Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Setyembre 10
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Setyembre 15 ng Bantayan at ang Setyembre ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay dapat na magkasamang ialok, kahit na isa lamang ang itatampok.
15 min: ‘Makipagkaibigan sa Pamamagitan ng Di-matuwid na mga Kayamanan.’ Pahayag ng elder batay sa Disyembre 1, 1994, Bantayan, pahina 13-18.
20 min: “Tularan ang Halimbawa ni Jesus.”a Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad kung paano sila nakikinabang sa mabuting halimbawa ng iba.
Awit 130 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 17
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon? Rerepasuhin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang nakalipas na taon ng paglilingkod, habang nagtutuon ng pansin sa nakapagpapasiglang mga bagay na nagawa sa ministeryo. Magbigay ng angkop na komendasyon. Bumanggit ng isa o dalawang pitak ng ministeryo na kailangang bigyang-pansin sa bagong taon ng paglilingkod. Magkomento sa gawain ng mga payunir at papurihan sila. Maglahad ng magagandang resulta ng pagsisikap na tulungan ang mga di-aktibo.
20 min: Isang Nagkakaisang Kapatiran. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa kabanata 16 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.
Awit 74 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 24
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Gamitin ang Tract na Makaalam sa Bibliya Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Oktubre. Iaalok sa Oktubre ang mga magasing Bantayan at Gumising! Kapag may nagpakita ng interes, maaaring gamitin ang tract na Makaalam sa Bibliya para makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Matapos bigyan ng attendant ang mga dumalo ng tig-iisang kopya, kung mayroon, talakayin sa maikli ang nilalaman ng tract. Ipaliwanag na maaaring talakayin sa may-bahay sa unang pagdalaw o sa pagdalaw-muli ang buong nilalaman o bahagi ng tract. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Oktubre 1 ng Bantayan at ang Oktubre ng Gumising! Sa isang pagtatanghal, mag-iiwan ang mamamahayag ng tract matapos tanggihan ng may-bahay ang mga magasin. Sa isa pang pagtatanghal, matapos tanggapin ng may-bahay ang mga magasin, bibigyan siya ng mamamahayag ng tract, tatalakayin sa kaniya ang pahina 5, ipakikita ang kupon sa pahina 6 para sa aklat na Itinuturo ng Bibliya o brosyur na Hinihiling, saka sasabihin sa kaniya ng mamamahayag na babalik ito para dalhan siya ng publikasyon.
Awit 222 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay na ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Setyembre.
15 min: Liham ng Sangay. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa liham na nasa unang pahina ng isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng kanilang mga karanasan noong espesyal na mga kampanya o sa paggamit ng aklat na Itinuturo ng Bibliya.
20 min: “Gumawa Nang Higit Pa sa Ating Ministeryo.”b Mag-anyaya ng mga kapatid na magkokomento kung paano sila gumawa nang higit pa sa ministeryo at kung paano sila patuloy na naghahanap ng mga pagkakataong palawakin ang kanilang ministeryo. Patiunang magsaayos ng isa o dalawang komento.
Awit 102 at pansarang panalangin.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.