Repaso sa Paaralang Teokratiko ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Hunyo 25, 2007. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 7 hanggang Hunyo 25, 2007. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong magsaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Kapag nagsasalita, paano natin mababawasan ang kaigtingan at sa gayo’y mapasulong ang kalidad ng ating tinig? [be p. 185 par. 1-3]
2. Paano tayo ‘magiging lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao’ sa ating ministeryo? (1 Cor. 9:20-23) [be p. 186 par. 2-4]
3. Paano natin matutularan ang halimbawa ni Jehova sa pakikinig sa iba? (Gen. 18:23-33; 1 Hari 22:19-22) [be p. 187 par. 1-2, 5]
4. Sa anu-anong praktikal na paraan natin matutulungan ang iba na sumulong sa espirituwal? [be p. 187 par. 6–p. 188 par. 3]
5. Bakit tayo dapat magpakita ng paggalang sa iba? [be p. 190 par. 3, kahon]
ATAS BLG. 1
6. Bakit natin dapat sikaping abutin ang puso ng mga tinuturuan natin? [be p. 59 par. 1]
7. Ano ang epekto ng ating halimbawa sa mga tinuturuan natin? [be p. 60 par. 4]
8. Paano natin mapasusulong ang ating kakayahang makipag-usap sa ating mga kapamilya? [be p. 62 par. 3]
9. Bakit huwaran si propeta Jeremias sa pagpapakita ng lakas ng loob at sigasig? [si p. 129 par. 36]
10. Pinasisigla tayo ng aklat ng Mga Panaghoy na magtiwala kanino, at paano magagamit ang aklat na ito para ilarawan ang tindi ng hatol ng Diyos sa masasama? [si p. 132 par. 13]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Batay sa karanasan ni Jeremias na inilalarawan sa Jeremias 37:21, sa ano tayo makatitiyak?
12. Ano marahil ang dahilan kung bakit nasabi ni Baruc na ‘dinagdagan ni Jehova ng pamimighati ang kaniyang kirot,’ anupat ‘nanghimagod’ siya, at ano ang unang ginawa ni Baruc nang mapaharap siya sa problema? (Jer. 45:1-5)
13. Kailan naging “tiwangwang na kaguhuan sa kaniyang kabuuan” ang Babilonya? (Jer. 50:13)
14. Anong simulain hinggil sa panalangin ang nilinaw sa Panaghoy 3:8, 9, 42-45?
15. Ano ang isinasagisag ng karo na inilalarawan sa Ezekiel kabanata 1?