Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Ialok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Kung wala kayong stock ng aklat na ito, maaari ninyong ialok ang aklat na Kaalaman o alinman sa mas matatagal nang publikasyon. Marso: Itampok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Iaalok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal ngunit hindi aktibong kaugnay sa kongregasyon, sikaping makapagpasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning mapasimulan ang pag-aaral sa Bibliya.
◼ Ang pamagat ng pantanging pahayag pangmadla sa Linggo, Abril 15, 2007 ay “Maaari Kang Maging Panatag sa Magulong Daigdig na Ito!” Bilang paalaala, sa mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pansirkitong asamblea, o araw ng pantanging asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon, gaganapin ang pantanging pahayag sa Abril 22, 2007. Ang mga kongregasyong hindi nagdaraos ng pulong pangmadla sa araw ng Linggo ay maaaring mag-iskedyul ng pantanging pahayag alinman sa mga araw mula Abril 16-21, 2007.
◼ Dapat suriin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Kung nahihirapan ang sinuman na abutin ang kahilingang oras, dapat gumawa ng kaayusan ang mga elder para matulungan sila na abutin ang taunang kahilingan pagsapit ng Agosto 31, 2007.
◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Kapag natapos ito, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon kasabay ng pagbasa ng susunod na ulat ng kuwenta at pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala ng kongregasyon.
◼ Sa Linggo, Pebrero 18, 2007, pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan, magkakaroon ng pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong na ito. Titiyakin niyang may sapat na Application for Auxiliary Pioneer Service na ipamamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.