Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/07 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 12
  • Linggo ng Pebrero 19
  • Linggo ng Pebrero 26
  • Linggo ng Marso 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 2/07 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Pebrero 12

Awit 52

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Pebrero 15 ng Bantayan at ang Pebrero ng Gumising! Sa isa sa mga pagtatanghal, ipakita kung paano sasagutin ang posibleng pagtutol na “Hindi ako interesado sa relihiyon.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 16-17.

35 min: “Ipahayag Nang Malawakan ang mga Kagalingan ni Jehova.”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Sa angkop na mga bahagi ng talakayan, ipatalastas ang oras at lokasyon ng Memoryal, mga kaayusan para sa karagdagang mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan, at ang bilang ng mga auxiliary pioneer na pinaplanong abutin ng kongregasyon sa Abril.

Awit 147 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 19

Awit 198

5 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Tularan ang Dakilang Guro Kapag Ginagamit ang Aklat na Itinuturo ng Bibliya.”b Kapag tinalakay ang parapo 6, magkaroon ng maikling pagtatanghal na ipinakikitang ginagamit ng isang mamamahayag ang kahon sa dulo ng kabanata 6 ng aklat na Itinuturo ng Bibliya upang repasuhin ang kabanata sa kaniyang estudyante.

20 min: Maaari Ka Bang Makapagpasimula ng Pag-aaral sa Bibliya sa Marso? Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Sa unang dalawang linggo ng Marso, iaalok natin ang aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin ang mga mungkahi sa insert ng Enero 2006 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 3-6. Gamit ang isa sa mga mungkahi sa pahina 6 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano makapagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng kanilang magagandang karanasan sa paggamit ng aklat, lalo na sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

Awit 220 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 26

Awit 29

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Gamit ang mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Marso 1 ng Bantayan at ang Marso ng Gumising! Sa isa sa mga presentasyon, ipakitang nangangaral sa lugar ng negosyo ang isang mamamahayag.

15 min: “Huwag Kaligtaan ang mga Di-aktibo.”c Ilakip ang mga komento sa Bantayan ng Mayo 1, 2004, pahina 21-2, parapo 13-16.

20 min: “Tularan si Kristo sa Iyong Ministeryo.”d Anyayahan ang mga tagapakinig na basahin at komentuhan ang binanggit na mga teksto hangga’t ipinahihintulot ng panahon.

Awit 18 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 5

Awit 32

15 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Bigyan ng tig-iisang kopya ng espesyal na imbitasyon para sa Memoryal ang bawat tagapakinig, at repasuhin ang mga kaayusan ng kongregasyon sa pamamahagi ng imbitasyong ito sa teritoryo. Himukin ang lahat na lubusang makibahagi. Iharap ang isang pagtatanghal kung paano maaaring gamitin ang imbitasyon.

15 min: Pangangaral ng Mabuting Balita sa Maayos na Paraan. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, mula sa subtitulo sa pahina 102 hanggang sa katapusan ng kabanata.

15 min: “Pinagkatiwalaan ng Kayamanan.”e Anyayahan ang mga tagapakinig na komentuhan ang binanggit na mga teksto hangga’t ipinahihintulot ng panahon.

Awit 104 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share