Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/07 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 6/07 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Hunyo: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur; gayunman, makabubuting laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang magkaroon ng pagkakataon na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kung may ganito nang publikasyon ang may-bahay, ipakita kung paano sila makikinabang dito sa pamamagitan ng maikling pagtatanghal ng pag-aaral sa Bibliya.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon noong mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon sa susunod pagbasa ng ulat ng kuwenta at pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).

◼ Yamang ang Hulyo ay may limang Linggo, mainam na buwan ito upang mag-auxiliary pioneer.

◼ Iminumungkahi na ang mga aplikasyon para sa paglilingkod bilang regular pioneer ay ipadala sa tanggapang pansangay nang di-kukulangin sa 30 araw bago ang napiling petsa ng pagpapasimula. Dapat repasuhin ng kalihim ng kongregasyon ang mga form upang matiyak na ang mga ito ay kumpletong napunan. Kung hindi maalaala ng mga aplikante ang eksaktong petsa ng kanilang bautismo, dapat nilang tantiyahin ang petsa at tandaan ito bilang petsa ng kanilang bautismo. Dapat itong itala ng kalihim sa Congregation’s Publisher Record (S-21) card.

◼ Makukuhang Bagong Publikasyon at CD:

Watch Tower Publications Index 2006—Ingles

Kingdom Melodies-MP3 (Nasa isang CD ang lahat ng Kingdom Melodies)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share