng Bibliya: Zacarias 1-8 Awit 209
Kalidad sa Pagsasalita: Pagsusuri sa Katumpakan ng Impormasyon (be p. 225 ¶1-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Zacarias (si p. 168-9 ¶1-7)
Blg. 2: Zacarias 7:1-14
Blg. 3: Paano Natupad ang Pangitain ng Pagbabagong-Anyo?
Blg. 4: Ang Edad ba ng mga Tao Bago ang Baha ay Sinusukat Ayon Din sa mga Taon na Ginagamit Natin Ngayon? (rs p. 340 ¶1-3)
Dis. 24 Pagbabasa ng Bibliya: Zacarias 9-14 Awit 202
Kalidad sa Pagsasalita: Madaling Maunawaan ng Iba (be p. 226 ¶1–p. 227 ¶1)
Blg. 1: Zacarias—Bakit Kapaki-pakinabang at Introduksiyon sa Malakias at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 171-2 ¶23-7; p. 172-5 ¶1-6, 13-17)
Blg. 2: Zacarias 10:1-12
Blg. 3: Bakit Sinasabi ng mga Saksi ni Jehova na ang Kaharian ng Diyos ay Itinatag Noong 1914? (rs p. 340 ¶4–p. 342 ¶3)
Blg. 4: Paano Tayo Makapaghahanda sa Pag-uusig?
Dis. 31 Pagbabasa ng Bibliya: Malakias 1-4 Awit 118
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapaliwanag ng Hindi Pamilyar na Termino (be p. 227 ¶2–p. 228 ¶1)
Oral na Repaso
[Mga talababa]
a Kung may oras pa, talakayin ang sagot sa mga pananaw, paggigiit, at pagtutol na pinakaangkop sa pangangailangan ng inyong teritoryo.
b Kung may oras pa, talakayin ang sagot sa mga pananaw, paggigiit, at pagtutol na pinakaangkop sa pangangailangan ng inyong teritoryo.
c Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
d Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
e Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
f Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
g Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
h Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
i Kung may oras pa, talakayin ang sagot sa mga pananaw, paggigiit, at pagtutol na pinakaangkop sa pangangailangan ng inyong teritoryo.
j Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
k Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
l Kung may oras pa, talakayin ang sagot sa mga pananaw, paggigiit, at pagtutol na pinakaangkop sa pangangailangan ng inyong teritoryo.
a Kung may oras pa, talakayin ang sagot sa mga pananaw, paggigiit, at pagtutol na pinakaangkop sa pangangailangan ng inyong teritoryo.
b Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
c Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.