Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/07 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hunyo 11
  • Linggo ng Hunyo 18
  • Linggo ng Hunyo 25
  • Linggo ng Hulyo 2
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 6/07 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hunyo 11

Awit 153

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hunyo 15 ng Bantayan at ang Hunyo ng Gumising!

15 min: Lubusang Nasasangkapan Bilang mga Guro ng Salita ng Diyos. Pahayag salig sa Pebrero 15, 2002, Bantayan, pahina 24-8. Nag-aatubili ang ilang Kristiyano na mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa interesadong mga tao dahil pakiramdam nila ay hindi sila kuwalipikadong magdaos ng pag-aaral. Gayunman, tinutulungan tayo ni Jehova upang maging kuwalipikado tayong mga ministro sa pamamagitan ng kaniyang Salita, ng kaniyang banal na espiritu, at ng kaniyang organisasyon. Ang tunguhin natin ay hindi lamang makapagpasakamay ng literatura. Dapat din tayong magsikap na turuan ang mga tao. (Mat. 28:19, 20) Pasiglahin ang mga mamamahayag na maging palaisip sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

20 min: Gawin Ninyo ang Lahat ng Bagay sa Ikaluluwalhati ng Diyos. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, kabanata 13.

Awit 144 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 18

Awit 217

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: Natatandaan Mo Ba? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Abril 15, 2007, Bantayan, pahina 19.

20 min: “Nagagalak Tayong Magpagal sa Paglilingkod kay Jehova!”a Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga teksto.

Awit 82 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 25

Awit 15

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hulyo 1 ng Bantayan at ang Hulyo ng Gumising!

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Maaari Ka Bang Pumasok sa ‘Isang Malaking Pinto na Umaakay sa Gawain’?”b Kapanayamin sa maikli ang isa o dalawang regular pioneer. Anu-anong pagbabago ang ginawa nila upang makapaglingkod bilang regular pioneer? Anu-anong pagpapala ang natamo nila?

Awit 138 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 2

Awit 208

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hunyo. Banggitin na mga brosyur ang alok natin sa Hulyo, pagkatapos ay itanghal kung paano mabisang maihaharap ang brosyur na Hinihiling.

15 min: Di-pormal na Pagpapatotoo—Isang Mahalagang Paraan ng Pangangaral ng Mabuting Balita. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 101-2. Magmungkahi ng ilang praktikal na paraan upang makapagpatotoo sa di-pormal na paraan. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang kanilang nakapagpapatibay na mga karanasan sa pagpapatotoo sa di-pormal na paraan.

20 min: “Patuloy na ‘Mamunga Nang Marami.’”c Kapag tinatalakay ang parapo 4, ilakip ang mga komento sa kahon na “Kung Paano ‘Mamumunga Nang May Pagbabata,’” sa Pebrero 1, 2003, Bantayan, pahina 21.

Awit 69 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share